Author Archives: David Michael San Juan

About David Michael San Juan

Third World writer, educator and social reformer

Buwan ng Wikang Pambansa 2013: 30 Salin, 30 Buhay: Unang Araw (“Ang Pagkontrol sa Gobyerno” ni Antonio Gramsci)

Standard

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2013

30 SALIN (TRANSLATION), 30 BUHAY

Unang Araw: Agosto 1                                

Ang Pagkontrol sa Gobyerno

(malayang salin ng excerpt mula sa “The conquest of the state[1]” ni Antonio Gramsci)

…Sa larangan ng pangkalahatang kapitalistang aktibidad, maging ang manggagawang kumikilos sa loob ng malayang kompetisyon ay isang mamamayan-indibidwal. Ngunit ang mga panimulang kondisyon ng “pakikibaka sa buhay” ay di pare-pareho sa lahat, sa iisang panahon: lamang na kaagad ang ang iilan sa lipunan dahil sa pribadong pag-aari, kaya hindi pantay ang simula ng lahat. Ang manggagawa’y laging nakahantad (exposed) sa mga peligrong nakamamatay: ang kanyang simpleng buhay, ang kanyang kultura, ang kanyang buhay at hinaharap ng kanyang pamilya’y apektado ng mararahas na bigwas ng pagkakaiba-iba sa pamilihan ng paggawa (labor market). Sinusubukan ng manggagawa na makatakas sa kompetisyon at indibidwalismo. Kung gayon, ang prinsipyo ng asosasyon at pagkakaisa ay nagiging mahalaga sa uring manggagawa, binabago ng mga ito ang pag-iisip at mga nakagawian ng mga manggagawa at mga magsasaka…

…Ang pagbuo sa gobyerno ng mga manggagawa ay hindi, samakatuwid, bunga ng aksyon ng isang nagmimilagro: ito mismo’y paglikha, proseso ng pag-unlad. Kailangan dito ang paghahanda sa larangan ng pag-oorganisa at propaganda. Kailangang bigyan ng mas malawak na kapangyarihan ang mga umiiral nang institusyon ng mga manggagawa, bumuo pa ng mga gayong institusyon sa mga komunidad, tiyakin na ang mga bumubuo sa mga ito’y mga komunistang may kamalayan sa rebolusyonaryong misyon na dapat itaguyod ng mga nasabing institusyon. Kung hindi ito mangyayari, ang lahat ng pagsisikap ng masang manggagawa ay hindi magtatagumpay sa paghadlang sa miserableng paglipat ng rebolusyon sa bagong parlamento ng mga huwad na alagad ng sining, mga taong puro salita lamang, at mga makasariling oportunista…

Si Antonio Gramsci (1891-1937) ay isang Italyanong Marxista na kasaping-tagapagtatag o “founding member” ng Partito Comunista d’Italia o Partido Komunista ng Italya, ang pinakamalakas na partido komunista sa buong Europa, labas pa sa Partido Komunista ng Unyong Sobyet, sa mga panahong iyon. Kasama ng libu-libo pang radikal, ikinulong siya ng pasistang gobyerno ng diktador na si Benito Mussolini. Namatay siya noong 1937 bunsod ng pagkakasakit na dulot ng pagkakabilanggo. Popular sa mga radikal ang kanyang mga sinulat habang nakabilanggo na kilala sa tawag na “Prison Notebooks.”

 

                                                                                              

 


[1]Salin sa Ingles ni Michael Carney na masisipat sa http://www.marxists.org/archive/gramsci/1919/07/conquest-state. Orihinal na artikulo mula sa L’Ordine Nuovo, 12 July 1919.

200 likes and I’ll self-publish my first book (nandito ang excerpts)

Standard

(DOWNLOADABLE FILE SA IBABA)

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN JUAN

David Michael M. San Juan

De La Salle University-Manila

(nireject ng isang publishing house ang librong ito; suplado naman ‘yung iba pang publishing house na nagsabing may line-up na sila nang ipupublish hanggang 2014! Sayang naman kung hindi agad mapupublish dahil baka sa 2014 ay gunaw na ang Pilipinas. Hahah. ANO SA TINGIN N’YO, iselfpublish ko na lang?)

INTRODUCTION

Bwiset!

‘Yan ang bukambibig natin sa bawat masamang balitang naririnig sa radyo, nababasa sa dyaryo’t internet o napapanood sa T.V. Financial crisis. Recession. Stock Market Collapse. Korapsyon. Pandaraya. Krimen. Demolisyon. Patayan. Kidnapping. Barilan. Pugutan. Malnourishment. Gutom. Prostitusyon. Extrajudicial killings. Dispersal ng rali. Kudeta. Gera. Bombahan etc. etc. Puro bad news! Sakit sa ulo di ba? May pag-asa pa kaya ang Pilipinas?

Marami ang suko na. Wala na raw pag-asa ang bansa. Malinaw na nailarawan ni Bob Ong ang sentimyento ng marami-raming Pinoy sa finale niya sa kanyang patok na aklat na Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino. “Samantala, wala pa ring malinaw na lunas para sa sakiting bansa. Walang pumapansin sa nag-aapoy nitong lagnat, at walang gustong magbigay ng gamot.”

Maganda ang laman ng libro n’yang ‘yun pero di ako bilib sa ending. Dahil d’yan, isinulat ko ang matagal nang laman ng utak ko. Corny man para sa iba, kung paano uunlad ang Pilipinas ang paksang laging lulutang-lutang sa kukote ko.

In veni remedium. Alam ko ang “lunas para sa sakiting bansa.” Maraming pumapansin “sa nag-aapoy nitong lagnat” pero hindi sila napapansin o sadyang di pinapansin ng mga nasa kapangyarihan, ng gobyerno, ng simbahan, ng paaralan, ng lipunan.

Isa ako sa mga KSP na “gustong magbigay ng gamot” sa sakit ng Pilipinas. Gusto ko nang kumain ng bubog at bumuga ng apoy kung pwede nga lang para pansinin n’yo ako. Pero mahirap gawin ‘yon kaya nagsulat na lang ako ng libro. Alam ko ang sakit natin. Alam ko ang pinanggalingan nito. Alam ko ang gamot. Natutuhan ko ‘yan sa pagbabasa-basa sa mga lumang libro na nasa tabi-tabi at suluk-sulok lang ng mga lumang library. Pinagsama-sama ko ang mga ideyang aking nabasa at ang aking mga sariling ideya kaya nabuo ang aklat na ito. Umaasa ako na sa tulong ng librong ito, maipakakalat natin at mapatutunayan din sa lahat na may pag-asa pa ang Pilipinas.

Kahit may worldwide recession, makaka-survive ang Pilipinas! Yes, Virginia, yes America et cetera et cetera. Uunlad pa ang Pilipinas. Paano? Magbasa tayo ng Good News. Basahin natin Ang Mabuting Balita Ayon kay San Juan na hawak mo na ngayon.

Hindi ito isang thesis, disertasyon o conference paper kaya conversational Filipino ang ginamit ko. Pinilit kong iakma ang pagsusulat sa paraan ng karaniwang pagsasalita ng mga kabataang nasa paaralan na pangunahing target market ng aklat na ito. In fact, sinubukan kong gayahin ang paraan ng paggamit ng lenggwahe ni Bob Ong (ewan kung nagtagumpay ako) dahil epektibo sa kabataan ‘yung paraan niya.

Walang footnotes pero may mga suggested websites at references para sa masipag magbasa. Happy reading!

10 CHAPTERS (and lots of SUBCHAPTERS)
CHAPTER 1: ANG PILIPINAS BAGO ANG “FILIPINAS”

CHAPTER 2: 300 TAON NG KRUS AT ESPADA

CHAPTER 3: PROPAGANDA, REPORMA AT REBOLUSYON

CHAPTER 4: PILIPINAS SA KUKO NG IMPERYALISTANG AGILA
CHAPTER 5: PANAHON NG HAPON HANGGANG PEKENG REPUBLIKA

CHAPTER 6: DIKTADURANG MARCOS

CHAPTER 7: PEKENG REPUBLIKA RELOADED

CHAPTER 8: DIKTADURANG MACAPAGAL-ARROYO

CHAPTER 9: PEKENG REPUBLIKA LEVEL-UP

CHAPTER 10: PILIPINAS BILANG SUPERPOWER SA 2012+

 

CHAPTER 1: ANG PILIPINAS BAGO ANG “FILIPINAS”

We’re Filthy RICH (Then)…

Golden Age of Asia

Bago ang Mga Kastila: BAWAL Ang Sugapa, BAWAL Ang Hacienda

Walang Korap, Walang Mahirap!

 

CHAPTER 2: 300 TAON NG KRUS AT ESPADA

….And Then Magellan Came

Art of Colonization: “Divide et Impera” (Divide and Rule)

Tatlong Daang Taong Kamangmangan = Tatlong Daang Taong Kahirapan

No Hablo Español  Porque Los Frailes No Nos Enseñó

Ang Orihinal na Mafia: Agaw-Lupa Gang

Encomienda naging Hacienda: Mafia 2.0

BUWIS-it talaga!

Graft and Corruption: Pamana ng Mga Kastila

Ang POLOng Di Mo Isusuot!

Nakatikim Ka Na Ba ng Lupit na Humahagupit? Part I

Bangus versus Chonggo: Ugat ng Bleaching Soap Mentality

Die Hard Part 1-200+

Ang Alamat ng Pinoy Elite

 

CHAPTER 3: PROPAGANDA, REPORMA AT REBOLUSYON

Propaganda Movement: Step One sa Rebolusyon

Si Andy Boni

Katipunan: Titis (Spark) ng Pambansang Rebolusyon

Mga Makabayang Sugarol at Magnanakaw

Ang Hudas, Ang Mga Tsismoso, At Ang Rebolusyon

The Empire Strikes Back Part I

Attack of the Clones Part I

Ang Unang “Kudeta”: Pamumuno ni Bonifacio, Inagaw ni Aguinaldo

Kamatayan ng Supremo sa Bundok Buntis

Pagsuko ni Aguinaldo: Pera-pera o Taktika?

Fellowship of the Revolution: Sa Pugad Baboy at Sa Buong Bansa

Si Captain America: Bagong Kalaban ni Pinoy Revo

¡Viva la independencia! ¡Viva la republica Filipina! ¡Viva el bloque elitista!
CHAPTER 4: PILIPINAS SA KUKO NG IMPERYALISTANG AGILA

Inonse ng Kano Part I: Mock Battle of Manila Bay

Inonse ng Kano Part II: Tatlong Dolyar = Presyo ng Bawat Pilipino

Lucky Name: Philippines; Unlucky Number: 333

American Imperialism: Tagapagmana ng Spanish Colonialism

The Shot That Launched a Million Bombs: Simula ng Philippine-American War

Pananakop sa Pilipinas: Utos Daw ng Diyos

Pilipinas: Orihinal na Vietnam, Afghanistan, Iraq at Libya

Concentration Camps: Imbensyon ng mga Kano

Pinoy Elite: God Knows Hudas Not Pay!

Never Say Die: Motto ng mg Pinoy sa Panahon ng Kano

Bayaning Barbero at Artista

The Empire Strikes Back Part II: Ang “Republika” ng Mga Bawal

Attack of the Clones Part II

Alamat ng Mga Pilipinong Komunista

Give Me Liberty or Else…

“Free” Trade: Free Hand ng USA sa Yaman ng Pilipinas

Greed in Any Name Smells Just The Same: Economic Colonialism/ Imperialism/Capitalism/FreeTrade/Free Market Economy/Laissez Faire Economics/Neoliberalism

Lupang Ninakaw ng Matatakaw

Apatnapung-taong Utuan: Ang Pagluluto ng Little Brown Americans

Sangkatutak na Hudas: Sabwatan ng Pinoy Elite at ni Captain America

Ang Alamat ng Trapo: Pulitika ng Pera (Plutocracy)

Ang Pinakamahabang Puppet Show sa Balat ng Lupa: More Than 100 Years And Counting

“When Nothing Seems Right, Turn Left”

Manuel Luis Quezon: Makabayan o Makadayuhan?

 

CHAPTER 5: PANAHON NG HAPON HANGGANG PEKENG REPUBLIKA

Panibagong Pampagulo: A New Empire Strikes (Japanese Occupation)

The Incredible Huk(balahap)

Reign of Terror: Blessing In Disguise sa Wikang Pambansa

Inonse ng Kano Part III (Post-World War II Philippines)

Some Are More Equal Than Others: America>Philippines (Parity Rights)

Master in Bullying Arts: Military Bases Agreement

Permanenteng Imahe ng Nasyon: Rebolusyon at Kontra-Rebolusyon

The Empire Strikes Back Part III: The End of HMB

Ang Alamat ng Aswang 

Tuluy-tuloy na Puppet Show

CIA versus Pilipino Muna

US, Mahilig sa Blackmail

Like Father, Like Daughter: Ang Unang Macapagal sa Palasyo

 

CHAPTER 6: DIKTADURANG MARCOS

Hitler ng Pilipinas, Pasok!

Krisis, Panggigipit at Bundok ng Utang sa Panahon ng Diktadura

Terorista at Kroning Kapitalista: Walang Pinag-iba

Krimen ng Mga Marcos Crony, Buking

Pera ng Gobyerno, Simot sa Panahon ni Marcos

Unexplained Wealth = Kurakot

Stayin’ Alive: Unofficial Theme Song ng Mga Komunista

The Empire Strikes Back Part V (Dictator Macoy)

 

CHAPTER 7: PEKENG REPUBLIKA RELOADED

Instant Bayani at Instant “Revolution”

A New Hope: Edsa I

Welcome Miss American Pie

“Plus ça change, plus c’est la même chose.”

General Ramos: Friend ni Captain America at ng Big Business

Victim Ang Tao (VAT)

Erap Para sa Mahirap: Mahirap Lalong Naghirap   

Pacquiao versus Captain America

Mga Permanenteng B(uw)isita

Huling “Sayaw” ni Erap: Cha-Cha

A New Hope: Edsa II

The Same Old Puppetry: From the Frying Pan to the Fire

Victim Ang Tao (VAT) Part II: Utos ng IMF

A New Hope Part III (Edsa III): Ramdam ang Kahirapan

Katakut-takot na Kurakot: Ang Pinakamahal na Kalsada sa Buong Mundo

Ang Tren na Di Matapus-tapos: 621,000,000 Dollars and Counting!

Fertilizer Para sa Mga Lugar na Sementado

 

CHAPTER 8: DIKTADURANG MACAPAGAL-ARROYO

Si Panday, Si Gloria, Si Garci at  si Mang Juan: Ang 2004 Elections

Harry Potter, Talo ng Mga Wizard sa Pilipinas: Magic Tricks sa Eleksyon

Banana Republic: Botohan sa Sagingan

Martial Law Part II

Gera sa Iraq, Rape sa Subic

Tuloy ang Ligaya ng Mga Dambuhalang Kapitalista sa Panahon ni Gloria

Cha-Cha: Paboritong Sayaw ng Mga Presidente

Paligsahan ng Mayayaman, Kamay ng Dayuhan, “Hocus-PCOS” atbp. Kwento sa Automated na Halalan

 

CHAPTER 9: PEKENG REPUBLIKA LEVEL-UP

Tuwid na Daan = Dating Daan: Ang PPP ni Noynoy

Prayoridad ng Pamahalaang Dilaw: UTANG na naman!

Ang Totoong Boss ni Noynoy: Mga Dambuhalang Negosyante

Noynoy at Gloria, Pareho Ang Perspektiba sa Ekonomya: Mga Hula sa 2012 and Beyond

Pangakong Napako: Lupa Para sa Magsasaka

Lagpas sa Pangakong Napako, Administrasyong Aquino May Potensyal…

Same Old Faces = Same Old Policies = Same Old Problems

 

CHAPTER 10: PILIPINAS BILANG SUPERPOWER SA 2012+

Mayaman ang Pilipinas: Potensyal Bilang Superpower

“People’s Republic of China”: Bagong Imperyalista?

Ang Pinakamalaking Kasinungalingan: Wala Raw Tayong Puhunan

Step TWO sa Kaunlaran: Adios IMF, World Bank

Ang Debt Trap Recipe ng IMF-World Bank: Ginisang Third World sa Sariling Mantika

Positibong Epekto ng Pagiging Balasubas

Nuclear Plant sa Paanan ng Bulkan    

Umalis Muna sa Ring, Mag-aral ng Boxing

Kauna-unahang Makabayang Kandidato sa Eleksyong Pampangulo  

ALTANGHAP: Tuloy Ang Laban ni FPJ                      

Mga Sikreto ng Panitikan, Magagamit sa Kaunlaran           

Farmers at Laborers bilang Managers at Business Owners: Kooperatiba versus Korporasyon

Education For National Development 

Trabaho at Kaunlaran Para sa Lahat: Obligasyon ng Gobyerno             

RH Bill: Bigas versus Condom

SSS, GSIS, PAG-IBIG FUND: Treasure Chest Para sa Industriyalisasyon        

Venezuela at Bolivia Bilang Modelo: Mula Rank 97 Tungong 95 o 75 o Mas Mataas Pa       

Privatization = Road to Perdition: Mula Pabaon Tungong Pasalubong

Unang Hakbang: Ipasa si ANDY BILL (Anti-Dynasty Bill)

Makabayang Cha-Cha: Partylist Style sa Senado, Kongreso at Palasyo

100 Taon ng “Kalayaan,” 100 Taon ng Kahirapan

Matinding Kahirapan sa Panahon ng Globalisasyon

Bato, Noodles, Prostitusyon at Surrogate Ulam: Kakaibang Sukatan ng Kahirapan

Pagdaralita sa Ika-21 Siglo: Resulta ng Isandaang Taon ng Kabiguan ng Kapitalistang Globalisasyon

Mula Kay Manuel Quezon hanggang kay Noynoy Aquino: Walang Pagbabago

Apatnapung Bilyunaryo sa Daigdig ng Mga Dukha

Krisis ng Kapitalistang Globalisasyon sa Daigdig: Tungo sa Post-Kapitalismo

Free-for-All na Boxing

Kapitalismo Bilang Krimen: Ang 2008 International Financial Crisis      

Case Study ng Kapitalistang Globalisasyon sa Pilipinas: Aliping Masunurin, Luging-lugi pa rin

Protesta Kontra-Globalisasyon sa First World

Tinig Mula sa Ibaba at Labas

Mula Kay Charice Pempengco Hanggang sa Mga Tagabalangkas ng Programang Sosyo-ekonomiko: Bansang “Unggoy”?

Foreign Investment: Hindi Totoong Nakakatulong

Kaisipang Rizalista: Makabayan, Anti-Kapitalista

Hidden Agenda ng Foreign Investment

Lagpas Pa sa K+12 at UbD (Understanding by Design): Puhunan sa Edukasyon, Kailangan

English: Hadlang sa Kaunlaran ng Bansa

Telebisyon: Mula Idiot Box Tungong Enlightenment Apparatus

Otro Mundo Es Posible: Tungo sa Isang Bagong International System

Multilateralism Para sa Sustainable Development

UN Security Council: Rich Nations’ Club

Ganito ang Bayan Noon, Ngayon at Hanggang Kailan Pa?

Si Christian, si Banisa At Ang Iba Pang Invisible Pinoy

 
BACK COVER

“BAN this book!” – CIA, IMF at World Bank

Non-fiction sequel sa Noli at Fili.” – Jose Rizal

“Sa wakas, ang mga ideya ko nasa Filipino na!” – Sen. Claro M. Recto

“Tuloy ang rebolusyon!” – Andres Bonifacio

“Democracy is the road to socialism. I told you so.” – Karl Marx

“Ganyan din ang plano namin noon bago dumating ang Amerika.” – Apolinario Mabini

“Kababayan ko ‘yan!” – Marcelo H. del Pilar

“WOW! Made in the Philippines!” – Juan de la Cruz

 

 

FULL CRITIQUE at FULL TEXT ng 2012 SONA

Standard

WALANG PAGBABAGO:

Punto-por-puntong Critique sa 2012

State of the Nation Address (SONA) ni

Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III

FULL VERSION – 4th REVISED EDITION

 

“Mapaglilingkuran lamang natin ang ating bayan sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng katotohanan gaano mang kasakit ito.”

– Jose Rizal

 

Simple lamang ang layunin ng papel na ito: itala/ilista ang mga pahayag ni Noynoy Aquino sa kanyang ikatlong SONA at punahin, tuligsain, o kaya’y purihin ang mga ito batay sa mga katanggap-tanggap na datos at lohikal na opinyon. Simpleng wika ang ginamit sa papel na ito upang mas madaling maintindihan ng nakararami. Filipino (na kung parang Filish o Filipinong may halong English sa aktwal) ang ginamit sapagkat Filipino rin ang orihinal ng talumpati.

Nasa ibaba ng critique ang teksto ng buong orihinal na 2012 SONA at ang opisyal na salin/translation sa Ingles. Anumang siniping pahayag/quote mula sa 2012 SONA ay isinet sa italics na nakapaloob din sa panipi/quotation mark.

Bawat quote mula sa 2012 SONA ay ikinategorya sa apat (4) batay sa nilalaman o content: buladas o pambobola; lantarang kasinungalingan o outright lie; pagkukubli ng buong katotohanan o half-truth; at kalokohan (o kung gagamitin ang terminong paborito ni Senador Miriam Defensor-Santiago, ang terminong mas akma o accurate ay KAGAGUHAN). Maaaring isalin/itranslate na “folly” o “stupidity” ang kalokohan/kagaguhan pero hindi ganap na nacacapture ng mga salitang iyon ang orihinal.

Kasunod ng quote ang paliwanag sa pagkakategorya o categorization ng nilalaman ng quote. Ginuhitan o nilagyan ng underline ang mga bahaging gustong bigyang-diin/iemphasize ng manunulat ng papel na ito. Bago ang critique sa mga ispesipikong quote, sinuri muna ng papel na ito ang SONA sa kabuuan.

Haba at Wika

Masyadong mahaba at masyadong matayutay (puno ng idiomatic expressions/figures of speech) ngunit kapuri-puri ang paggamit ng Filipino (sa halip na Ingles) upang mas maraming mamamayang Pilipino ang makaintindi sa nais niyang sabihin.

 

Delivery

Nakakairita/nakakainis ang paulit-ulit na palakpak ng mga kongresista at senador kahit sa mga bahaging wala namang kapala-palakpak. Ang mismong teksto ng SONA na nakapost sa www.gov.ph ay may marker ng “APPLAUSE.” Halatang scripted ang pagpalakpak na nakaapekto sa bisa o pagiging epektibo ng talumpati. Hindi nakapagpokus ang mga taong totoong nakikinig dahil sa walang lohika o illogical na palakpakan ng mga kongresista at senador.

 

Bagong gimik ang pagsisingit ng video clip ng mga ordinaryong mamamayan na nagpapasalamat sa diumano’y mabubuting nagawa ng gobyerno para sa kanila. Walang lohika ang pagputol sa bandang dulo ng talampati para bigyang-daan ang ilang video clip. Walang coherence o matibay na kaugnayanang talumpati at ang mga video clip na halatang gimik lang para ipagyabang ang mga bagay na hindi naman totoong kapuri-puri o kung kapuri-puri man ay napakaliit lang ng halaga o value.

 

Sa kabuuan, artipisyal at over-acting ang delivery ni Noynoy. Hindi mahusay magtalumpati si Noynoy (bibihira at halos walang hand gestures at halos di rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha na halatang pagod sa pag-iisip kung paano mambobola at mapaniniwala ang mga Pilipinong wala namang laman ang sikmura) at lalong walang laman, hungkag, bangkarote, empty, walang sustansya ang mismong talumpati. Hindi inspiring at lalong hindi truthful ang buong SONA, taliwas sa ipinagyayabang ng mga hambog/braggart na tagapagsalita ng Palasyo.

 

Espasyo: Inklusyon at Eksklusyon sa (Anti)Demokratikong Sistema

Ang venue ng 2012 SONA ay nagbibigay-diin sa eksklusibo at anti-demokratikong katangian o anti-democratic characeter ng sistemang politikal ng Pilipinas. Etsepwera o excluded lagi sa debate, diskurso at lalong-lalo na sa paglikha ng patakaran o policy-making ang mga mamamayan na pinanggagalingan ng awtoridad ng gobyerno batay na rin sa Konstitusyon.

 

Hindi makakapasok nang basta-basta ang mga ordinaryong mamamayan sa Batasang Pambansa (ang venue ng talumpati na nasa Quezon City). Invitational lamang ang aktibidad. Puro mga elite at middle class citizens lamang ang imbitado. Kung may mahihirap mang naimbitahan, sila ang mga mahihirap na docile o walang kibo at kuntento na sa gamumong pakinabang o petty perks na ibinibigay sa kanila ng gobyerno ni Noynoy kapalit ang kanilang bulag na katapatan/loyalty.

 

Samantala, ang mga ordinaryong mamamayan na naghahapag/nag-ooffer ng alternatibo sa palpak na sistemang ekonomiko at matiyagang nagpapaliwanag sa mapayapang paraan ng kanilang kritisismo sa pekeng reyalidad na inilalahad ng SONA ng pangulo, ay hindi pinapayagang makalapit man lamang sa Batasang Pambansa. Bata-batalyong armadong riot police ang nakapwesto sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para harangin ang mga ordinaryong mamamayan na gustong magpahayag ng kanilang saloobin/opinyon sa mismong labas ng Batasang Pambansa.

 

Ang mga ordinaryong mamamayang ito’y napipilitang lumikha ng sariling espasyo – o mag-angkin nito – sa pamamagitan ng mapayapang pagpoprotesta sa mga lansangan o streets na malapit sa Batasang Pambansa. Ang shared space sa lansangan ay shared venue rin para sa iba’t ibang hinaing ng iba’t ibang sektor ng lipunan na naetsepwera sapagkat hindi elite at hindi rin middle class na maaaring maimbitahan sa pekeng SONA. Sa kasalukuyan, ang mga ganitong shared space ang natitirang espasyong demokratiko – na habang tumatagal ay papaliit nang papaliit dahil sa brutalidad ng mga pulis at iba pang ahente ng gobyerno na nagsisilbing protektor ng status quo. Sa ganitong sistema, kitang-kita na si Noynoy ay walang ipinag-iba sa mga presidenteng nauna sa kanya: bingi/deaf siya sa hinaing/grievances ng masang Pilipino at wala siyang pakialam sa kanilang kapakanan/welfare.

 

Si Noynoy ay isa lamang sa mga presidenteng tagapagsalita at kinatawan ng elite. Kung totoong makamasa siya at hindi elitista, dapat ay inilipat niya ng venue ang SONA. Ang presidente na totoong makamasa ay dapat magtalumpati sa harap ng mismong sambayanan – sa Plaza Miranda sa Quiapo, sa Quirino Grandstand, sa Liwasang Bonifacio at iba pang shared spaces na hindi exclusive gaya ng Batasang Pambansa. Ang presidente na totoong makamasa ay hindi dapat natatakot sa sarili niyang mamamayan. Ang presidente na totoong makamasa ay hindi kailangang protektahan ng libu-libong pulis at kung ilan pang surveillance helicopter habang nagbabasa lang naman ng walang kabuluhang talumpating pagkahaba-haba.

 

Nilalaman/Content

Sa kabuuan ay maikakategorya sa apat ang nilalaman ng 2012 SONA: buladas o pambobola; lantarang kasinungalingan o outright lie; pagkukubli ng buong katotohanan o half-truth; at kalokohan.

 

Pambobola (tungkol sa human rights): “Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya. Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko. Kung may abusadong mapang-api, siya ang lalabanan ko. Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito. [Applause]”

 

Kung totoong kampi si Noynoy sa inagrabyado’t ninakawan ng karapatan, bakit hindi pa rin nahuhuli/hinuhuli si Major General Jovito Palparan, Jr. na sangkot o involved sa maraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao/human rights violations. Matagal nang may warrant of arrest kay Palparan. Puntahan ang mga sumusunod na link hinggil sa mga krimen ni Palparan:

http://newsinfo.inquirer.net/114441/palparan-ordered-arrested-no-bail-set  http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2011/may2011/184461-62.htm http://elibrary.judiciary.gov.ph/decisions.php?doctype=Decisions%20/%20Signed%20Resolutions&docid=12238630022062178344

Half-Truth at Pambobola (Patama sa korapsyon ng administrasyong Macapagal-Arroyo): “Nariyan po ang kaso ng North Rail. Pagkamahal-mahal na nga nito, matapos ulitin ang negosasyon, nagmahal pa lalo. Sa kabila nito, binawasan ang benepisyo. Ang labingsiyam na trainsets naging tatlo, at sa mga estasyon, mula lima, naging dalawa. Ang masaklap pa po, pinapabayaran na sa atin ang utang nito, now na. Nariyan ang walang pakundangang bonus sa ilang GOCC, sa kabila ng pagkalugi ng kanilang mga ahensya. Nariyan ang isang bilyong pisong pinasingaw ng PAGCOR para sa kape. Nariyan ang sistemang pamamahala sa PNP na isinantabi ang pangangailangan sa armas ng 45 porsiyento ng kapulisan, para lang kumita mula sa lumang helicopter na binili sa presyong brand new.”

Hanggang ngayon, WALA PANG NAKUKULONG dahil sa mga kaso ng katiwalian/korapsyon na binanggit ni Noynoy. Wala pa ring naipapabalik na kahit singkong duling sa mga perang ninakaw ng mga tiwali/korap na opisyal. Pambobola lamang ang kampanyang anti-korapsyon ni Noynoy. Basahin ang mga sumusunod na link hinggil dito:

http://www.scribd.com/doc/76909805/NBN-ZTE-Plunder-complaint-vs-Arroyo-et-al

http://www.gmanetwork.com/news/story/265693/economy/companies/expensive-coffee-earns-ex-pagcor-chair-genuino-and-others-graft-plunder-charges

http://thirdworldist.wordpress.com/2012/01/31/more-fun-in-the-philippines-600-million-dollar-pillars-or-a-note-on-the-philippine-north-rail-project/

Half-Truth, Kasinungalingan at Pambobola (Patama sa korapsyon ng administrasyong Macapagal-Arroyo): “Wala na ngang iniwang panggastos, patung-patong at sabay-sabay pa ang mga utang na kailangang bayaran na. Mahaba ang iniwang listahan na tungkulin nating punuan: Ang 66,800 na backlog sa classrooms, na nagkakahalaga ng tinatayang 53.44 billion pesos; ang 2,573,212 na backlog sa mga upuan, na nagkakahalaga naman ng 2.31 billion pesos. Nang dumating tayo, may halos tatlumpu’t anim na milyong Pilipinong hindi pa miyembro ng PhilHealth. Ang kailangan para makasali sila: maaaring umabot sa 42 billion pesos. Idagdag pa po natin sa lahat ng iyan ang 103 billion pesos na kailangan para sa modernisasyon ng Hukbong Sandatahan. Sa harap ng lahat ng ito, ang iniwan sa ating pondo na malaya nating magagamit: 6.5 percent ng kabuuang budget para sa natitirang anim na buwan ng 2010.”

Hanggang ngayon, marami pa ring backlog o kakulangan sa edukasyon, batay na rin sa estimate ng Alliance of Concerned Teachers (2012): 132,483 ang kakulangan sa teachers, 97,685 ang tinatayang kakulangan sa classrooms, at 153,709 ang kakulangan sa sanitation facilities. Lalala pa ito dahil sa Programang Kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12) ng administrasyong Aquino. Para sa detalye hinggil sa K to 12, basahin ang link na ito:

http://www.scribd.com/doc/100173820/Alliance-of-Concerned-Teachers-ACT-Critique-of-and-Call-to-Action-on-PNoy-s-K-to-12

Kahit ngayon na mas maraming nang Pilipino ang member ng Philhealth, balewala rin dahil HINDI NAMAN LIBRE o FREE ang Philhealth coverage: kailangang magbayad ng buwanang hulog o premium ang mayorya ng mga member nito. Hanggang ngayon, may mga Pilipino ring hindi pa member ng Philhealth. Dapat ding tandaan na hindi lahat ng serbisyo sa ospital atbp. ay sakop o covered ng Philhealth.

Bago pa man umupo si Noynoy, sinimulan na ni Macapagal-Arroyo ang “modernisasyon” ng Armed Forces of the Philippines/Hukbong Sandatahan. Isang kahunghangan ang ipagpatuloy ito ni Noynoy sa panahon na marami pang pangunahing pangangailangan o basic needs ng mga Pilipino ang hindi nabibigyang-pokus.

Kasinungalingan at Half-Truth (tungkol sa budget ng Pilipinas): “Nagpatupad po tayo ng reporma: tinanggal ang gastusing hindi kailangan, hinabol ang mga tiwali, at ipinakita sa mundong open for business under new management na ang Pilipinas.”

Maraming gastusing HINDI KAILANGAN o hindi dapat iprioritize gaya ng pagbili ng second-hand ships at fighter jets sa Estados Unidos, at dambuhalang pondo para sa palpak na Conditional Cash Transfer (CCT) Program ang patuloy na ipinatutupad. Mababasa sa mga link na ito ang impormasyon tungkol sa pag-aaksaya/pagsasayang ng pera ng gobyerno ni Noynoy:

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=775758&publicationSubCategoryId=63

http://manilastandardtoday.com/www2/2012/07/22/second-thoughts-on-new-falcons/

http://betterphils.blogspot.com/2011/06/philippines-shops-for-us-made-defense.html

Narito naman ang detalye hinggil sa kapalpakan ng CCT Program ng gobyerno ni Noynoy:

http://www.ibon.org/ibon_features.php?id=116

http://www.newsflash.org/2004/02/be/be004468.htm

http://iboninternational.org/resources/pages/EDM/82/149

http://bulatlat.com/main/2012/06/27/conditional-cash-transfers-from-beneficiaries-view/

http://bulatlat.com/main/2011/08/09/study-bares-irregularities-in-cct-program/

http://bulatlat.com/main/2011/08/23/urban-poor-group-counters-wb-positive-report-on-cct/

http://bulatlat.com/main/2010/12/04/filipinos-to-shoulder-php-44-billion-in-cct-loan-repayment/

Sa kabuuan, palpak ang CCT dahil lalo nitong ibinabaon sa kumunoy/quicksand ng sangkatutak na utang ang Pilipinas. Hindi ito sustainable dahil hindi nito nilulutas ang ugat/root cause ng kahirapan ng mga mamamayan. Pag-aaksaya/pagsasayang lamang ito ng pera.

Hindi rin totoong hinabol ng gobyerno ni Noynoy ang mga tiwali. Gaya ng nabanggit na, wala pang naipapakulong AT NACOCONVICT ang administrasyong Aquino sa mga mandarambong na may kaso. Gayundin, kahit singkong duling (not a single dime) ay wala pang naipapabalik sa mga ninakaw na yaman o ill-gotten wealth ng mga dating opisyal.

Totoong “open for business” na ang Pilipinas pero SAME MANAGEMENT dahil ang nakikinabang ay iilang local elite at foreign corporations lamang. Hindi pa rin nararamdaman ng mga ordinaryong Plipino ang kaunlaran na mula sa negosyo o business. Ebidensya? Maglibot sa Metro Manila at iba pang urban centers: sangkatutak ng pulubi at walang bahay/homeless ang makikita mo.

Kasinungalingan, Pambobola, Kalokohan at Half-Truth (tungkol sa macroeconomic growth): “Ang dating sick man of Asia, ngayon, punung-puno na ng sigla. Nang nagkaroon tayo ng positive credit rating action, ang sabi ng iba, tsamba. Ngayong walo na po sila, tsamba pa rin kaya? [Applause] Sa Philippine Stock Exchange index, nang una nating nahigitan ang 4,000 na index, may mga nagduda. Ngayon, sa dami ng all-time high, pati economic managers, nahirapan yata sa pagbilang, at ako rin po ay nagulat: nakakaapatnapu’t apat na pala tayo, at bihira nang bumaba sa 5,000 ang index. [Applause] Nito pong first quarter ng 2012, ang GDP growth natin, 6.4 percent; milya-milya ang layo niyan sa mga prediksyon, at pinakamataas sa buong Southeast Asian region; pangalawa po ito sa Asya, sunod lang tayo sa Tsina. [Applause] Kung dati po, tayo ang laging nangungutang, ngayon, hindi po birong tayo na ang nagpapautang. [Applause]

Totoong mayroong macroeconomic growth o pag-unlad sa lebel ng GDP, stock market at iba pang aspekto ng kaunlaran na iilang tao lang ang nakikinabang, PERO WALANG INCLUSIVE GROWTH: HINDI NAKIKINABANG ANG MAYORYA NG MAMAMAYAN SA PAG-UNLAD. Hindi lahat ay may kakayahang mamuhunan o mag-invest sa stock market. Kailangan mo rin ng sangkatutak na shares para kumita talaga sa stock market. Ang pagyayabang ni Noynoy hinggil sa positive credit rating (nangangahulugang mas madaling makautang dahil nagbabayad at tila may matatag na ekonomya) ay isang ebidensya na ang kanyang konsepto ng “kaunlaran” ay peke: gusto lamang niyang mangutang nang mangutang para lalong mabaon sa kumunoy/quicksand ng utang – sa debt trap ­– sa halip na iahon sa hirap ang mga Pilipino. Ang totoong kaunlaran ay hindi dapat nakadepende sa pangungutang.

Sa kabila ng mataas na GDP, ang Pilipinas ang bansang may pinakamalala/pinakasamang datos sa income inequality sa buong Timog Silangang Asya. Ibig sabihin, sa Pilipinas pinakamalawak ang agwat o gap ng mayaman at mahirap, sa buong Timog Silangang Asya gaya ng pinatutunayan sa isang pag-aaral/research:

http://www.interaksyon.com/business/10258/income-disparity-in-philippines-worst-in-asean

Sumatotal: WALANG SILBI, WALANG KWENTA o PEKE ang KAUNLARAN KUNG HINDI LAHAT AY NAKIKINABANG/NAGBEBENEFIT. Sabi nga ng Asian Development Bank (2012), iyon ay GROWTH lamang o PAGLAGO/PAGLAKI pero HINDI DEVELOPMENT o KAUNLARAN:

http://www.scribd.com/doc/88808467/Asian-Development-Outlook-2012-Confronting-Rising-Inequality-in-Asia

Totoong nagpautang tayo ng isang bilyong dolyar sa International Monetary Fund (IMF) ngayong 2012, pero MALAKI PA RIN ANG UTANG NATIN na mahigit 5 trilyong piso na ngayon mula sa dating 4 trilyong piso sa pagtatapos ng termino ni Macapagal-Arroyo at halos 1 bilyong piso lamang noong panahon ni Manuel Roxas (halos walang utang ang Pilipinas noong panahon ni Aguinaldo). Kung tutuusin, malaking kahunghangan ang ginawang pagpapautang ng Pilipinas sa IMF. Basahin sa mga link na ito ang detalye: http://www.scribd.com/doc/98733160/Shall-We-Help-Save-Europe-On-the-1-billion-dollar-loan

http://ibon.org/ibon_articles.php?id=241

 

Half-Truth (tungkol sa foreign investments): “Dati, namamalimos tayo ng investments; ngayon, sila na ang dumadagsa. Ang mga kumpanyang Hapon, sa isang pagpupulong po namin, ang sabi ay, “Baka gusto n’yo kaming silipin. Hindi nga kami ang pinakamura, pero una naman kami sa teknolohiya.” Pati pinuno ng isa pong malaking bangko sa Inglatera, kamakailan nakipag-usap sa atin, ang sinabi, maisali sana sila sa ating kinukunsulta sa usapang pinansyal.”

Hindi dapat ikatuwa ang pagdagsa ng foreign investments/investors  DAHIL HINDI NATIN SILA KAILANGAN at DAHIL SARILING KAPAKANAN LANG NILA ANG INIISIP NILA. Tandaan na sa Pilipinas, walang limitasyon sa halaga ng tubo o profit na maaaring i­repatriate o ipadala ng mga dayuhang kumpanya sa kanilang mother countries. Samakatwid, mas nakikinabang ang mga dayuhan sa ating natural resources kaysa sa atin mismo. Panoorin ang dokumentaryong ito:

http://www.youtube.com/watch?v=o8STQxdCruE

http://www.youtube.com/watch?v=e9YokbCjZOQ

http://www.youtube.com/watch?v=ZBaz3rKdLP0

Sagana sa likas na yaman o natural resources ang ating bayan kaya hindi natin kailangan ng foreign investments/investors. Mataba ang lupa sa Pilipinas. Marami tayong yamang mineral gaya ng ginto at bakal. May petrolyo rin tayo. Nasa atin ang lahat ng kailangan para mapaunlad ang ating bansa. Pagsandig sa sarili o self-reliance ang susi sa kaunlaran. Tandaan na mula pa noong 1900s ay nakaasa o nakadepende na tayo sa mga dayuhan, at anong nangyari? HINDI PA RIN TAYO MAUNLAD HANGGANG NGAYON! Ang kailangan natin ay technology transfers (mula sa mas mauunlad at industriyalisadong bansa) na NO STRINGS ATTACHED. Lahat ng iba pang kailangan ay narito na sa bansa natin.

Half-Truth (tungkol sa katangahan ng foreign commentators): “Sa bawat sulok ng mundo, nagpapakita ng paghanga ang mga komentarista. Ayon sa Bloomberg Businessweek, and I quote: “Keep an eye on the Philippines.” Ang Foreign Policy magazine, pati isa sa mga pinuno ng ASEAN 100, nagsabing maaari daw tayong maging, and I quote, “Asia’s Next Tiger.” [Applause] Sabi ni Ruchir Sharma, pinuno ng Emerging Market Equities and Global Macro ng Morgan Stanley, I quote: “The Philippines is no longer a joke.” At mukha naman pong hindi siya nambobola, dahil tinatayang isang bilyong dolyar ang ipinasok ng kanyang kumpanya sa atin pong bansa. [Applause] Sana nga po, ang kaliwa’t kanang paghanga ng taga-ibang bansa, masundan na ng lokal na tagapagbalita. [Applause].”

Hindi pa naglalakad sa kahabaan ng Metro Manila ang mga ignoranteng dayuhan na dakdak nang dakdak pero wala naman talagang alam sa nangyayari rito. Hindi pa nila nakikita ang tunay na mukha ng Pilipinas: ang Payatas, ang Baseco, ang mga urban poor community na kulang sa lahat ng pangunahing pangangailangan/basic needs. Mismong Asian Development Bank (ADB) ay hindi kumbinsido/unconvinced na OK na ang Pilipinas. Basahin ang pages 212-213 sa report na ito: http://www.scribd.com/doc/88808467/Asian-Development-Outlook-2012-Confronting-Rising-Inequality-in-Asia  

Pambobola, Half-Truth at Kasinungalingan (tungkol sa Conditional Cash Transfer/CCT/4P):Sinisiguro po nating umaabot ang kaunlaran sa mas nakakarami. Alalahanin po natin: Nang mag-umpisa tayo, may 760,357 na kabahayang benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Tinarget [target] natin itong paabutin sa 3.1 million sa loob ng dalawang taon. Pebrero pa lang po ng taong ito, naiparehistro na ang ikatlong milyong kabahayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya. [Applause] Sa susunod na taon naman, palalawakin pa natin ang sakop nito sa 3.8 milyong bahay; limang beses po ang laki niyan sa dinatnan natin.”

Gaya ng nabanggit na, sa buong Timog Silangang Asya, pinakamalala ang income inequality sa Pilipinas gaya kasinungalingan ang claim na “umaabot ang kaunlaran sa mas nakakarami” sa panahon ni Noynoy. Basahing muli ang pages 212-213 sa report na ito na nagpapatunay na kasinungalingan ang claim ni Noynoy hinggil sa inclusive growth o kaunlaran na “umaabot” na raw sa “nakakarami”:

http://www.scribd.com/doc/88808467/Asian-Development-Outlook-2012-Confronting-Rising-Inequality-in-Asia  

Marami pa ring pulubi, marami pa ring kumakain ng surrogate ulam (kanin na ang ulam ay patis, toyo, mantikang baboy atbp.) at pagpag (tira-tira o leftover na pagkaing panis na at muling niluto upang kainin ng mga anak-dalita/mamamayang hirap na hirap sa buhay). Marami pa ring prostitute sa bansa. Marami pa ring nagbebenta ng kanilang bato/kidney, ngipin at dugo.

Ang ipinagyayabang na anti-poverty program ni Noynoy na kinopya sa rehimeng Macapagal-Arroyo ay walang iba kundi ang Conditional Cash Transfer program o Pantawid Pamilyang Pilipino Progra/4P. Isa lamang itong dole-out program: binibigyan ng tinik ng isda, sa halip na turuang mangisda ang mga mahihirap nating kababayan. Mahigit tatlong taon na itong ipinatutupad PERO MAY MAHIRAP PA RIN SA PILIPINAS. Palpak ang programang ito. Hindi rin binanggit ni Noynoy na sa katunayan, hindi naman forever ang programang ito. Nakatakda itong matapos sa 2016. Pagkatapos noon, balik sa dati ang mahirap: mahirap na mahirap pa rin. Kahit isailalim sa 4P ang lahat ng mahihirap na Pilipino ay balewala rin dahil pansamantala at PANTAWID LAMANG ITO. Ang “pantawid” ay katumbas ng “band-aid” o “just to tide you over,” “just enough for you to survive.” Wala itong konsepto ng totoong pagbura o pag-eradicate sa kahirapan. Hindi nito nireresolba ang ugat ng problema.

Basahing muli ang mga link na ito tungkol sa kapalpakan ng CCT/4P:

http://www.ibon.org/ibon_features.php?id=116

http://www.newsflash.org/2004/02/be/be004468.htm

http://iboninternational.org/resources/pages/EDM/82/149

http://bulatlat.com/main/2012/06/27/conditional-cash-transfers-from-beneficiaries-view/

http://bulatlat.com/main/2011/08/09/study-bares-irregularities-in-cct-program/

http://bulatlat.com/main/2011/08/23/urban-poor-group-counters-wb-positive-report-on-cct/

http://bulatlat.com/main/2010/12/04/filipinos-to-shoulder-php-44-billion-in-cct-loan-repayment/

Sa isang pag-aaral na pinondohan ng World Bank, binigyang-diin na HINDI LAHAT NG CCT PROGRAM AY MATAGUMPAY AT EPEKTIBO: http://info.worldbank.org/etools/docs/library/79646/Dc%202003/courses/dc2003/readings/ccteval.pdf

http://www-wds.worldbank.org/external/default/WDSContentServer/IW3P/IB/2003/09/30/000094946_0309160409264/Rendered/PDF/multi0page.pdf

Para maresolba ang kahirapan, kailangan ng debt audit at debt repudiation, tunay na reporma sa lupa, modernisasyon ng agrikultura, pambansa/makabansang industriyalisasyon at demokratisasyon ng edukasyon. WALA SA MGA REPORMANG ITO ANG BINANGGIT SA 2012 SONA.

Para sa detalye hinggil sa mga repormang ito na HINDI BINANGGIT NI NOYNOY, puntahan ang mga sumusunod na link:

http://bulatlat.com/main/2009/05/23/genuine-agrarian-reform-can-help-philippines-deal-with-crisis/

http://www.cpaphils.org/campaigns/NLMiningandHRSummit_National%20Industrialization_BAYAN.pdf

http://www.congress.gov.ph/press/details.php?pressid=4179

http://thefilipinomind.blogspot.com/2007/08/recto-reader-economic-nationalism-part.html

http://fdc.ph/index.php?option=com_content&view=category&layout=blog&id=75&Itemid=64

http://www.developmenteducationreview.com/issue14-focus2?page=show

http://www.scribd.com/doc/53079990/Paper-Alternatives-to-Capitalist-Globalization

 

Kasinungalingan (Tungkol sa CCT): Pangmatagalan po ang impact ng proyektong ito. Hindi pa kumpleto ang mga pag-aaral, pero ngayon pa lang, maganda na ang ipinapakita ng numero. Base sa listahan ng DSWD: May 1,672,977 na mga inang regular nang nagpapacheck-up. Idagdag pa natin, 1,672,814 na mga batang napabakunahan laban sa diarrhea, polio, tigdas, at iba pa. Four point fifty-seven million na estudyanteng hindi na napipilitang mag-absent dahil sa kahirapan. [Applause]”

Gaya ng nabanggit na, walang pangmatagalang epekto ang CCT dahil pansamantala lamang ang implementasyon nito. Gayundin, dapat tandaan na ang simpleng pagpapacheck-up at pagpapabakuna na dulot ng CCT ay kulang para protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan. Kailangan ng sapat na nutrisyon sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya. Kung walang trabaho ang mga mamamayan, paano sila makakakain ng masustansya, gayong kulang naman din ang ibinibigay sa kanilang pera ng gobyerno sa pamamagitan ng CCT? Dapat ding alalahanin na mataas pa rin ang drop-out rate sa elementarya at hayskul, lalo na sa mga mahihirap na pamilya. Humigit-kumulang 9 milyon ang out-of-school youths. Samakatwid, balewala ang CCT: hindi nito nalutas ang mga problemang idinulot ng kahirapan.

Half-Truth (tungkol sa health care/kalusugan): “Sa kalusugan naman po: Nang dumating tayo, animnapu’t dalawang porsiyento lamang ng mga Pilipino ang naka-enrol sa PhilHealth. Ang masaklap, hindi pa masiguro kung lahat sila ay kabilang sa mga totoong nangangailangan ng kalinga ng estado, o buwenas lang na malapit sa politiko. Ngayon po, 85 percent ng lahat ng mamamayan, miyembro na nito. [Applause] Ang ibig pong sabihin, 23.31 million na Pilipino ang naidagdag sa mga saklaw ng PhilHealth mula nang bigyan tayo ng mandato. [Applause] Ang maganda pa rito: ang 5.2 million na pinakamahirap na kabahayang tinukoy ng National Household Targeting System, buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. [Applause] Dahil po sa No Balance Billing policy ng Department of Health, ang lunas para sa dengue, pneumonia, asthma, katarata, gayundin ang pagpapagamot sa mga catastrophic disease tulad ng breast cancer, prostate cancer, at acute leukemia, makukuha na nang libre ng mga pinakamahirap nating kababayan. [Applause]”

Gaya nang nabanggit na, HINDI LAHAT NG PILIPINO AY MAY PHILHEALTH COVERAGE, AT HINDI RIN LAHAT NG MAY PHILHEATH COVERAGE AY WALANG BINABAYARAN. Katunayan, minority lamang ng mga Philhealth members ang walang binabayaran. Samakatwid, WALANG UNIVERSAL PHILHEALTH COVERAGE. Marami pa ring mahirap ang namamatay dahil sa mga sakit na pwede naming magamot; di sila makapagpagamot dahil walang pera.

Half-Truth (tungkol sa kalusugan): “Mula sa sampung libo noong dumating tayo, umabot na sa 30,801 ang mga nurse at midwife na ating nai-deploy sa ilalim ng RNHeals Program. [Applause] Idagdag pa po natin sa kanila ang mahigit labing-isang libong Community Health Teams na nagsisilbing tulay upang higit na mapatibay ang ugnayan ng mga doktor at nurse sa komunidad. At kung dati tutungo lamang ang mga nurse kung saan makursunadahan ng kanilang hepe, ngayon, dahil sa tamang targeting, kung saan sila kailangan, doon sila ipinapadala: [applause] sa mga lugar na matagal nang naiwan sa laylayan ng lipunan. Ipinadala po ang ating mga health professional sa 1,021 na pook na saklaw ng Pantawid Pamilya, at sa 609 na pinakamahihirap na lungsod at munisipyo, ayon sa pag-aaral ng National Anti-Poverty Commission. [Applause]”

WALANG REGULAR na doktor at/o nurse na nakadestino sa ibang health care centers. May oversupply ng nurse sa Pilipinas PERO KULANG PA RIN NG NURSE sa mga public hospital at community health care centers. Madali itong patunayan sa pamamagitan ng aktwal na pagbisita sa mga community health care center at public hospital sa Pilipinas. Sa ibang urban poor community, mayroong police detachment PERO WALANG community health care center.

Kasinungalingan (tungkol sa health care): “Nais din nating makamit ang Universal Health Care, at magkaroon ng sapat na kagamitan, pasilidad, at tauhan ang ating mga institusyong pangkalusugan.”

Ang totoo, si Noynoy ang promotor ng korporatisasyon/corporatization ng mga pampublikong ospital. Ibinalita kamakailan na ang kapitalistang si Manny V. Pangilinan (na kilalang kasosyo at manedyer ng mga malalaking dayuhang negosyanteng Asyano) ang mangunguna sa korporatisasyon ng mga pampublikong ospital. Ang korporatisasyon (pagpapatakbo sa isang institusyon na parang korporasyon na tubo/profit ang pangunahing layunin) ay unang hakbang tungo sa pribatisasyon ng serbisyong pangkalusugan sa bansa.

Ang pribatisasyon ng kalusugan ay direktang pag-abandona o pagbalewala sa responsibilidad ng gobyerno na pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan. Kapag pribado o privatized na ang mga ospital at health care center, lalong hindi na makakaya ng mahihirap na magpagamot o magpatingin man lang sa doktor. Sa halip na universal health care ay health care for the wealthy ang mangyayari.

Basahin ang mga link na ito tungkol sa korporatisasyon/pribatisasyon ng serbisyong kalusugan/health care sa Pilipinas:

http://bulatlat.com/main/2012/03/30/stop-privatizing-public-health-services-facilities/

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=796880&publicationSubCategoryId=

http://www.ndb-online.com/071312/local-news/local-news-gabriela-says-no-corporatization-gov%E2%80%99t-hospitals

Nakita na natin sa kaso ng Estados Unidos ang masasamang bunga ng korporatisasyon at pribatisasyon ng mga institusyong pangkalusugan. Para sa karagdagang detalye, panoorin ang pelikulang “Sicko” ni Michael Moore:

http://www.youtube.com/watch?v=N8NPXr25PsQ&feature=related

Kapuri-puri PERO KULANG (tungkol sa Sin Tax atbp.): “Sa pagtugon natin sa mga ito, malaki ang maiaambag ng Sin Tax Bill. Maipasa na po sana ito sa lalong madaling panahon. [Applause] Mababawasan na ang bisyo, madadagdagan pa ang pondo para sa kalusugan.”

Dapat, bukod sa Sin Tax, magpataw/mag-impose din ng wealth tax na kagaya ng sa Norway o ng millionaire’s tax na kagaya ng proposal ng bilyonaryong Amerikano na si Warren Buffett. Dapat maging progresibo ang tax system sa Pilipinas. Ibig sabihin, ang mayayayamang indibidwal at korporasyon ay dapat mas malaki ang bayarang buwis. Dapat wala silang tax exemption at tax shields dahil malaking-malaki naman ang kita nila.

Para sa detalye hinggil sa progresibong tax system (sa Amerika ay 90% dati ang tax rate para sa mayayaman), panoorin ang “Capitalism: A Love Story”:

http://vimeo.com/39118828

http://vimeo.com/39132772

Narito naman ang link tungkol sa millionaire’s tax na proposal ni Buffett:

http://www.nytimes.com/2011/08/15/opinion/stop-coddling-the-super-rich.html/?_r=1

http://www.reuters.com/article/2012/03/21/us-usa-taxes-millionaires-idUSBRE82K0SD20120321

Half-Truth at Pambobola (tungkol sa edukasyon): “Matibay po ang pananalig natin kay Secretary Luistro: Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan. [Applause] Ulitin ko po, next year pa po ‘yan; 40,000 pa lang ho this year. Ang minana po nating 2,573,212 na backlog sa upuan, tuluyan na rin nating matutugunan bago matapos ang 2012. [Applause] Sa taon din pong ito, masisimot na rin ang 61.7 million na backlog sa textbook upang maabot na, sa wakas, ang one is to one ratio ng aklat sa mag-aaral. [Applause]”

Gaya ng nabanggit na, napakarami pa ring backlog o kakulangan sa mga pampublikong paaralan. IMPOSIBLENG MABURA o MAWALA ANG BACKLOG na ito sa pagtatapos ng 2012 DAHIL KULANG ANG PONDO NG DEPARTMENT OF EDUCATION. Tandaan na ang pagbabayad ng utang at hindi edukasyon ang prayoridad ng gobyerno ni Noynoy sa National Budget. Pambobola lamang at tiyak na hindi magkakatotoo ang pangakong paglutas/pagresolba sa lahat ng backlog ng mga pampublikong paaralan. Dapat ding tandaan na bilyun-bilyong piso ang magagastos ng gobyerno para sa programang K to 12 (karagdagang compulsory kindergarten at 2 taon ng senior high school bago magkolehiyo). Samakatwid, parang gomang banat na banat o stretched out ang budget ng Department of Education. Kaya, kahit sinsero at matapat na DepEd Secretary si Br. Armin Luistro, FSC, tiyak na mabibigo siya na resolbahin lahat ng kakulangan ng mga pampublikong paaralan DAHIL SA KAKULANGAN NG BUDGET.

Batay sa konserbatibong pagtataya o conservative estimate ng Social Watch Philippines, KULANG ng at least 31 bilyong piso ang budget ng DepEd ngayong 2012: http://www.socialwatchphilippines.org/images2/abi2012_educ.pdf

Para sa iba pang grupo gaya ng Anakbayan, kulang na kulang din ang budget ng DepEd:

http://www.anakbayan.org/education-crisis-worsened-under-aquino-youth-group/

Mismong ang mga pribadong korporasyon ay nagpapatunay na HINDI KAYANG RESOLBAHIN ng kasalukuyang gobyerno ang mga backlog: http://www.ayalafoundation.org/news.php?i=129

 

Half-Truth at Kalokohan (rtungkol sa RH Bill): “Sana nga po, ngayong paubos na ang backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito. [Applause]”

Ano ang laman ng responsibile parenthood? Pamimigay ng libreng condom at pills? RH Bill na pro-contraception? Hindi naman iresponsible parenthood ang problema: http://www.scribd.com/doc/54410732/Paper-on-the-RH-Bill

Kasinungalingan at Kalokohan (tungkol sa budget ng SUCs): At para naman po hindi mapag-iwanan ang ating mga State Universities and Colleges, mayroon tayong panukalang 43.61 percent na pag-angat sa kanilang budget para sa susunod na taon. [Applause] Paalala lang po: lahat ng ginagawa natin, may direksyon; may kaakibat na kondisyon ang dagdag-budget na ito. Kailangang ipatupad ang napagkasunduang SUC Reform Roadmap ng CHED at ng kaukulang state universities and colleges, upang siguruhing dekalidad ang magiging produkto ng mga pamantasang pinopondohan ng estado. Kung mataas ang grado ninyo sa assignment na ito, asahan ninyong dodoblehin din namin ang kayod para matugunan ang mga natitirang pangangailangan po ninyo. [Applause]”

Kung totoo ang pambobolang ito ni Noynoy, DAPAT BUMABABA NA ANG TUITION FEE at OTHER FEES sa SUCs di ba? Pumunta kayo sa kahit anong SUC sa buong Pilipinas: WALANG NAGBABABA ng TUITION and OTHER FEES! Katunayan, pataas nang pataas ang OTHER FEES at kahit TUITION FEE sa mayorya ng SUCs. Katunayan, napipilitan ang mga eskwelahan na iparenta/ilease ang ari-arian nila gaya ng lupa para mapagtakpan o pansamantalang masolusyunan ang kakulangan sa budget. Halimbawa, ang main gate ng Bulacan State University ay kakapiraso na lang ngayon dahil ginawa nang commercial center (Petron, McDo, Gerry’s Grill, Figaro, Robinsons Supermarket atbp.) ang malaking bahagi nito. Sa Unibersidad ng Pilipinas (UP)-Diliman naman, may plano nang magtayo ng isang Ayala Mall sa lupa ng UP, bukod pa sa dambuhalang UP-Ayala Techno Hub.

Kung totoo man na may increase sa budget ng SUCs, HINDI IYON SAPAT: KULANG PA RIN ANG PONDO ng SUCs. Kung totoong sapat ang increase sa budget ng SUCs, sana ay wala nang eskwelahan na magtatayo ng mall o maglalagay ng commercial center sa main gate nila. Puntahan ang SUCs at makikitang kulang na kulang din ang kanilang pasilidad gaya ng library, CR at maging classroom. Malaki rin ang class size sa maraming SUCs, at uso na rin ang merged classes/oversize classes dahil nagtitipid ang mga SUCs sa pagkuha ng mga instruktor at propesor. Katunayan, maraming instruktor sa SUCs ang hindi pa rin nagkakaroon ng permanenteng posisyon (forever contractual) o kaya’y hindi mapromote dahil walang item (vacant position) at budget.

Para sa paglilinaw hinggil sa kasinungalingang increase sa budget ng SUCs, puntahan ang link na ito:

http://www.anakbayan.org/youth-groups-dbm-claim-re-suc-budget-increase-a-pr-stunt/

 

Kalokohan at Pambobola (tungkol sa education budget): “Panay addition po ang nagaganap sa ating budget sa edukasyon. Isipin po ninyo: ang budget ng DepEd na ipinamana sa atin noong 2010, 177 billion pesos. Ang panukala natin para sa 2013: 292.7 billion pesos. [Applause] Noong 2010, 21.03 billion pesos ang budget para sa SUCs. Taunan po iyang dinagdagan upang umabot na sa 37.13 billion pesos na panukala natin para sa 2013. [Applause] Pero sa kabila nito, ngayon pa lang, may nagpaplano nang magcut-classes para mag-piket sa Mendiola. Ganito po kasimple: ang 292.7 ay mas malaki sa 177, at ang 37.13 ay mas malaki sa 21.03. Kaya kung may magsasabi pa ring binawasan natin ang budget ng edukasyon o magsasabi pa ring binawasan natin ang budget ng edukasyon, kukumbinsihin na lang namin ang inyong mga paaralan na maghandog ng remedial math class para sa inyo. [Laughter and applause] At sana po, sa mga klaseng ‘to, pakiusap namin, sana itong klaseng remedial na nga eh pasukan naman po ninyo.”

Gaya ng nabanggit na, HINDI SINABI NI NOYNOY na KULANG PA RIN ANG IBINIGAY NIYANG BUDGET sa SUCs at sa mismong education sector. Kaya may nagrarali pa rin na estudyante ay dahil kulang nga ang ibinibigay niyang budget sa edukasyon. Siya ang dapat bigyan ng remedial class sa Math at Statistics. May mga eskwelahan din na may budget cut pa rin (abangan ang detalye ng 2013 National Budget).

Kalokohan at Kasinungalingan: “Nang maupo tayo, at masimulan ang makabuluhang reporma, minaliit ng ilan ang pagpapakitang-gilas ng pamahalaan. Kundi raw buwenas, ningas-kugon lang itong mauupos rin paglaon. May ilan pa rin pong ayaw magretiro sa paghahasik ng negatibismo; silang mga tikom ang bibig sa good news, at ginawang industriya na ang kritisismo. Kung may problema kayo na bago matapos ang taon, bawat bata ay may sarili nang upuan at aklat, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at sabihin ninyong, “Ayaw kong makapag-aral ka.” Kung masama ang loob ninyo na ang 5.2 million na pinakamahihirap na kabahayang Pilipino ay maaari nang pumasok sa ospital nang hindi iniintindi ang gastos sa pagpapagamot, tingnan ninyo sila ulit, mata sa mata, at sabihin ninyong, “Ayaw kong gumaling ka.” Kung nagagalit kayo na may tatlong milyong pamilyang Pilipino nang tumutungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap dahil sa Pantawid Pamilya, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at sabihin ninyong, “Ibabalik ko kayo sa kawalan ng pag-asa. [Applause]”

By implication, gustong sabihin ni Noynoy sa quote na iyon na kaaway ng kaunlaran ang mga nagpoprotesta laban sa kanya dahil diumano/allegedly ay nakapagsagawa siya ng reporma kaya raw mas marami nang nakakapag-aral ngayon, wala na raw kulang na libro at upuan, at ang mahihirap daw ay nakakapasok na sa ospital, at may 3 milyong pamilyang Pilipino rawna umuunlad na ang buhay. Alam ng lahat na kasinungalingan ito dahil kahit saan ka pumunta ay mayroong pulubi at walang bahay/homeless. Marami pa ring namamatay dahil walang pampagamot at pampaospital (kaya nga mahaba rin ang pila ng mga humihingi ng financial assistance sa Philippine Charity Sweepstakes Office/PCSO). Hindi lahat ng Pilipino ay nakikinabang sa pambobola ni Noynoy at araw-araw nating nakikita ang mga Pilipinong ito.

Kalokohan (tungkol sa technical-vocational education): “Pumasok si Secretary Joel Villanueva; [applause] hindi siya nagpasindak sa tila imposibleng pagbabagong dapat ipatupad sa kanyang ahensya. Sa kabila ng malaking utang na minana ng TESDA, 434,676 na indibidwal  pa rin ang kanilang hinasa sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program. [Applause] Kongkretong tagumpay din po ang hatid ng TESDA Specialista Technopreneurship Program (mas mahirap pong bigkasin kaysa sa resulta). Biruin po ninyo, bawat isa sa 5,240 na sertipikadong Specialistas, kumikita na ngayon ng 562 pesos kada araw o 11,240 pesos kada buwan. Mas malaki pa po ito sa minimum wage. [Applause]”

So, para kay Noynoy, OK na ang 562 pesos kada araw sa mga mahihirap. Ayaw niyang umasenso ang mga ordinaryong mamamayan. Hanggang vocational-technical education lang na mababa ang kita kaysa sa mga graduate ng four-year courses ang gustong ibigay ni Noynoy sa mga kabataang Pilipino. Kaya ba niyang mabuhay sa 562 pesos kada araw? Kaya bang mabuhay ng mga senador at kongresistang pumapalakpak sa kanyang pambobola sa halagang 562 pesos kada araw? Tiyak na hindi kaya HINDI NILA DAPAT sinasabing pwede na iyon sa mga ordinaryong Pilipino. Kung anong mayroon si Juan dapat ay mayroon din si Pedro at Juana! Samakatwid, kung may oportunidad ang mga pamangkin ni Noynoy na mag-aral hanggang kolehiyo at lagpas pa roon, dapat ang mga ordinaryong Pilipino ay bigyan din ng oportunidad na makalagpas sa vocational-technical education lang na mas mababa ang kita kapag may trabaho na.

Half-Truth at Pambobola (tungkol sa employment): “Sinisiguro nating manganganak ng trabaho ang pagsigla ng ating ekonomiya. Alalahanin po natin, para tumabla lang, kailangang makalikha taun-taon ng isang milyong bagong trabaho para sa mga new entrants. Ang nalikha po natin sa loob ng dalawang taon: halos 3.1 million na bagong trabaho. [Applause]”

Saan nga ba nanggaling ang mahigit 3 milyong bagong trabaho raw? Hindi ito nanggaling sa sektor ng industriya o manupaktura (mga pabrika atbp.) na siyang pangunahing pinagkukunan ng trabaho sa karamihan ng mga mauunlad at industriyalisadong bansa. Hindi rin ito galing agrikultura. Galing ito sa sektor ng serbisyo (call centers, bangko, malls at iba pang negosyo na walang nalilikhang produkto). Mismong ang Asian Development Bank (2012) ay nagbabala na sa isang report na hindi kaya ng sektor ng serbisyo na tustusan o isustain ang pag-unlad ng Pilipinas (p.213):

http://www.scribd.com/doc/88808467/Asian-Development-Outlook-2012-Confronting-Rising-Inequality-in-Asia

Gaya nang binabanggit ng Asian Development Bank, ang sektor industriya sa Pilipinas ay pahina nang pahina habang hindi naman magawa ng sektor ng serbisyo na bigyan ng trabaho ang mayorya ng mga naghahanap ng trabaho. Isa pang masama, mayorya ng trabahong nalilikha ngayon sa Pilipinas ay KONTRAKTWAL at HINDI PANGMATAGALAN. Paliit na nang paliit ang mga manggagagawang may regular/permanenteng trabaho. Kumbaga, kahit nakalikha ng trabaho ang gobyerno ni Noynoy, malinaw na WALANG KALIDAD at KONTRAKTWAL lamang ang karamihan sa mga trabahong nalikha.

Half-Truth, Kalokohan at Kasinungalingan (tungkol sa unemployment): “Ito po ang dahilan kung bakit pababa nang pababa ang unemployment rate sa bansa. Nang dumating tayo, eight percent ang unemployment rate. Naging 7.2 ito noong Abril ng 2011, at bumaba pa lalo sa 6.9 ngayong taon, sa buwan rin ng Abril. [Applause] ‘Di po ba makatwirang mangarap na balang araw, bawat Pilipinong handang magbanat ng buto, may mapapasukang trabaho?”

Sa totoo lang, kaya mababa ang unemployment rate sa bansa ay dahil iba ang depenisyon ng gobyerno sa employment. Para sa gobyerno, ang mga trabahong isang oras lang kada araw ay trabaho na (versus sa karaniwang 8 oras ng regular na trabaho)!

Ito ang dahilan kung bakit batay sa ibang organisasyon gaya ng Social Weather Station (SWS), mas malala ang unemployment rate ng Pilipinas sa panahon ni Noynoy: noong Marso 2012, umabot sa 34.4% ang walang trabaho (13.8 milyong manggagawa). Ang average unemployment rate sa unang dalawang taon ni Noynoy ay nasa 26.8%, na di hamak na mas malaki kumpara sa 19.6% ni Gloria, 9.2% ni Erap, at 10.3% ni Ramos. Narito ang detalye ng unemployment survey noong Marso 2012:

http://www.gmanetwork.com/news/story/258888/news/nation/sws-unemployment-hits-record-high-34-4-13-8m-jobless

Gayundin, sa depenisyon ng gobyerno, ang isang taong ayaw nang maghanap ng trabaho (halimbawa’y tinamad na dahil matagal nang nag-aapply at wala naming mapasukan) ay HINDI ITINUTURING NG GOBYERNO NA UNEMPLOYED! Kumbaga, sa datos/data ng gobyerno, ang mga TAMBAY NA HINDI NAGHAHANAP NG TRABAHO AY PARANG KATUMBAS NA RIN NG MAY TRABAHO! Samakatwid, malaking kalokohan at panlilinlang ang pagyayabang ni Noynoy hinggil sa diumano’y mababang unemployment rate. Dapat tandaan na ang mataas na actual unemployment rate ang nagtutulak sa mga Pilipino para mangibang-bansa. Malinaw itong ipinakikita sa isang ulat ng Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN (2012): “Ayon naman sa National Statistics Office (NSO), mayroong 2.2 milyong OFWs ang nagtrabaho sa labas ng bansa mula Abril hanggang Setyembre 2011, mas malaki sa 2 milyon noong 2010. Batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), noong panahon ni Arroyo, nasa 1 milyon ang taunang deployment ng OFWs; Erap, 0.84 milyon; Ramos, 0.69 milyon; at Cory, 0.47 milyon.” Mababasa sa link na ito ang buong ulat ng BAYAN:

http://www.bayan.ph/site/2012/07/dalawang-taon-ni-aquino-walang-pagbabago/

Pambobola at Half-Truth (tungkol sa BPO): “Tingnan na lamang po natin ang BPO sector. Noong taong 2000, limanlibo katao lang ang naempleyo sa industriyang ito. Fast forward po tayo ngayon: 638,000 katao na ang nabibigyang trabaho ng mga BPO, at labing-isang bilyong dolyar ang ipinasok nito sa ating ekonomiya noong taong 2011. [Applause] Ang projection nga po ng industriya, pagdating ng 2016, kung saan ako po ay magpapaalam na sa inyo, 25 billion dollars na ang maipapasok nito, at makakapag-empleyo ng 1.3 million na mga Pilipino. [Applause] Hindi pa po kasama rito ang tinatayang aabot sa 3.2 million na mga taxi driver, barista, mga sari-sari store, karinderya, at marami pang ibang makikinabang sa mga indirect jobs na malilikha dahil sa BPO industry.”

Ang hindi binanggit ni Noynoy, 1% lang ng labor force sa Pilipinas ang nagtatrabaho sa BPO (call centers atbp.) ayon mismo sa p.213 ng pananaliksik ng Asian Development Bank:

http://www.scribd.com/doc/88808467/Asian-Development-Outlook-2012-Confronting-Rising-Inequality-in-Asia

Samakatwid, walang gaanong impact ang BPO sa ekonomya ng Pilipinas, lalong-lalo na sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Gayundin, ano na ang mangyayari sa mga umaasa sa BPO industry kapag nagtagumpay si US President Barack Obama sa plano niya na pabalikin sa Estados Unidos ang mga trabahong inoutsource? Habang napapalapit ang eleksyon sa Amerika, lalong tumitindi ang propagandang anti-outsourcing sa Estados Unidos. Si Barack Obama ng Democrat Party at si Mitt Romney ng Republican Party ay nag-aakusa sa isa’t isa na sumuporta sa outsourcing noon:

http://edition.cnn.com/2012/07/10/politics/campaign-wrap/index.html

Sa kasalukuyan ay pareho silang nagpapanggap na anti-outsourcing. Sa tindi ng krisis sa Amerika at Europa, maraming mamamayan doon ang nagkakampanya rin laban sa outsourcing. Samakatwid, malaki ang posibilidad na ang ganitong sitwasyon ay magpahina – sa halip na magpalakas – sa ipinagyayabang na BPO industry ni Noynoy. Kung gayon, dapat lamang na maghanda ang mga Pilipino ng alternatibo sa BPO industry. Dahil mayaman sa natural resources ang Pilipinas, dapat lamang na linangin o idevelop natin ang ating agrikultura at industriya. Ito lamang ang makapagbibigay ng garantisadong pangmatagalang trabaho sa mayorya ng mga Pilipino.

Half-Truth at Pambobola (tungkol sa mga bagong airport at terminal): “Malaking bahagi din po ng ating job-generation strategy ang pagpapatayo ng sapat na imprastraktura. Sa mga nakapagbakasyon na sa Boracay, nakita na naman ninyo ang bagong-binyag nating terminal sa Caticlan. Nakalatag na rin po ang plano upang palawakin ang runway nito. Magkakaroon pa po ‘yan ng mga kapatid. Bago matapos ang aking termino, nakatayo na ang New Bohol Airport sa Panglao, [applause] New Legaspi Airport sa Daraga, at Laguindingan Airport sa Misamis Oriental. [Applause] Ia-upgrade na rin po natin ang ating international airports sa Mactan, Puerto Princesa, at Tacloban. [Applause] Dagdag pa po diyan ang pagpapaganda ng mga airport sa Butuan, Cotabato, Dipolog, Pagadian, Tawi-Tawi, Southern Leyte, at San Vicente sa Palawan. [Applause] Kami po sa Tarlac ay maghihintay na lang. [Laughter] Pang-apat na Pangulo na po akong sasalo sa problema ng NAIA 3. Hindi lang po eroplano ang nag-take off at nag-landing dito: maging mga problema’t anomalya, lumapag din. Nagbitiw na po ng salita si Secretary Mar Roxas: bago tayo magkita sa susunod na SONA, maisasaayos na ang mga structural defects na minana natin sa NAIA 3. [Applause]”

Sa totoo lang, hindi naman kailangan ng Pilipinas ng maraming airport at terminal. Kahit walang turismo ay maaaring umunlad pa rin ang Pilipinas dahil may potensyal naman ang ating sektor ng agrikultura at industriya. Sa totoo lang, kahit napakarami nating airport at terminal ay balewala pa rin DAHIL WALA NAMANG PERA PARA MAMASYAL ANG MGA ORDINARYONG MAMAMAYANG PILIPINO! Kung gusto nating lumago/umunlad ang sektor ng turismo, dapat nating palakasin ang kakayahan ng mga sarili nating mamamayan na maging turista sa sariling bayan. Kailangang bigyan natin ng trabaho at disenteng sahod/sweldo ang mga mamamayan para may pera na rin sila sa pamamasyal sa buong Pilipinas. Doon lang magkakaroon ng silbi ang mayorya sa ating mga airport at terminal.

Hinggil sa NAIA 3, bakit hanggang ngayon, WALA PA RING NAKUKULONG DAHIL SA PAGNANAKAW SA PERA NG BAYAN na kitang-kita sa tinipid na materyales ng NAIA 3 (matatandaan na sa mismong araw ng soft opening ay bumagsak ang kisame o ceiling ng NAIA 3).

Kapuri-puri PERO KULANG; Half-Truth at Kasinungalingan (tungkol sa transportasyon): “Nitong Hunyo po, nagsimula na ring umusad ang proseso para sa LRT Line 1 Cavite Extension project, na magpapaluwag sa trapik ng Las Piñas, Parañaque, at Cavite. [Applause] Dagdag pa diyan, para lalong mapaluwag ang traffic sa Kamaynilaan at mapabilis ang pagtawid mula North Luzon hanggang South Luzon Expressway, magkakaroon ng dalawang elevated NLEX–SLEX connector. Matatapos po ang mga ito sa 2015. [Applause] Magiging one hour and 40 minutes na lang ang biyaheng Clark papuntang Calamba oras na makumpleto ang mga ito. Bago po tayo bumaba sa puwesto, nakatayo na rin ang mga dekalidad na terminal sa Taguig, Quezon City, at Parañaque na paparadahan ng bus biyaheng probinsya, [applause] upang hindi na sila makisiksik pa sa EDSA.

Nagbago na po ang takbo ng usapan tungkol sa ahensyang dati’y itinuturing na pugad ng kapalpakan. Naalala ko po dati: Kapag tag-ulan at umapaw ang Tarlac River, nalulunod ang MacArthur Highway. Tutunawin nito ang aspalto; magbabaku-bako ang kalsada hanggang sa tuluyan na nga itong mawawala. Bilang kinatawan noon ng aking distrito, inireklamo ko po ito. Ang tugon ng DPWH: alam namin ang problema, alam namin ang solusyon, pero wala kaming pera. Kinailangan ko pong makiusap sa aking mga barangay, at ang sabi ko po sa kanila ay “Kung hindi natin ito uunahin, walang gagawa nito, at tayo rin ang mapeperhuwisyo.” Dati, panay ang “hoy, gising!” sa gobyerno, bakit wala daw kasing ginagawa. Ngayon ang reklamo, “Sobra namang trapik, ang dami kasing ginagawa.” [Laughter and applause] Paalala lang din po: naisasaayos na natin ang mga kalsadang ito nang hindi nagtataas ng buwis. [Applause]

 

Bubuo tayo ng mga daanan, hindi ayon sa kickback o kursonada, pero ayon sa isang malinaw na sistema. Dahil hindi na bara-bara ang paglalagak natin ng pondo para sa mga proyekto, hindi na ito mapapako sa plano, totoong kalsada na ang pakikinabangan ng Pilipino. Nang maupo po tayo sa puwesto, 7,239 kilometers sa ating national road network ang hindi pa naisasaayos. One thousand five hundred sixty-nine kilometers na nito ang naipaayos natin sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Babes Singson; [applause] sa 2012, 2,275 kilometers pa ang maidadagdag na natapos na rin po. Pati po ang mga kalsada at kurbadang mapanganib, tinutukoy at inaayos na gamit ang pinakabagong teknolohiya. Taun-taon po nating bubunuin ito, upang bago matapos ang aking termino, bawat pulgada ng ating national road network, maayos na po. Siyempre ‘wag lang po n’yo dagdagan ang national road network.”

Walang problema sa pagpapagawa ng mas maraming kalsada, highway/expressway at train system gaya ng mga bagong linya ng MRT at LRT. Ang problema, kahit may mga kalsada, highway/expressway at bagong train system, hindi naman umuunlad ang sektor ng agrikultura at industriya sa Pilipinas kaya walang gaanong pakinabang/benefit ang karagdagang infrastructure.

Dapat ding tandaan na ang mga highway/expressway ay kontrolado na ng malalaking korporasyon na madalas ay may mga shareholder din na dayuhan/foreigner. Dahil pribado ang mga expressway na ito, pataas nang pataas ang singil at hindi nakikialam ang gobyerno. Samantala, ang mga bagong train system naman ay popondahan sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) Program: hati o magkasosyo sa gastos ang gobyerno at mga pribadong korporasyon, gayundin sa tubo/profit PERO KARANIWAN, ang magpapatakbo ay ang pribadong korporasyon!

May mga lugar pa rin sa Pilipinas na bato at lupa (rough road) ang kalsada, at hindi lahat ng kalsada sa Pilipinas ay kasingganda ng kalsada sa Central Business District ng Makati, o ng kalsada sa NLEX at Skyway.

Kalokohan (tungkol sa kalsada atbp.): “Hindi lang kalsada, kundi pati sistema, isinasaayos sa DPWH. Dahil sa pagsunod sa tamang proseso ng bidding at procurement, 10.6 billion pesos na ang natipid ng kanilang ahensya mula 2011 hanggang nitong Hunyo. [Applause] Maging mga kontratista, batid ang positibong bunga ng reporma sa DPWH. Sabi nga po nila, “Ang top 40 na kontratista, fully booked na raw po.””

Alam na natin ngayon kung sino ang mas makikinabang sa pagpapagawa ng mga kalsada atbp. Infrastructure: ang mga pribadong korporasyon! Malinis na raw naman pala ang DPWH ngayon dahil wala na raw tongpats o kickback, e bakit ayaw pa ng gobyerno na ang DPWH na ang direktang magpagawa ng mga kalsada atbp. PARA DIREKTA NA RIN ANG TUBO/PROFIT sa GOBYERNO (o kaya wala nang tubo/profit na ipapatong sa halaga/cost ng bawat project; makakatipid pa ang gobyerno di ba?).

Kasinungalingan (tungkol sa mga industriya): Sana po hindi maantala ang pagpapatayo natin ng iba pang imprastraktura para hindi rin mapurnada ang paglago ng ibang industriya.”

Wala na o kaya’y naghihingalo na ang mga industriya sa Pilipinas. Mula karayom hanggang toothpaste, mula kape at bagoong hanggang makina ng sasakyan ay iniimport na natin ngayon!

Kapuri-puri PERO KULANG (hinggil sa turismo): “Kaakibat ng pagpapaunlad ng imprastraktura ang paglago ng turismo. Isipin po ninyo: Noong 2001, ang tourist arrivals sa ating bansa, 1.8 million. Nang dumating po tayo noong 2010, naglalaro ito sa 3.1 million. Mantakin po ninyo: sa hinaba-haba ng kanilang administrasyon, ang naidagdag nilang tourist arrivals, 1.3 million lamang; may ambag pa kaming kalahating taon diyan. Tayo naman po, Hunyo pa lang ng 2012, 2.1 million na turista na ang napalapag. [Applause] Mas marami pang dadagsa sa peak season bago matapos ang taon, kaya hindi ako nagdududang maaabot natin ang quota na 4.6 million na turista para sa 2012. [Applause] Ibig sabihin po, 1.5 million na turista ang ating maidadagdag. Samakatuwid, sa dalawang taon, mas malaki ang magiging paglago ng ating tourist arrivals, kumpara sa naidagdag ng pinalitan natin sa loob ng siyam at kalahating taon. Hindi po tayo nagtataas ng bangko; nagsasabi lang po tayo ng totoo. [Applause]

Pero hindi nakuntento rito si Secretary Mon Jimenez. Sabi niya, kung sa Malaysia may bumisitang 24.7 million na turista noong 2011, at kung sa Thailand naman tinatayang 17 million, sa dinami-dami ng magagandang tanawin sa ating bansa, hindi naman siguro suntok sa buwan kung mangarap tayong pagdating ng 2016, sampung milyong turista na ang bibisita sa Pilipinas kada taon. [Applause]”

Wala namang problema na paunlarin ang sektor ng turismo sa Pilipinas dahil pwede itong maging pamalit o alternatibo sa mga mapanira/destructive na industriya gaya ng pagmimina/mining. Ang problema, marami pa tayong dapat unahin bago ang turismo. Di ba kulang pa rin ang mga classroom, teacher, textbook atbp. sa mga pampublikong paaralan? Di ba hindi pa lahat ng Pilipino ay may health insurance? Pwede sigurong makapaghintay ang turismo lalo pa at hindi naman sigurado na maaabot ang ambisyosong target na 10 milyong turista bawat taon. Gaya rin ng nabanggit kanina, dapat palakasin din ng gobyerno ang kakayahan ng mga sarili nating mamamayan na magkaroon ng karagdagang kita para sa pamamasyal. Sa ganitong paraan, di na nating kailangang mang-akit ng napakaraming dayuhang turista.

Pambobola (hinggil sa agrikultura): “Kung paglago po ang usapan, nasa tuktok ng listahan ang agrikultura. Kayod-kalabaw po si Secretary Alcala upang makapaghatid ng mabubuting balita. [Applause] Binisita po niya ang lahat ng probinsya hindi para mangampanya sa sarili pero para ikampanya ang programa ng Department of Agriculture. Dati, para bang ang pinapalago ng mga namumuno sa Department of Agriculture ay ang utang ng NFA. Twelve billion pesos ang minana nilang utang; ang ipinamana naman nila sa atin, 177 billion pesos.

Hindi po ba’t noon, pinaniwala tayo na 1.3 million metric tons ang kakulangan sa bigas, at para tugunan ito, ‘di bababa sa two million metric tons ang kanilang inangkat noong 2010. Parang unlimited rice sila kung maka-order ng bigas, pero dahil sobra-sobra, nabubulok lang naman ito sa mga bodega. Ang 1.3 million metric tons, unang taon pa lang, napababa na natin sa 860,000 metric tons. [Applause] Ngayong taon, 500,000 na lang, kasama pa ang buffer sakaling abutin tayo ng bagyo. [Applause] Huwag lang po tayong pagsungitan ng panahon, harinawa, sa susunod na taon ay puwede na tayong mag-export ng bigas. [Applause]

Ang sabi po ni Secretary Alcala: ang susi dito, makatotohanang programa sa irigasyon at masigasig na implementasyon ng certified seeds program. [Applause] Ang masakit po, hindi bagong kaalaman ito; hindi lang ipinapatupad. Kung dati pa sila nagtrabaho nang matino, nasaan na kaya tayo ngayon?”

Hangga’t si Noynoy ang presidente, IMPOSIBLE NA MAKAPAG-EKSPORT TAYO NG BIGAS dahil hindi naman nila nireresolba ang problema ng mga magsasaka gaya ng kakulangan ng irigasyon at kakulangan ng makinarya/machinery. Ayon sa isang ulat, ang mga magsasaka sa Pilipinas ang least mechanized (kulang o halos walang makinang ginagamit sa pagtatanim):

http://globalnation.inquirer.net/41993/philippine-farmers-among-least-mechanized-in-southeast-asia

Sa liit ng budget ng gobyerno para sa agrikultura, kaduda-duda ang pambobola ni Noynoy hinggil sa diumano’y kakayahan natin na mag-eksport ng bigas. Gayundin, dapat bigyang-diin na palala nang palala ang land use conversion sa bansa: libu-libong ektarya ng taniman/bukirin ang ginagawang subdibisyon, golf course, memorial park atbp. bawat taon. Hindi naman ito kinokontrol ng gobyerno!

Hindi rin nilulutas/nireresolba ng gobyerno ni Noynoy ang pangangamkam ng lupa/landgrabbing ng mga dayuhang korporasyon sa Pilipinas na bagamat hindi gaanong nababalita sa local media ay paksa/topic na ng maraming pananaliksik/research sa ibang bansa gaya ng “Gulf-State Investments in Indonesia and The Philippines: Gaining Control of Agricultural Land and Foodcrops” nina Gerben Nooteboom & Rosanne Rutten na nagpresenta ng papel sa International Conference on Global Land Grabbing noong Abril 2011. Kung makapag-eksport man ng pagkaing pananim/food crops ang Pilipinas, ito’y dahil ang mismong mga dayuhang korporasyon na pala ang kumokontrol sa ating mga lupa kahit bawal sa Konstitusyon (at di pa naman nagkakaroon ng charter change o cha-cha)!

Kapuri-puri pero KULANG (tungkol sa coconut industry): “Tingnan rin po natin ang industriya ng niyog at ang cocowater na dati tinatapon lang, ngayon, napapakinabangan na ng magsasaka. Noong 2009, 483,862 liters ng cocowater ang iniluwas natin. Umangat po ito ng 1,807,583 liters noong 2010. Huwag po kayong magugulat, noong 2011, 16,756,498 liters [applause]—puwede ho bang ulitin iyon?—16,756,498 liters ng cocowater ang in-export ng Pilipinas. Ang coco coir naman, kung dati walang pumapansin, ngayon may shortage na dahil pinapakyaw ng mga exporter. Hindi natin sasayangin ang pagkakataong ito. Bibili pa tayo ng mga bagong makinang magpoproseso ng bunot para makuha ang mga hiblang ginagawa mula sa coco coir. Sa susunod na taon, lalo nating mapapakinabangan ang industriya ng niyog. Naglaan na tayo ng 1.75 billion pesos upang mamuhunan at palaguin ito. [Applause]”

Ok sana ang pag-unlad ng coconut industry. Ang problema, hindi naman ang mga magsasaka ng niyog ang mas nakikinabang kundi ang mga malalaking kumpanyang eksporter lang. Dapat tiyakin ng gobyerno na ang mga manggagagawa at magniniyog/coconut farmers ang mas makikinabang sa pag-unlad ng coconut industry. Gayundin, dapat tiyakin na kung bibili man tayo ng makinang pamproseso ng coconut juice at coco coir ay dapat isang beses lang. Dapat maglaan ng budget ang gobyerno para sa replication ng mga makinang iyon para hindi na tayo umasa sa mga foreign suppliers. Ganyan ang technology transfer na dapat mangyari sa lahat ng industriya na mayroon tayo.

Isang malaking tanong din tungkol sa coconut industry ang kawalan ng aksyon ng gobyerno ni Noynoy sa isyu ng coco levy funds. Noong panahon ng diktador na si Ferdinand Marcos, nangolekta ng bilyun-bilyong pisong buwis (coco levy) sa mga coconut farmer ang gobyerno. Ginamit ang perang ito ng mga crony o alipores ni Marcos para bilhin ang malalaking blue-chip companies, kasama na ang ilang bangko. Yumaman ang ilang crony ni Marcos dahil sa coco levy funds. Hanggang ngayon, wala pa ring hustisya para sa mga coconut farmer na biktima ng panloloko ng diktadurang Marcos. Narito ang ilang link tungkol sa coco levy funds:

http://bulatlat.com/main/2012/03/15/coconut-farmers-insist-just-claim-over-coco-levy-funds/

http://opinion.inquirer.net/24445/breaking-the-coco-levy-gordian-knot

http://newsinfo.inquirer.net/167117/free-p9-b-coco-levy-fund-aquino-urged

http://newsinfo.inquirer.net/162261/aquino-urged-to-pull-out-coco-levy-funds-from-smc-danding-cojuangco

Kalokohan at Kasinungalingan (tungkol sa land reform/CARP): “Sinimulan po ng aking ina ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Nararapat lamang na matapos ang programang ito sa panahon ng aking panunungkulan. [Applause]

Isinasaayos na po ang sistema upang mapabilis ang pagpapatupad ng repormang agraryo. Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang maipamahagi sa ating magsasaka ang mga lupaing diniligan at pinagyaman ng kanilang pawis. Subalit mayroon pa rin pong ayaw paawat sa pagtatanim ng mga balakid. Ang tugon ko sa kanila: susunod tayo sa batas. Ang atas ng batas, ang atas ng taumbayan, at ang atas ko: Bago ako bumaba sa puwesto, naipamigay na dapat ang lahat ng lupaing sakop ng CARP. [Applause]”

Ito ang kasinungalingan na pinakamadaling patunayan sa lahat ng sinabi ni Noynoy. Puntahan ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Ilang buwan na mula nang ilabas ng Korte Suprema ang final decision na nagpapamahagi o nagdidistribute sa Hacienda Luisita pero hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang lupa ang mga magsasaka. Napakarami pang prosesong daraanan. Malabo rin ang pambobola ni Noynoy na diumano’y maipamimigay na lahat ng lupang sakop ng CARP bago matapos ang kanyang termino. Halos buwan-buwan, may mga magsasakang nagpipiket/nagrarali sa harap ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City. Samakatwid, malinaw na pangit/masama rin ang rekord ng gobyerno ni Noynoy sa land reform! Siya mismo nga’y isang hacendero o landlord gaya rin ng maraming kongresista at senador na pumalakpak kunwari sa talumpati ni Noynoy pero sa aktwal ay gumagamit ng private goons at maging ng state security forces upang panatilihin ang kontrol nila sa mga lupang sakop ng CARP.

Narito ang ilang link tungkol sa pinakahuling balita sa Hacienda Luisita na nagpapatunay na mabagal at tila nga dinedelay at/o sinasabotahe talaga ang implementasyon ng land reform sa ilalim ng gobyernong hacendero:

http://www.tribune.net.ph/index.php/headlines/item/952-dar%E2%80%99s-hacienda-verification-a-scam-luisita-workers-say

http://www.philstar.com/Article.aspx?publicationSubCategoryId=63&articleId=830029

http://newsinfo.inquirer.net/219551/dar-land-distribution-to-hacienda-luisita-farmers-must-undergo-process

http://philippines.ucanews.com/2012/07/02/luisita-farmers-warn-of-fake-claimants/

Kapuri-puri PERO KULANG (tungkol sa kuryente): “Liwanagin naman po natin ang nangyayari sa sektor ng enerhiya. Mantakin po ninyo: Dati po, umabot lang ang kawad ng kuryente sa barangay hall, “energized” na raw ang buong barangay. Kaya ganoon na lang kung ipagmalaki nilang 99.98 percent na raw ng mga barangay sa bansa ang may kuryente. Pati ba naman sa serbisyong dapat ay matagal nang napapakinabangan ng Pilipino, nagkakagulangan pa? Kaya nga po, para subukan ang kakayahan ng DOE at NEA, naglaan tayo ng 1.3 billion pesos para pailawan ang unang target na 1,300 sitios, sa presyong isang milyong piso bawat isa. Nang matapos sila, ang napailawan sa inilaan nating pondo: 1,520 sitios, at gumastos lamang sila ng 814 million pesos. [Applause] Nagawa nila ito sa loob lamang ng tatlong buwan, at mas marami pa pong gagawin sa taong ito hanggang maubos ‘yang 36,000 na sitiong walang kuryente.”

Bravo! Pero ang problema: pinakamahal sa buong Asya ang kuryente sa Pilipinas dahil kontrolado ng malalaking pribadong korporasyon ang paglikha at distribusyon ng kuryente sa bansa. Deregulated o hindi kontrolado ng gobyerno ang presyo ng kuryente dahil hindi ito ang may-ari ng ibang planta ng kuryente. Maging ang National Power Corporation (NAPOCOR) ay isasapribado/ipaprivatize na rin kapag nabayaran na ng taumbayan ang utang nito! Upang matiyak na ang kuryente sa buong Pilipinas ay magiging mura at abot-kaya ang presyo, dapat kontrolin ng gobyerno ang paglikha ang distribusyon nito.

Half-Truth at Pambobola (tungkol sa crime rate): Patuloy po ang pagbaba ng crime volume sa buong bansa. Ang mahigit limandaan libong krimen na naitala noong 2009, mahigit kalahati po ang nabawas: 246,958 na lamang iyan nitong 2011. Dagdag pa rito, ang dating dalawanlibo’t dalawandaang kaso ng carnapping noong 2010, lampas kalahati rin ang ibinaba; 966 na lang po iyan pagdating ng 2011. Ito nga po sana ang dalhin ng ating mga headline. Hindi po natin sinasabing wala nang krimeng nagaganap, pero palagay ko naman po, wala dapat magalit na nangalahati na ito. Si Raymond Dominguez na matagal nang labas-masok sa kulungan, hindi ba’t sa loob lamang ng mahigit isang taon, nasentensyahan at naipakulong na? Ang dalawa pa niyang kapatid ay sinampahan na rin natin ng kaso at kasalukuyan na ring nakabilanggo. May dalawang suspect sa bus bombing sa Makati noong nakaraang taon, ang isa po’y pumanaw na; ‘yung isa, humihimas na ng rehas. Kakosa niya ang mahigit sampung libong sangkot sa ilegal na droga na inaresto ng PDEA nitong 2011. [Applause]”

Hindi tiyak kung totoong bumaba sa aktwal ang crime volume. Pwede kasing takot lang magreport ng krimen ang taumbayan dahil alam nilang abala/hassle ang pagrereklamo/pagdedemanda at kung minsan, baka may kasabwat pa ang kriminal sa mga tagapagpatupad ng batas. Dapat intindihin ng gobyerno ang sinabi ni Aristotle: “Kahirapan ang ina ng rebolusyon at krimen.” Hangga’t may kahirapan sa bansa, lagging mayroong petty crimes. Kailangan zero poverty para zero crime rate din.

Tungkol sa ilegal na droga, maliwanag din na dapat resolbahin ang kahirapan upang hindi na maakit/maengganyo ang mga tao na magbenta at/o bumili nito para panandaliang makalimutan ang problema nila.

Hinggil sa pokus sa petty crimes at mafia/gangster crimes, parang nakalimutan na yata ang krimen ng mga elite: contractualization ng mga manggagawa, non-living wage/mababang pasahod,  landgrabbing, plunder, malversation of public funds, tax evasion. Dapat imbestigahan din ang mga iyan at ikulong din ang mga guilty! Hulihin ang mas malalaking kriminal para matakot na ang petty criminals! Kailan ikukulong ang mga political dynasty na matagal nang nagnanakaw sa kaban ng bayan? Kailan ikukulong ang mga kongresista at senador na guilty sa tongpats o kickback, ayon mismo sa talumpati ni Senador Miriam Defensor-Santiago (sa 17:36 to 18:00 sa video):

http://www.youtube.com/watch?v=N9BZkSkiQNc

Kalokohan (tungkol sa pagpapalakas ng pulisya): Kaya nga po pinalalakas natin ang puwersa ng kapulisan. ‘Di po ba, nang dumating tayo, apatnapu’t limang porsyento ng ating kapulisan ang walang baril at umaasa sa anting-anting habang tumutugis ng masasamang-loob? [Laughter] Mayroon pong nanalo na sa bidding, tinitiyak na lamang nating dekalidad ang kanilang mga produkto. Pagkatapos ng proseso, at itong taon po nating inaasahan ito, maipagkakaloob na ang 74,600 na baril na magagamit nila upang ipagtanggol at alagaan ang bayan, lipunan, at sarili. [Applause]”

May pera para sa baril pero wala para sa upuan, teacher, textbook at classroom! Ang dapat: unahin ang edukasyon, kalusugan at iba pang social services! Hindi kailangang palakasin ang kapulisan! Palakasin ang isip at kalusugan ng bayan! Ibigay ang lahat ng kailangan ng mga mamamayan para wala nang maging petty criminal, para konting pulis at baril na lang ang kailangan!

Kalokohan (mas mataas na budget sa militar): Makalipas nga lang po ang isang taon at pitong buwan, nakapaglaan na tayo ng mahigit dalawampu’t walong bilyong piso para sa AFP Modernization Program. Aabutan na nito ang tatlumpu’t tatlong bilyong pisong pondo na ipinagkaloob sa nasabing programa sa nakalipas na labinlimang taon. [Applause] Bumubuwelo pa lang po tayo sa lagay na ‘yan. Kapag naipasa na ang panukala nating AFP modernization bill sa Kongreso, makakapaglaan tayo ng pitumpu’t limang bilyong piso para sa susunod na limang taon.

Kasado na rin po ang tatlumpung milyong dolyar na pondong kaloob ng Estados Unidos para sa Defense Capability Upgrade and Sustainment of Equipment Program ng AFP. Bukod pa po ito sa tulong nila upang pahusayin pa ang pagmanman sa ating mga baybayin sa ilalim ng itatayong Coast Watch Center ng Pilipinas.”

Kahunghangan! May pera sa surveillance equipment, weapons of mass destruction atbp. pero walang pondo para sa state colleges and universities, para sa public hospitals atbp.? Kabaliwan ang ginagawang ito ni Noynoy!

Hindi kailangang palakasin ang AFP! Wala pang bansang umunlad nang dahil lang sa pagpapalakas ng militar! Unahin dapat ang serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, pabahay at kalusugan! Ang edukado at malusog na mamamayan ang pinakamatatag/pinakamatibay na pundasyon ng republika! Paano ipagtatanggol ng mga Pilipino ang Pilipinas kung gutom, walang edukasyon, walang bahay at may sakit sila? Pagsasayang/pag-aaksaya ng pera ang pagpapalakas ng militar sa panahong mahina ang edukasyon at kalusugan dahil kapos ang pera! Kung pagsugpo/pagresolba sa rebelyon ang layunin/objective, tandaan ang sinabi ni Aristotle: “Kahirapan ang ina ng rebolusyon at krimen.” Sinabi rin ‘yan ni Elias sa “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal. Para mawala ang mga rebelde, dapat mawala rin ang kahirapan. Kung walang mahirap, wala nang magrerebelde at hindi na kailangan na palakasin ang militar. Kapag pinalakas ang militar pero hindi naman nilutas/niresolba ang kahirapan ng mayorya, mayroon pa ring magrerebelde. Masasayang lang ang pera sa modernisasyon ng militar. Kung proteksyon naman laban sa mga dayuhang mananakop/foreign invaders ang layunin, dapat edukasyon at kalusugan pa rin ang unahin. Narito ang detalyadong paliwanag hinggil sa isyung iyan:

http://www.scribd.com/doc/93230558/Tanong-at-Sagot-Tungkol-sa-Pananakop-ng-Tsina-sa-Bajo-de-Masinloc-Scarborough-Shoal

Kalokohan at Kasinungalingan (hinggil sa second-hand military equipment): Nagka-canvass na rin po ang Sandatahang Lakas ng mga kagamitan tulad ng mga kanyon, armored personnel carrier, at frigates. Hindi magtatagal, dadaong na ang karelyebo ng BRP Gregorio del Pilar sa ating pampang. Sa Enero, aangkla na po sa Pilipinas ang BRP Ramon Alcaraz, ang pangalawa nating Hamilton class cutter. ‘Di na po bangkang papel ang ating ipapalaot; [applause] ngayon, mga hi-tech at dekalidad na barko na ang tatanod sa 36,000 kilometers nating coastline.

Gaya ng nabanggit na, hindi natin kailangan na palakasin ang Sandatahang Lakas/Armed Forces. Bukod dito, hindi praktikal na bumili ng Hamilton class cutter na 1960s pa unang ginamit ng mga Amerikano (na gaya ng BRP Gregorio del Pilar)! Obsolete na iyon kaya nga ibinenta sa atin ng Amerika! Hindi totoong hi-tech at de-kalidad! Sayang lang ang pera. Actually, nang ibenta sa atin ng Estados Unidos ang barkong iyon, WALA NA IYONG GUNS! GUNBOAT NA WALANG GUN! Para sa detalye: http://stuartsantiago.com/national-defense/

Kalokohan (tungkol sa mga second-hand war equipments): Sa wakas, may katuwang na po ang kaisa-isa nating C-130 na tatlumpu’t anim na taon nang rumoronda sa himpapawid. Dalawa pang C-130 ang magiging operational ulit sa taong ito. Bago matapos ang taong ito, inaasahan nating maide-deliver na ang binili nating dalawampu’t isang refurbished UH-1H Helicopter, apat na combat utility helicopters, mga radyo’t iba pang communication equipment, rifles, mortars, mobile diagnostic laboratories, kasama na ang bullet station assembly para sa arsenal. [Applause] Pagdating naman po ng 2013, lalapag na ang sampung attack helicopters, dalawang naval helicopters, dalawang light lift aircraft, isang frigate, at mga force protection equipment. [Applause]”

Una, gaya ng nabanggit na, kahunghangan ang bumili ng kagamitang pandigmaan/war equipments sa panahon na walang pagkain, walang bahay, walang edukasyon, walang pag-asa ang maraming Pilipino. Pangalawa, hindi praktikal na bumili ng second-hand/refurbished na mga kagamitang pandigmaan (hindi binanggit ni Noynoy sa SONA niya na ang dalawa pang C-130 ay second-hand; buti’t inireport ng Philippine Star):

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=767070&publicationSubCategoryId=63

http://www.philstar.com/article.aspx?articleid=786085&publicationsubcategoryid=200

Sa kabuuan, kagimbal-gimbal/scary/nightmarish ang pagbili ng armas at mga kagamitang pandigmaan ng gobyerno ni Noynoy. Parang naghahanda siya sa isang malaking digmaan. Dudurugin ba niya ang mga rebelde pati ang mga mapagbibintangang rebelled sa pamamagitan ng mga brutal na massacre at mass murder gamit ang mga armas na iyan? Sa halip na usapang pangkapayapaan o peace talks at repormang sosyo-ekonomiko para resolbahin ang kahirapan ng mga nagrerebelde at ng mga taong naaakit ng mga rebelde ay direktang gera na lang ba ang nasa isip ni Noynoy? Kagimbal-gimbal ang hinaharap ng ating bayan sa kanyang pamumunong utak-pulbura (war freak).

Kalokohan (mga ordinaryong mamamayan na pro-Noynoy): [Video starts]

“Nagpapasalamat sa Poong Maykapal. Binigyan kami ng ganitong pagkakataon—binigyan ng blessing na ganito. Pangalawa, ‘yung pagkakaroon natin ng mabait na pangulo. Itong proyekto na ito ay hindi niya kami pinababayaan—mga kapulisan at mga sundalo—sandatahan ng ating Pilipinas.” – SPO1 Domingo Medalla [PNP Housing Beneficiary]

“Kinakaya namin, ma’am. Pero ginagawan ko talaga ng paraan na makapasok sila [sa eskuwela]. ‘Yun lang talaga, ma’am, ang misyon ko sa buhay na mapaaral sila, maibigay ko ‘yung tamang edukasyon, na hindi maging gusgusin ang anak ko, hindi kaawa-awa[an] ng mga tao, may magulang na dapat magtaguyod. At, napapasalamat ako sa Pantawid [Pamilya Program], ma’am, dahil may natutunan ako ditong malaki.” – Eva Neri [CCT beneficiary]

“Malaking tulong na isa kami—ang alam ko kauna-unahan na nakinabang at nakikinabang pa sa package na ‘to na Category Z Package ng PhilHealth. Nagpapasalamat kami nang sobra at hindi man maganda na nagkaroon ng sakit ang anak ko, pero mayroong PhilHealth na tutulong at handang tumulong sa mga gastusin namin.” – Kristine Tatualla [PhilHealth beneficiary]

“Noong araw na nasama ako sa isang Oakwood Mutiny—‘yung pinaglalaban namin, ito na po ‘yung hinihintay namin para sa pagbabago at ito na po ang pagkakataon natin para magkaroon tayo ng sariling bahay lalong lalo na sa programa ng ating presidente na si Benigno Aquino III.” – PFC Rolly Bernal [AFP Housing Beneficiary]”

First time ito sa kasaysayan ng Pilipinas na may testimonial video pa ng mga simpleng tao tungkol sa presidente! Kakila-kilabot ito dahil parang ginagawang “aso” ang mga Pilipino. Pinasusunod sa gusto ng presidente kapalit ang ilang piraso ng buto…ilang petty perks, ilang maliit na pakinabang. Sa halip na totoong reporma ay puro porma lang ang nangyayari. Puro palabas para mapasunod sa gusto ng presidente ang mga Pilipino. Para bang si Noynoy ang hari at ang mga Pilipino ay mga serf sa isang feudal landholding/manor.

Kalokohan (tungkol sa anti-insurgency/anti-rebellion campaign Oplan Bayanihan): “At ngayon ngang inaaruga na sila ng taumbayan, lalo namang ginaganahan ang ating kasundaluhan na makamtan ang kapayapaan. Tagumpay pong maituturing ang dalawandaan at tatlong rebeldeng sumuko at nagbabalik-loob na sa lipunan, at ang 1,772 na bandidong nawakasan na ang karahasan. Halimbawa po, ang kilabot na teroristang si Doctor Abu, na hindi na makakapaghasik ng kaniyang lagim. Nagpupugay rin po tayo sa panunumbalik sa katahimikan sa mga lugar na matagal nang biningi ng putukan. Ang resulta nga po ng bayanihan: 365 na barangay ang naagaw sa kamay ng kaaway, 270 na gusali’t paaralan ang naipaayos, at 74 health centers ang naipagawa. [Applause]”

Kagimbal-gimbal/scary ang bahaging ito ng talumpati ni Noynoy! Para pala sa kanyang gobyerno, ang kapayapaan ay di ang pag-iral o existence ng katarungan, ng kaunlaran para sa lahat. Para sa kanila, ang kapayapaan ay pagpapasuko o pagpapasurrender sa mga rebeldeng “kaaway,” pagpatay sa mga ayaw sumuko (“bandidong nawakasan na ang karahasan” ang euphemism na ginamit ni Noynoy). Talaga bang “bandido” ang 1,772 na pinatay ng mga tauhan ng gobyerno? Bandido ba ang mga mahihirap na nagrebelde dahil sa mga inhustisya na kanilang nakikita at nararanasan? Sa depenisyon pala ni Noynoy, bandido na dapat ding patayin ang mga kagaya ni Elias sa “Noli Me Tangere” at Kabesang Tales/Matanglawin sa “El Filibusterismo.” Hindi pa rin ba gets ni Noynoy ang sinabi ni Aristotle na “Ang kahirapan ang ina ng rebolusyon at krimen.” Kung walang kahirapan, walang rebelyon, walang rebolusyon! Kung gusto niya ng totoong kapayapaan, dapat niyang unahin ang pagresolba sa kahirapan!

May typographical error sa SONA: ang bayanihan sa quote sa itaas ay Oplan Bayanihan dapat. Ang Oplan Bayanihan ang bagong anti-insurgency o anti-rebellion campaign ng gobyerno ni Noynoy. Sa ilalim ng Oplan Bayanihan, sa halip na Department of Education at Department of Social Welfare and Services ay mga sundalo at/o pulis ang pumupunta sa mga lugar kung saan malakas ang mga rebelde, at ang mga sundalo at/pulis din ang nagtatayo ng mga eskwelahan at health center doon. Sa halip na mga sibilyan ay militar at pulis ang nagiging mukha ng gobyerno sa mga lugar na iyon! Taktika ito para takutin ang mga mamamayan na naaakit sa magagandang pangako ng mga rebelde na ayaw sa status quo.

Kapuri-puri pero KULANG (tungkol sa eleksyon): “Ang mga multo sa voters list, mapapatahimik na ang kaluluwa. [Applause] Kaya nga po kay OIC Gov. Mujiv Hataman, ang masasabi natin: talaga namang isa ka nang certified ghost buster.”

Hindi lang naman ang listahan ng botante ang problema. Ang mas malaking problema, mayorya ng mga pwesto sa gobyerno ay kontrolado ng mga political dynasty na ipinagbabawal sa Konstitusyon! Mahigit 10 taon nang nakabinbin/pending sa Kongreso ang Anti-Dynasty Bill na magpapatibay sa anti-dynasty provision ng Konstitusyon. Dapat ito’y gawing priority bill. Pero asa pa. Tatakbo ngang senador ang isa pang kamag-anak ni Noynoy sa 2013!

Narito ang kopya ng Anti-Dynasty Bill na hindi pa rin nakakalusot:

http://www.scribd.com/doc/56616973/HB-3314-Anti-Political-Dynasty

Narito naman ang isang magandang research tungkol sa mga political dynasty:

http://economics.mit.edu/files/6365

Narito naman ang ilang listahan ng at impormasyon tungkol sa political dynasties:

http://frjessie.wordpress.com/2007/04/21/list-of-names-considered-part-of-the-political-dynasty-by-roger-olivares/

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=732661&publicationSubCategoryId=64  

http://philippinepoliticsismyreligion.blogspot.com/2010/04/political-dynasty-in-philippines.html

Kasinungalingan at Kapuri-puri PERO KULANG (tungkol sa Mindanao): “Ang pumalit po, at pinapalit na: pabahay, tulay, at learning center para sa mga Badjao sa Basilan. Mga community-based hatchery, lambat, materyales para maglinang ng seaweeds, at punlang napakinabangan ng 2,588 na mangingisda. Certified seeds, punla ng gabi, cassava, goma, at mga punong namumunga para sa 145,121 na magsasaka. Simula pa lang po iyan; nakalaan na ang 183 million pesos para sa mga municipal fishing port projects sa ARMM; 310.4 million pesos para sa mga istasyon ng bumbero; 515 million pesos para sa malinis na inuming tubig; 551.9 million pesos para sa mga kagamitang pangkalusugan; 691.9 million pesos para sa daycare centers; at 2.85 billion pesos para sa mga kalsada at tulay na babagtas sa rehiyon. Ilan lang po iyan sa patutunguhan ng kabuuang 8.59 billion pesos na ipinagkaloob ng pambansang gobyerno para isakatuparan ang mga reporma sa ARMM. [Applause] Lilinawin ko rin po, hindi pa kasama rito ang taunang suportang natatanggap nila, na ngayong 2012 ay umabot sa 11.7 billion pesos. [Applause]”

Hindi totoo na may epektibong programa ang gobyerno para sa mga Badjao. Katunayan, daan-daang Badjao ang nasa Metro Manila na ngayon. Nakatira sila sa mga pinakamiserableng bahagi ng Metro Manila. Marami sa kanila ang nagiging pulubi rito. Tumakas sila mula sa Mindanao dahil may mga masasamang loob na nagbabawal sa kanila na mangisda at manisid ng perlas sa mga lugar na kanilang kinalakhan. Hindi dadagsa sa Metro Manila ang mga Badjao kung maayos na ang buhay nila roon. Kung may programa man ang gobyerno sa Autonomous Region of Muslim Mindanao/ARMM, dapat sa buong Pilipinas ay may mga ganoon ding livelihood projects.

Kalokohan at Kasinungalingan (tungkol sa pagmimina): Mapayapang pag-uusap rin po ang prinsipyong isinulong natin upang mabuo ang ating Executive Order ukol sa pagmimina. Ang kaisipan sa likod ng nabuong consensus: mapakinabangan ang ating likas na yaman upang iangat ang buhay ng Pilipino, hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa susunod na salinlahi. Hindi natin pipitasin ang ginintuang bunga ng industriyang ito, kung ang magiging kabayaran ay ang pagkasira ng kalikasan. [Applause]”

Hindi totoong may “mapayapang pag-uusap” nang buuin ng gobyerno ang bagong executive order ukol sa pagmimina. Katunayan, maraming non-government organizations ang tumututol sa implementasyon nito:

http://www.aippnet.org/home/daily-sharing/920-philippines-new-mining-executive-order-palliative-say-indigenous-people

http://www.preda.org/en/news/environment/philippines-indigenous-groups-cry-foul-on-new-mining-executive-order/

http://newsinfo.inquirer.net/227233/aquinos-new-mining-eo-draws-more-flak-from-green-groups

http://newsinfo.inquirer.net/227553/mining-eo-a-virtual-warning-to-lgus%E2%80%94environmentalists

http://www.abs-cbnnews.com/business/07/09/12/pnoys-mining-eo-welcomed-criticized

http://newsinfo.inquirer.net/225636/bishops-start-drive-vs-mining-eo

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=827360&publicationSubCategoryId=63

Kalokohan at Kasinungalingan (tungkol sa pagmimina): “Isipin po ninyo, noong 2010, 145 billion pesos ang kabuuang halaga na nakuha mula sa pagmimina, subalit 13.4 billion pesos lamang o siyam na porsyento ang napunta sa kaban ng bayan. Ang likas na yaman, pag-aari ninyo; hindi tayo papayag na balato lang ang mapupunta sa Pilipino. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng Kongreso upang makapagpasa ng batas na sisigurong napapangalagaan ang kalikasan at matitiyak na makatarungan ang magiging pakinabang ng publiko at pribadong sektor sa mga biyayang makukuha natin mula sa industriyang ito. [Applause]”

Kasinungalingan ang claim ni Noynoy na ang pagmimina sa kanyang administrasyon ay makapagbibigay na ng pakinabang/benepisyo sa mga ordinaryong Pilipino. Hanggang ngayon ay nariyan pa rin ang 1995 Mining Act. Sa ilalim ng Mining Act, ang mga dayuhang korporasyon ay PWEDENG MAGING 100% OWNER ng anumang largescale mining operation site sa Pilipinas! Tinalakay na ito sa isang episode ng Reporter’s Notebook:

http://www.youtube.com/watch?v=o8STQxdCruE

http://www.youtube.com/watch?v=e9YokbCjZOQ

http://www.youtube.com/watch?v=ZBaz3rKdLP0

Dapat ding tandaan na ang pribadong sektor ay hindi dapat bigyan ng malaking papel sa pagmimina dahil sariling kapakanan lamang ng mga korporasyon ang kanilang inaatupag. Kung magmimina man tayo, dapat ay direktang kontrolado ng gobyerno para matiyak na lahat ng mga mamamayan ay makikinabang dito.

Kapuri-puri PERO KULANG (tungkol sa reforestation): Dati pa naman po naglipana ang mga programa sa tree planting. Pero matapos magtanim, pababayaan na lang ang mga ito. Kapag nakita ng mga komunidad na naghahanap din ng kabuhayan, puputulin ang mga ito para gawing uling.

May solusyon na po rito. Mayroon na pong 128,558 hectares ng kagubatang naitanim sa buong bansa; bahagi lang po iyan ng kabuuang 1.5 million na ektaryang matatamnan bago tayo bumaba sa puwesto. [Applause] Nakapaloob po rito ang mga komunidad na nasa ilalim ng National Convergence Initiative. Ang proseso: pagkatanim ng puno, makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga komunidad. Kapalit ng conditional cash transfer, aalagaan ang mga puno; mayroon ding mga magpapalago ng bagong punla sa nursery. Three hundred thirty-five thousand seventy-eight na po ang mga Pilipinong nakakakuha ng kabuhayan mula dito.”

Sana magpatuloy ang reforestation programs. Ang problema, TULOY ANG LARGESCALE LEGAL at ILLEGAL LOGGINGsa buong Pilipinas! Gamitin ang Google Earth upang makita ang mga lugar sa Pilipinas na nakalbo na dahil dito. Ang Pilipinas ay kasali pa rin sa mga bansang may pinakamabilis na deforestation rate o pagkakalbo ng kagubatan dahil sa mahinang implementasyon ng batas pangkalikasan. Sa sobrang tapang ng mga nasa likod ng illegal logging at mining (na sanhi/dahilan din ng deforestation) sa bansa, napakarami nang environmental activist ang pinatay:

http://www.radford.edu/wkovarik/envhist/murder.html

http://businessmirror.com.ph/home/nation/29540-17-environmental-activists-killed-under-aquino-administration

http://philippines.ucanews.com/2012/07/13/anti-mining-activist-fears-for-her-life/

http://www.hrw.org/news/2012/07/18/philippines-killings-environment-advocates-unpunished

Half-Truth (tungkol sa pensyon): “Isipin po ninyo, at ako po’y nagulat dito: may mga pensyonado tayong tumatanggap ng 500 pesos lamang kada buwan. Paano kaya niya ito pagkakasiyahin sa tubig, kuryente, at pagkain araw-araw? Ang atin pong tugon: Pagsapit ng bagong taon, hindi na bababa sa limanlibong piso ang matatanggap na buwanang pensyon ng ating old-age and disability pensioners. [Applause] Masaya tayong matutugunan natin ang pangangailangan nila ngayon, nang hindi isinusugal ang kapakanan ng mga pensyonado bukas.”

Ang hindi binanggit ni Noynoy, malaki ang posibilidad na magtaas ng premium (buwanang kaltas/deduction sa mga empleyado na miyembro ng GSIS at SSS) dahil sa pagkalugi ng ilang investment ng GSIS at SSS sa ibang bansa sa panahon ng international financial crisis.

Kalokohan (tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng bayan at ekonomya): Ngayon, dahil patas na ang laban, at may hayag at hindi pabagu-bagong mga patakaran, patuloy ang pagtaas ng kumpiyansa sa ating ekonomiya. Patuloy ang pagpasok ng puhunan; patuloy ang pagdami ng trabaho; patuloy ang positibong siklo ng pagkonsumo, paglago ng negosyo, at pagdami ng mamamayang naeempleyo. [Applause]”

Kapag binasa nang buo ang critique, mapapatunayan na kalokohan ang bahaging ito ng SONA. Marami pa ring Pilipino ang hindi nakikinabang sa sinasabing kaunlaran.

Half-Truth (tungkol sa Bajo de Masinloc at Tsina/China): Naging maugong ang mga kaganapan sa Bajo de Masinloc. May mga mangingisdang Tsinong pumasok sa ating teritoryo. Nasabat ng barko natin at nasabat sa kanilang mga barko ang endangered species. Bilang pinuno, kailangan kong ipatupad ang batas na umiiral sa ating bansa. Sa pagsulong nito, nagbungguan ang Nine-Dash Line Theory ng mga Tsino, na umaangkin sa halos buong West Philippine Sea, at ang karapatan natin at ng marami pang ibang bansa, kasama na ang Tsina, na pinagtibay naman ng United Nations Convention on the Laws of the Sea.

Ibayong hinahon ang ipinamalas natin. Ang barko ng Hukbong Dagat, bilang tanda ng ating malinis na hangarin, ay agad nating pinalitan ng barkong sibilyan. Hindi tayo nakipagsagutan sa mga banat ng kanilang media sa atin. Hindi naman po siguro kalabisan na hilingin sa kabilang panig na galangin ang ating karapatan, gaya ng paggalang sa kanilang mga karapatan bilang kapwa bansang nasa iisang mundong kailangang pagsaluhan.

Mayroon po tayong mga miron na nagsasabing hayaan na lang ang Bajo de Masinloc; umiwas na lang tayo. Pero kung may pumasok sa inyong bakuran at sinabing sa kanya na ang kanyang kinatatayuan ay sa kanya na, papayag ba kayo? Hindi naman po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang sadyang atin talaga. [Applause]”

Ang hindi napapansin ng taumbayan: habang nagpapanggap na matapang si Noynoy laban sa pambubully ng Tsina, para naman itong asong sunud-sunuran sa dikta ng Estados Unidos (take note, parang may military bases na ‘uli ang mga Amerikano sa Pilipinas):

http://newsinfo.inquirer.net/230331/militant-group-bayan-warns-of-us-military-bases-revival

http://www.dmzhawaii.org/?p=3668

http://stratrisks.com/geostrat/6828

Paano nga ba dapat harapin ang Tsina at Amerika?:

http://www.scribd.com/doc/93230558/Tanong-at-Sagot-Tungkol-sa-Pananakop-ng-Tsina-sa-Bajo-de-Masinloc-Scarborough-Shoal

Half-Truth (tungkol sa nambabatikos/kumokontra kay Noynoy): “Habang nagtatalumpati ako ngayon, may mga nagbubulung-bulungan sa isang silid at hinihimay ang aking mga sinasabi; naghahanap ng butas na ipambabatikos bukas.”

Nakalimutan yata ni Noynoy na “Eternal vigilance is the price of democracy.” Kung walang mga mamamayang kritikal mag-isip at laging maghahanap ng butas, kung lahat ng mamamayan ay “yes” lang at “amen” ang isinasagot sa gobyerno, mawawala ang ating demokrasya. Mahalagang sangkap/ingredient sa demokrasya ang dissent, ang kritisismo. Dapat hindi balat-sibuyas o sensitibo ang presidente. Kung ayaw niya na makontra o mabatikos, magresign na lang siya o kaya ay gawin niya lahat ng dapat gawin ayon sa hinihingi ng mga kumokontra sa kanya na may sense naman ang sinasabi.

Half-Truth (tungkol sa mga pro-GMA): “Sila rin po ang magsasabing hayaan na, magkaisa na; forgive and forget na lang para makausad na tayo.

Hindi ko po matatanggap ito. Forgive and forget na lang ang sampung taon na nawala sa atin? Forgive and forget na lang para sa magsasakang nabaon sa utang dahil sa kakaangkat natin ng bigas, gayong puwede naman palang pagyamanin ang ating sariling lupa?

Forgive and forget na lang ba para sa pamilya ng isang pulis na namatay nang walang kalaban-laban, dahil batuta lang ang hawak niya habang hinahabol ang armadong masasamang-loob?

Forgive and forget na lang ba para sa mga naulila ng limampu’t pitong biktima ng masaker sa Maguindanao? Maibabalik ba sila ng “forgive and forget?” [Applause] Forgive and forget ang lahat ng atraso ng mga naglubog sa atin sa bulok na estado? Forgive and forget para maibalik ang lumang status quo? Ang tugon ko, “Ang magpatawad, maaari; ang makalimot, hindi.” [Applause] Kung ang nagkasala ay hindi mananagot, gagarantiyahan mo ang pagpapahirap muli sa sambayanan.”

Sa totoo lang, pareho lang sila ni GMA/Gloria sa ekonomya at pulitika:

http://bulatlat.com/main/2012/07/23/exclusionary-economics-how-aquino-and-arroyos-economics-are-the-same/

http://www.scribd.com/doc/80108697/On-Poverty-Economics

May extrajudicial killings pa rin ng aktibista sa panahon ni Noynoy at wala pa ring nacoconvict sa mga nakakulong na berdugo ng mga aktibista:

http://www.hrw.org/world-report-2012/world-report-2012-philippines

http://www.hrw.org/sites/default/files/reports/philippines0711WebRevised.pdf

Hindi pa rin nahuhuli si Palparan! At NI HINDI NGA SIYA BINANGGIT NI NOYNOY!

So, forgive and forget na lang ba si Palparan at ang extrajudicial killings ng mga aktibista? Scary!

Kapuri-puri pero KULANG (tungkol sa plunder case versus Gloria at impeachment ni Corona): “Ang tunay na pagkakaisa at pagkakasunduan ay magmumula lamang sa tunay at ganap na katarungan. Katarungan ang tawag sa plunder case na isinampa laban sa dating pangulo. [Applause] Katarungan na bigyan siya ng pagkakataong harapin ang mga akusasyon at ipagtanggol ang kanyang sarili. Katarungan ang nasaksihan natin noong ikadalawampu’t siyam ng Mayo. Noong araw na iyon, pinatunayan natin: Posibleng mangibabaw ang katarungan kahit na ang kabangga mo ay may mataas na katungkulan. [Applause] Noong araw na iyon, may isang Delsa Flores sa Panabo, Davao del Norte, na nagsabing, “Posible palang iisang batas lang ang kailangang sundin ng court interpreter na tulad ko, at ng Punong Mahistrado.” [Applause]  Posible palang maging patas ang timbangan; maaaring isakdal at panagutin miski ang mayaman at makapangyarihan.”

Bravo sa plunder cases versus Gloria! Actually, mas nauna pa sa kanya ang mga grupo gaya ng Bayan Muna Partylist. Mabagal ang gobyerno ni Noynoy! Tapos, hindi pa rin convicted si Gloria! Paano nga pala ang Marcoses? Forgive and forget na lang? Wala na si Corona sa Korte Suprema pero bakit si Noynoy at ang mga kaalyado niya ay ayaw pumirma sa waiver sa kanilang bank deposits? May itinatago rin ba sila?

Paano magkakaroon ng tunay na transparency at accountability?:

http://www.scribd.com/doc/94957893/Beyond-Corona

Siyempre, dapat ipasa rin ang Freedom of Information Bill para wala nang maitago ang mga nasa gobyerno! Pero ni hindi na nga ito nabanggit ni Noynoy sa SONA 2012!

Sa kabuuan, LAHAT NG MAHAHALAGANG REPORMANG SOSYO-EKONOMIKO na hinihingi/hinihiling ng mga progresibong grupo na makapagpapaunlad sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan ay HINDI NABANGGIT SA SONA. Walang pagbabago sa ilalim ni Aquino dahil wala ring bago sa kanyang mga pangako at pambobola. Dapat nating isulong ang mga repormang iniiwasan ni Noynoy upang makamtan natin ang kaunlarang para sa lahat:

http://makabayan.net/node/6

Higit sa lahat, pinatunayan lamang ni Noynoy na nasa kamay ng mga mamamayan ang tunay na pagbabago. Walang aasahan sa mga pulitikong elitist na puro pangako at buladas lamang ang alam. Walang aasahan sa mga gaya ni Noynoy.

Ang masa ang biktima, sila rin ang manunubos/tagapagligtas.

Masa – ang ordinaryong tao, ang magsasaka, ang manggagawa, ang mangingisda, ang tsuper, ang guro, ang estudyante, ang lahat ng mga ordinaryong mamamayan – kapag sila’y nagsama-sama at nagkaisa ang lilikha ng bagong bansa, bagong kasaysayan at bagong daigdig.

Mga progresibong Pilipino, magkaisa! Walang mawawala sa atin kundi ang tanikala ng ating kaapihan at pagkabusabos!

–       Institute of Nationalist Education and Republican Democracy (INERD)

Maynila, Pilipinas

23 July 2012

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Original 2012 SONA in Filipino (posted at www.gov.ph):

Benigno S. Aquino III, Third State of the Nation Address, July 23, 2012

State of the Nation Address of His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines To the Congress of the Philippines

[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City, on July 23, 2012]

Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan; at siyempre sa akin pong mga boss, magandang hapon po sa inyong lahat.

Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo, “Sawa na kami sa korupsyon; sawa na kami sa kahirapan.” Oras na upang ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.

Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya. Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko. Kung may abusadong mapang-api, siya ang lalabanan ko. Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito. [Applause]

Matagal nang tapos ang Batas Militar. Tinanong tayo noon, “Kung hindi tayo, sino pa?” at “Kung hindi ngayon, kailan pa?” Ang nagkakaisang tugon natin: tayo at ngayon na. Ang demokrasyang ninakaw gamit ang paniniil at karahasan, nabawi natin sa mapayapang paraan; matagumpay nating pinag-alab ang liwanag mula sa pinakamadilim na kabanata ng ating kasaysayan.

Ngunit huwag po nating kalimutan ang pinag-ugatan ng Batas Militar: Kinasangkapan ng diktador ang Saligang Batas upang manatili sa kapangyarihan. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang banggaan sa pagitan ng gusto ng sistemang parehas, laban sa mga nagnanais magpatuloy ng panlalamang.

Mula sa unang araw ng ating panunungkulan, walang ibang sumalubong sa atin kundi ang mga bangungot ng nawalang dekada.

Nariyan po ang kaso ng North Rail. Pagkamahal-mahal na nga nito, matapos ulitin ang negosasyon, nagmahal pa lalo. Sa kabila nito, binawasan ang benepisyo. Ang labingsiyam na trainsets naging tatlo, at sa mga estasyon, mula lima, naging dalawa. Ang masaklap pa po, pinapabayaran na sa atin ang utang nito, now na.

Nariyan ang walang pakundangang bonus sa ilang GOCC, sa kabila ng pagkalugi ng kanilang mga ahensya. Nariyan ang isang bilyong pisong pinasingaw ng PAGCOR para sa kape. Nariyan ang sistemang pamamahala sa PNP na isinantabi ang pangangailangan sa armas ng 45 porsiyento ng kapulisan, para lang kumita mula sa lumang helicopter na binili sa presyong brand new.

Wala na ngang iniwang panggastos, patung-patong at sabay-sabay pa ang mga utang na kailangang bayaran na. Mahaba ang iniwang listahan na tungkulin nating punuan: Ang 66,800 na backlog sa classrooms, na nagkakahalaga ng tinatayang 53.44 billion pesos; ang 2,573,212 na backlog sa mga upuan, na nagkakahalaga naman ng 2.31 billion pesos. Nang dumating tayo, may halos tatlumpu’t anim na milyong Pilipinong hindi pa miyembro ng PhilHealth. Ang kailangan para makasali sila: maaaring umabot sa 42 billion pesos. Idagdag pa po natin sa lahat ng iyan ang 103 billion pesos na kailangan para sa modernisasyon ng Hukbong Sandatahan. Sa harap ng lahat ng ito, ang iniwan sa ating pondo na malaya nating magagamit: 6.5 percent ng kabuuang budget para sa natitirang anim na buwan ng 2010. Para po tayong boksingerong isinabak sa laban nang nakagapos na nga ang mga kamay at paa, nakapiring pa ang mga mata, at kakampi pa ng kalaban ang referee at ang mga judge.

Kaya nga sa unang tatlong buwan ng aming panunungkulan, inaabangan namin ang pagdating ng Linggo para maidulog sa Panginoon ang mga bangungot na humaharap sa amin. Inasahan naming mangangailangan ng ‘di bababa sa dalawang taon bago magkaroon ng makabuluhang pagbabago. Bibigyan kaya tayo ng sapat na pag-unawa ng taumbayan?

Subalit kung may isang bagay mang nakatatak na sa ating lahi, at makailang ulit na nating pinatunayan sa buong mundo: Walang hindi makakaya ang nagkakaisang Pilipino. Nangarap po tayo ng pagbabago; nakamit natin ang pagbabago; at ngayon, karaniwan na ito. [Applause]

Ang kalsadang pinondohan ninyo ay tuwid, patag, at walang bukol; ang tanging tongpats ay aspalto o semento. Karaniwan na po ito.

Ang sitwasyon kung paparating ang bagyo: nakaabang na ang relief, at hindi ang tao ang nag-aabang ng relief. Nag-aabang na ring umalalay ang rescue services sa taumbayan, at hindi tayo-tayo lang din ang sumasaklolo sa isa’t isa. Karaniwan na  po ito.

Ang wang-wang sa lansangan, galing na lang sa pulis, ambulansya, o bumbero—hindi sa opisyal ng gobyerno. Karaniwan na rin po ito. Ang gobyernong dating nang-aabuso, ngayon, tunay na kakampi na ng Pilipino. [Applause]

Nagpatupad po tayo ng reporma: tinanggal ang gastusing hindi kailangan, hinabol ang mga tiwali, at ipinakita sa mundong open for business under new management na ang Pilipinas.

Ang dating sick man of Asia, ngayon, punung-puno na ng sigla. Nang nagkaroon tayo ng positive credit rating action, ang sabi ng iba, tsamba. Ngayong walo na po sila, tsamba pa rin kaya? [Applause] Sa Philippine Stock Exchange index, nang una nating nahigitan ang 4,000 na index, may mga nagduda. Ngayon, sa dami ng all-time high, pati economic managers, nahirapan yata sa pagbilang, at ako rin po ay nagulat: nakakaapatnapu’t apat na pala tayo, at bihira nang bumaba sa 5,000 ang index. [Applause] Nito pong first quarter ng 2012, ang GDP growth natin, 6.4 percent; milya-milya ang layo niyan sa mga prediksyon, at pinakamataas sa buong Southeast Asian region; pangalawa po ito sa Asya, sunod lang tayo sa Tsina. [Applause] Kung dati po, tayo ang laging nangungutang, ngayon, hindi po birong tayo na ang nagpapautang. [Applause] Dati, namamalimos tayo ng investments; ngayon, sila na ang dumadagsa. Ang mga kumpanyang Hapon, sa isang pagpupulong po namin, ang sabi ay, “Baka gusto n’yo kaming silipin. Hindi nga kami ang pinakamura, pero una naman kami sa teknolohiya.” Pati pinuno ng isa pong malaking bangko sa Inglatera, kamakailan nakipag-usap sa atin, ang sinabi, maisali sana sila sa ating kinukunsulta sa usapang pinansyal.

Sa bawat sulok ng mundo, nagpapakita ng paghanga ang mga komentarista. Ayon sa Bloomberg Businessweek, and I quote: “Keep an eye on the Philippines.” Ang Foreign Policy magazine, pati isa sa mga pinuno ng ASEAN 100, nagsabing maaari daw tayong maging, and I quote, “Asia’s Next Tiger.” [Applause] Sabi ni Ruchir Sharma, pinuno ng Emerging Market Equities and Global Macro ng Morgan Stanley, I quote: “The Philippines is no longer a joke.” At mukha naman pong hindi siya nambobola, dahil tinatayang isang bilyong dolyar ang ipinasok ng kanyang kumpanya sa atin pong bansa. [Applause] Sana nga po, ang kaliwa’t kanang paghanga ng taga-ibang bansa, masundan na ng lokal na tagapagbalita. [Applause]

Sinisiguro po nating umaabot ang kaunlaran sa mas nakakarami. Alalahanin po natin: Nang mag-umpisa tayo, may 760,357 na kabahayang benepisyaryo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Tinarget [target] natin itong paabutin sa 3.1 million sa loob ng dalawang taon. Pebrero pa lang po ng taong ito, naiparehistro na ang ikatlong milyong kabahayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya. [Applause] Sa susunod na taon naman, palalawakin pa natin ang sakop nito sa 3.8 milyong bahay; limang beses po ang laki niyan sa dinatnan natin.

Pangmatagalan po ang impact ng proyektong ito. Hindi pa kumpleto ang mga pag-aaral, pero ngayon pa lang, maganda na ang ipinapakita ng numero. Base sa listahan ng DSWD: May 1,672,977 na mga inang regular nang nagpapacheck-up. 1,672,814 na mga batang napabakunahan laban sa diarrhea, polio, tigdas at iba pa. Four point fifty-seven million na estudyanteng hindi na napipilitang mag-absent dahil sa kahirapan. [Applause]

Sa kalusugan naman po: Nang dumating tayo, animnapu’t dalawang porsiyento lamang ng mga Pilipino ang naka-enrol sa PhilHealth. Ang masaklap, hindi pa masiguro kung lahat sila ay kabilang sa mga totoong nangangailangan ng kalinga ng estado, o buwenas lang na malapit sa politiko. Ngayon po, 85 percent ng lahat ng mamamayan, miyembro na nito. [Applause] Ang ibig pong sabihin, 23.31 million na Pilipino ang naidagdag sa mga saklaw ng PhilHealth mula nang bigyan tayo ng mandato. [Applause]

Ang maganda pa rito: ang 5.2 million na pinakamahirap na kabahayang tinukoy ng National Household Targeting System, buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. [Applause] Dahil po sa No Balance Billing policy ng Department of Health, ang lunas para sa dengue, pneumonia, asthma, katarata, gayundin ang pagpapagamot sa mga catastrophic disease tulad ng breast cancer, prostate cancer, at acute leukemia, makukuha na nang libre ng mga pinakamahirap nating kababayan. [Applause]

Ito po ang proseso ng pagpapagamot para sa kanila: Papasok ka sa alinmang ospital ng gobyerno. Ipapakita mo ang iyong PhilHealth card. Magpapagamot ka. At uuwi kang maginhawa nang walang inilabas ni isang kusing.

Sabi nga po sa isa sa mga briefing na dinaluhan natin, apat sa sampung Pilipino, hindi man lamang nakakakita ng health professional sa tanang buhay nila. Sa iba po, mas malaki pa: may nagsasabing anim sa bawat sampung Pilipino ang pumapanaw nang malayo sa kalinga ng health professional. Anuman ang ating pagbatayan, hindi po maikakaila: nakakabahala ang bilang ng mga Pilipinong hindi naaabot ang serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan. Tinutugunan na po natin ito. Mula sa sampung libo noong dumating tayo, umabot na sa 30,801 ang mga nurse at midwife na ating nai-deploy sa ilalim ng RNHeals Program. [Applause] Idagdag pa po natin sa kanila ang mahigit labing-isang libong Community Health Teams na nagsisilbing tulay upang higit na mapatibay ang ugnayan ng mga doktor at nurse sa komunidad.

At kung dati tutungo lamang ang mga nurse kung saan makursunadahan ng kanilang hepe, ngayon, dahil sa tamang targeting, kung saan sila kailangan, doon sila ipinapadala: [applause] sa mga lugar na matagal nang naiwan sa laylayan ng lipunan. Ipinadala po ang ating mga health professional sa 1,021 na pook na saklaw ng Pantawid Pamilya, at sa 609 na pinakamahihirap na lungsod at munisipyo, ayon sa pag-aaral ng National Anti-Poverty Commission. [Applause]

Dalawang problema po ang natutugunan nito: bukod sa nagkakatrabaho at nabibigyan ng work experience ang libu-libong nurse at midwife na dati ay walang mapaglalaanan ng kanilang kaalaman, nagiging abot-kamay din ang dekalidad na kalinga para sa milyun-milyon nating kababayan.

Subalit hindi pa po tayo makukuntento rito, dahil ang hangad natin: kalusugang pangkalahatan. Nagsisimula ito, hindi sa mga pagamutan, kundi sa loob mismo ng kanya-kanya nating tahanan. Ibayong kaalaman, bakuna, at checkup ang kailangan upang mailayo tayo sa karamdaman. Dagdag pa po diyan ang pagsisikap nating iwasan ang mga sakit na puwede namang iwasan.

Halimbawa: Nabanggit ko ang mosquito traps kontra dengue noong nakaraang taon.Alam naman po ninyo, ang mga syantipiko mahigpit sa pagsisiyasat. Maaga pa para sabihing siguradong-sigurado na tayo, pero nakaka-engganyo po ang mga paunang resulta nitong programang ito.

Sinubok natin ang bisa ng mosquito traps sa mga lugar kung saan naitala ang pinakamataas na insidente ng dengue. Sa buong probinsya ng Bukidnon noong 2010, may 1,216 na kaso. Nang inilagay ang mga mosquito trap noong 2011: mukhang nakatulong dahil bumaba ito sa tatlumpu’t pito; 97 percent raw po ang reduction po ito. Sa bayan ng Ballesteros at Claveria sa Cagayan, may 228 na kaso ng dengue noong 2010. Pagdating ng 2011, walo na lang ang naitala. Sa Catarman, Northern Samar: 434 na kaso ng dengue noong 2010, naging apat na lang noong 2011. [Applause]

Panimulang pag-aaral pa lamang po ito. Pero ngayon pa lang, marapat na yata nating pasalamatan sina Secretary Ike Ona ng DOH at Secretary Mario Montejo ng DOST, [Applause] Wala naman tayong masyadong umento, [palakpak ninyo na lang] para naman ganahan silang lalong magsaliksik at mag-ugnayan.

Marami pa po tayong kailangang solusyonan. Nakakabahala ang mataas pa ring maternal mortality ratio ng bansa. Kaya nga po gumagawa tayo ng mga hakbang upang tugunan ang pangangailangan  sa kalusugan ng kababaihan. Nais din nating makamit ang Universal Health Care, at magkaroon ng sapat na kagamitan, pasilidad, at tauhan ang ating mga institusyong pangkalusugan.

Sa pagtugon natin sa mga ito, malaki ang maiaambag ng Sin Tax Bill. Maipasa na po sana ito sa lalong madaling panahon. [Applause] Mababawasan na ang bisyo, madadagdagan pa ang pondo para sa kalusugan.

Ano naman kaya ang sasalubong sa kabataan pagpasok sa paaralan? Sa lilim ng puno pa rin kaya sila unang matututo ng abakada? Nakasalampak pa rin kaya sila sa sahig habang nakikipag-agawan ng textbook sa kaklase nila?

Matibay po ang pananalig natin kay Secretary Luistro: Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan. [Applause] Ulitin ko po, next year pa po ‘yan; 40,000 pa lang this year. Ang minana po nating 2,573,212 na backlog sa upuan, tuluyan na rin nating matutugunan bago matapos ang 2012. [Applause] Sa taon din pong ito, masisimot na rin ang 61.7 million na backlog sa textbook upang maabot na, sa wakas, ang one is to one ratio ng aklat sa mag-aaral. [Applause] Sana nga po, ngayong paubos na ang backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito. [Applause]

At para naman po hindi mapag-iwanan ang ating mga State Universities and Colleges, mayroon tayong panukalang 43.61 percent na pag-angat sa kanilang budget para sa susunod na taon. [Applause] Paalala lang po: lahat ng ginagawa natin, may direksyon; may kaakibat na kondisyon ang dagdag-budget na ito. Kailangang ipatupad ang napagkasunduang SUC Reform Roadmap ng CHED at ng kaukulang state colleges and universities, upang siguruhing dekalidad ang magiging produkto ng mga pamantasang pinopondohan ng estado. Kung mataas ang grado ninyo sa assignment na ito, asahan ninyong dodoblehin din namin ang kayod para matugunan ang mga natitirang pangangailangan po ninyo. [Applause]

Panay addition po ang nagaganap sa ating budget sa edukasyon. Isipin po ninyo: ang budget ng DepEd na ipinamana sa atin noong 2010, 177 billion pesos. Ang panukala natin para sa 2013: 292.7 billion pesos. [Applause] Noong 2010, 21.03 billion pesos ang budget para sa SUCs. Taunan po iyang dinagdagan upang umabot na sa 37.13 billion pesos na panukala natin para sa 2013. [Applause] Pero sa kabila nito, ngayon pa lang, may nagpaplano nang magcut-classes para mag-piket sa Mendiola. Ganito po kasimple: ang 292.7 ay mas malaki sa 177, at ang 37.13 ay mas malaki sa 21.03. Kaya kung may magsasabi pa ring binawasan natin ang budget ng edukasyon, kukumbinsihin na lang namin ang inyong mga paaralan na maghandog ng remedial math class para sa inyo. [Laughter and applause] At sana po, sa mga klaseng iyon, pakiusap po, pasukan naman ninyo.

Nang maupo tayo, at masimulan ang makabuluhang reporma, minaliit ng ilan ang pagpapakitang-gilas ng pamahalaan. Kundi raw buwenas, ningas-kugon lang itong mauupos rin paglaon. May ilan pa rin pong ayaw magretiro sa paghahasik ng negatibismo; silang mga tikom ang bibig sa good news, at ginawang industriya na ang kritisismo.

Kung may problema kayo na bago matapos ang taon, bawat bata ay may sarili nang upuan at aklat, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at sabihin ninyong, “Ayaw kong makapag-aral ka.”

Kung masama ang loob ninyo na ang 5.2 million na pinakamahihirap na kabahayang Pilipino ay maaari nang pumasok sa ospital nang hindi iniintindi ang gastos sa pagpapagamot, tingnan ninyo sila ulit, mata sa mata, at sabihin ninyong, “Ayaw kong gumaling ka.”

Kung nagagalit kayo na may tatlong milyong pamilyang Pilipino nang tumutungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap dahil sa Pantawid Pamilya, tingnan ninyo sila, mata sa mata, at sabihin ninyong, “Ibabalik ko kayo sa kawalan ng pag-asa.” [Applause]

Tapos na ang panahon kung kailan choice lang ng makapangyarihan ang mahalaga. Halimbawa, ang dating namumuno sa TESDA, nagpamudmod ng mga scholarship voucher; ang problema, wala palang nakalaang pondo para rito. Natural, tatalbog ang voucher. Ang napala: 2.4 billion pesos ang sinisingil ng mahigit isanlibong eskwelahan mula sa pamahalaan. Nagpapapogi ang isang tao’t isang administrasyon; sambayanang Pilipino naman ang pinagbabayad ngayon.

Pumasok si Secretary Joel Villanueva; [applause] hindi siya nagpasindak sa tila imposibleng pagbabagong dapat ipatupad sa kanyang ahensya. Sa kabila ng malaking utang na minana ng TESDA, 434,676 na indibidwal  pa rin ang kanilang hinasa sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program. [Applause] Kongkretong tagumpay din po ang hatid ng TESDA Specialista Technopreneurship Program (mas mahirap pong bigkasin kaysa sa resulta). Biruin po ninyo: Bawat isa sa 5,240 na sertipikadong Specialistas, kumikita na ngayon ng 562 pesos kada araw o 11,240 pesos kada buwan. Mas malaki pa po ito sa minimum wage. [Applause]

Mula sa pagkasanggol, hanggang sa pagkabinata, gumagana na ang sistema para sa mamamayan. Sinisiguro nating manganganak ng trabaho ang pagsigla ng ating ekonomiya.

Alalahanin po natin: para tumabla lang, kailangang makalikha taun-taon ng isang milyong bagong trabaho para sa mga new entrants.  Ang nalikha po natin sa loob ng dalawang taon: halos 3.1 million na bagong trabaho. [Applause]

Ito po ang dahilan kung bakit pababa nang pababa ang unemployment rate sa bansa. Nang dumating tayo, eight percent ang unemployment rate. Naging 7.2 ito noong Abril ng 2011, at bumaba pa lalo sa 6.9 ngayong taon, sa buwan rin ng Abril. ‘Di po ba makatwirang mangarap na balang araw, bawat Pilipinong handang magbanat ng buto, may mapapasukang trabaho?

Tingnan na lamang po natin ang BPO sector. Noong taong 2000, limanlibo katao lang ang naempleyo sa industriyang ito. Fast forward po tayo: 638,000 katao na ang nabibigyang trabaho ng mga BPO, at labing-isang bilyong dolyar ang ipinasok nito sa ating ekonomiya noong taong 2011. Ang projection nga po, pagdating ng 2016, kung saan ako po ay magpapaalam na sa inyo, 25 billion dollars na ang maipapasok nito, at makakapag-empleyo ng 1.3 million na Pilipino. [Applause] Hindi pa po kasama rito ang tinatayang aabot sa 3.2 million na mga taxi driver, barista, mga sari-sari store, karinderya, at marami pang ibang makikinabang sa mga indirect jobs na malilikha dahil sa BPO industry.

Malaking bahagi din po ng ating job-generation strategy ang pagpapatayo ng sapat na imprastruktura. Sa mga nakapagbakasyon na sa Boracay, nakita na naman ninyo ang bagong-binyag nating terminal sa Caticlan. Nakalatag na rin po ang plano upang palawakin ang runway nito.

Magkakaroon pa po ‘yan ng mga kapatid: bago matapos ang aking termino, nakatayo na ang New Bohol Airport sa Panglao, [applause] New Legaspi Airport sa Daraga, at Laguindingan Airport sa Misamis Oriental. [Applause] Ia-upgrade na rin po natin ang ating international airports sa Mactan, Puerto Princesa, at Tacloban. [Applause] Dagdag pa po diyan ang pagpapaganda ng mga airport sa Butuan, Cotabato, Dipolog, Pagadian, Tawi-Tawi, Southern Leyte, at San Vicente sa Palawan. [Applause] Kami po sa Tarlac ay maghihintay na lang. [Laughter]

Pang-apat na Pangulo na po akong sasalo sa problema ng NAIA 3. Hindi lang po eroplano ang nag-take off at nag-landing dito: maging mga problema’t anomalya, lumapag din. Nagbitiw na po ng salita si Secretary Mar Roxas: bago tayo magkita sa susunod na SONA, maisasaayos na ang mga structural defects na minana natin sa NAIA 3. [Applause]

Nitong Hunyo po, nagsimula na ring umusad ang proseso para sa LRT Line 1 Cavite Extension project, na magpapaluwag sa trapik sa Las Piñas, Parañaque, at Cavite. [Applause] Dagdag pa diyan, para lalong mapaluwag ang traffic sa Kamaynilaan at mapabilis ang pagtawid mula North Luzon hanggang South Luzon Expressway, magkakaroon ng dalawang elevated NLEX–SLEX connector. Matatapos po ang mga ito sa 2015. [Applause] Magiging one hour and 40 minutes na lang ang biyaheng Clark papuntang Calamba oras na makumpleto ang mga ito. Bago po tayo bumaba sa puwesto, nakatayo na rin ang mga dekalidad na terminal sa Taguig, Quezon City, at Parañaque na paparadahan ng bus biyaheng probinsya, [applause] upang hindi na sila makisiksik pa sa EDSA.

Nagbago na po ang takbo ng usapan tungkol sa ahensyang dati’y itinuturing na pugad ng kapalpakan. Naalala ko po dati: Kapag tag-ulan at umapaw ang Tarlac River, nalulunod ang MacArthur Highway. Tutunawin nito ang aspalto; magbabaku-bako ang kalsada hanggang sa tuluyan na nga itong mawawala. Bilang kinatawan noon ng aking distrito, inireklamo ko po ito. Ang tugon ng DPWH: alam namin ang problema, alam namin ang solusyon, pero wala kaming pera. Kinailangan ko pong makiusap sa aking mga barangay, at ang sabi ko po sa kanila ay “Kung hindi natin ito uunahin, walang gagawa nito, at tayo rin ang mapeperhuwisyo.” Dati, panay ang “hoy, gising!” sa gobyerno, bakit wala daw kasing ginagawa. Ngayon ang reklamo, “sobra namang trapik, ang dami kasing ginagawa.” [Laughter and applause] Paalala lang din po: naisasaayos na natin ang mga kalsadang ito nang hindi nagtataas ng buwis. [Applause]

Bubuo tayo ng mga daanan, hindi ayon sa kickback o kursonada, pero ayon sa isang malinaw na sistema. Dahil hindi na bara-bara ang paglalagak natin ng pondo para sa mga proyekto, hindi na ito mapapako sa plano, totoong kalsada na ang pakikinabangan ng Pilipino. Nang maupo po tayo sa puwesto, 7,239 kilometers sa ating national road network ang hindi pa naisasaayos. 1,569 kilometers na nito ang naipaayos natin sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Babes Singson; [applause] sa 2012—2,275 kilometers pa ang maidadagdag na natapos na rin po. Pati po ang mga kalsada at kurbadang mapanganib, tinutukoy at inaayos na gamit ang teknolohiya. Taun-taon po nating bubunuin ito, upang bago matapos ang aking termino, bawat pulgada ng ating national road network, maayos na po. Siyempre ‘wag la lang po n’yo dagdagan ang national road network.

Hindi lang kalsada, kundi pati sistema, isinasaayos sa DPWH. Dahil sa pagsunod sa tamang proseso ng bidding at procurement, 10.6 billion pesos na ang natipid ng kanilang ahensya mula 2011 hanggang nitong Hunyo. [Applause] Maging mga kontratista, batid ang positibong bunga ng reporma sa DPWH. Sabi nga po nila, “ang top 40 na kontratista, fully booked na raw po.”

Sana po hindi maantala ang pagpapatayo natin ng iba pang imprastraktura para hindi rin mapurnada ang paglago ng ibang industriya.

Kaakibat ng pagpapaunlad ng imprastruktura ang paglago ng turismo. Isipin po ninyo: Noong 2001, ang tourist arrivals sa ating bansa, 1.8 million. Nang dumating po tayo noong 2010, naglalaro ito sa 3.1 million. Mantakin po ninyo: sa hinaba-haba ng kanilang administrasyon, ang naidagdag nilang tourist arrivals, 1.3 million lamang; may ambag pa kaming kalahating taon diyan. Tayo naman po, Hunyo pa lang ng 2012—2.1 million na turista na ang napalapag. [Applause] Mas marami pang dadagsa sa peak season bago matapos ang taon, kaya hindi ako nagdududang maaabot natin ang quota na 4.6 million na turista para sa 2012. [Applause] Ibig sabihin po: 1.5 million na turista ang ating maidadagdag. Samakatuwid, sa dalawang taon, mas malaki ang magiging paglago ng ating tourist arrivals, kumpara sa naidagdag ng pinalitan natin sa loob ng siyam at kalahating taon. Hindi po tayo nagtataas ng bangko; nagsasabi lang po tayo ng totoo. [Applause]

Pero hindi nakuntento rito si Secretary Mon Jimenez. Sabi niya, kung sa Malaysia may bumisitang 24.7 million na turista noong 2011, at kung sa Thailand naman tinatayang 17 million, sa dinami-rami ng magagandang tanawin sa ating bansa, hindi naman siguro suntok sa buwan kung mangarap tayong pagdating ng 2016, sampung milyong turista na ang bibisita sa Pilipinas kada taon. [Applause] Kung patuloy na magkakaisa ang sambayanang Pilipino, gaya ng ipinamalas nating hirangin ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa New Seven Wonders of Nature, walang dudang makakamtan natin ito. Ang pahayag nga po natin sa daigdig: “It’s more fun in the Philippines.” [Applause] Kahit wala pang isang taon sa puwesto si Secretary Mon Jimenez, nagagapas na natin ang positibong bunga ng ating mga naipunlang reporma. Masasabi nga po nating pagdating sa turismo, “It’s really fun—to have Secretary Mon Jimenez as our Secretary.” [Applause]

Kung paglago po ang usapan, nasa tuktok ng listahan ang agrikultura. Kayod-kalabaw po si Secretary Alcala upang makapaghatid ng mabubuting balita. Dati, para bang ang pinapalago ng mga namumuno sa DA ay ang utang ng NFA. Twelve billion pesos ang minana nilang utang; ang ipinamana naman nila sa atin, 177 billion pesos.

Hindi po ba’t noon, pinaniwala tayo na 1.3 million metric tons ang kakulangan sa bigas, at para tugunan ito, ‘di bababa sa two million metric tons ang kanilang inangkat noong 2010. Parang unlimited rice sila kung maka-order ng bigas, pero dahil sobra-sobra, nabubulok lang naman ito sa mga bodega. Ang 1.3 million metric tons, unang taon pa lang, napababa na natin sa 860,000 metric tons. [Applause] Ngayong taon, 500,000 na lang, kasama pa ang buffer sakaling abutin tayo ng bagyo. [Applause] Huwag lang po tayong pagsungitan ng panahon, harinawa, sa susunod na taon ay puwede na tayong mag-export ng bigas. [Applause]

Ang sabi po ni Secretary Alcala: ang susi dito, makatotohanang programa sa irigasyon, at masigasig na implementasyon ng certified seeds program. [Applause] Ang masakit po, hindi bagong kaalaman ito; hindi lang ipinapatupad. Kung dati pa sila nagtrabaho nang matino, nasaan na kaya tayo ngayon?

Tingnan rin po natin ang industriya ng niyog at ang cocowater na dati tinatapon lang, ngayon, napapakinabangan na ng magsasaka. Noong 2009—483,862 liters ng cocowater ang iniluwas natin. Umangat po ito ng 1,807,583 liters noong 2010. Huwag po kayong magugulat: noong 2011: 16,756,498 liters [applause]—puwede ho bang ulitin iyon?—16,756,498 liters ng cocowater ang in-export ng Pilipinas. Ang coco coir naman, kung dati walang pumapansin, ngayon may shortage na dahil pinapakyaw ng mga exporter. Hindi natin sasayangin ang pagkakataong ito: bibili pa tayo ng mga bagong makinang magpoproseso ng bunot para makuha ang mga hiblang ginagawa mula sa coco coir. Sa susunod na taon, lalo nating mapapakinabangan ang industriya ng niyog: Naglaan na tayo ng 1.75 billion pesos upang mamuhunan at palaguin ito. [Applause]

Sinimulan po ng aking ina ang Comprehensive Agrarian Reform Program. Nararapat lamang na matapos ang programang ito sa panahon ng aking panunungkulan. [Applause]

Isinasaayos na po ang sistema upang mapabilis ang pagpapatupad ng repormang agraryo. Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang maipamahagi sa ating magsasaka ang mga lupaing diniligan at pinagyaman ng kanilang pawis. Subalit mayroon pa rin pong ayaw paawat sa pagtatanim ng mga balakid. Ang tugon ko sa kanila: susunod tayo sa batas. Ang atas ng batas, ang atas ng taumbayan, at ang atas ko: Bago ako bumaba sa puwesto, naipamigay na dapat ang lahat ng lupaing sakop ng CARP. [Applause]

Liwanagin naman po natin ang nangyayari sa sektor ng enerhiya. Mantakin po ninyo: Dati po, umabot lang ang kawad ng kuryente sa barangay hall, “energized” na raw ang buong barangay. Kaya ganun na lang kung ipagmalaki nilang 99.98 percent na raw ng mga barangay sa bansa ang may kuryente. Pati ba naman sa serbisyong dapat ay matagal nang napapakinabangan ng Pilipino, nagkakagulangan pa? Kaya nga po, para subukan ang kakayahan ng DOE at NEA, naglaan tayo ng 1.3 billion pesos para pailawan ang unang target na 1,300 sitios, sa presyong isang milyong piso bawat isa. Nang matapos sila, ang napailawan sa inilaan nating pondo: 1,520 sitios, at gumastos lamang sila ng 814 million pesos. [Applause] Nagawa nila ito sa loob lamang ng tatlong buwan, at mas marami pa pong gagawin dito hangga’t matapos ang 36,000 sitios, na dati’y inaabot ng dalawang taon. Kay Secretary Rene Almendras, bilib talaga ako sa iyo; parang hindi ka nauubusan ng enerhiya. Sa paghahatid-serbisyo, hindi ka lang eveready, nagmistulang energizer bunny ka pa—you keep on going, and going, and going. [Applause]

Nangingibabaw na nga po ang liwanag sa ating bayan—liwanag na nagsiwalat sa krimeng nagaganap sa madidilim na sulok ng lipunan. Ang pinagsisikapang kitain ng Pilipino, hindi na magagantso. Patuloy po ang pagbaba ng crime volume sa buong bansa. Ang mahigit limandaan libong krimen na naitala noong 2009, mahigit kalahati po ang nabawas: 246,958 na lamang iyan nitong 2011. Dagdag pa rito: ang dating dalawanlibo’t dalawandaang kaso ng carnapping noong 2010, lampas kalahati rin ang ibinaba: 966 na lang po iyan pagdating ng 2011.

Ito nga po sana ang dalhin ng ating mga headline. Hindi po natin sinasabing wala nang krimeng nagaganap, pero palagay ko naman po, wala dapat magalit na nangalahati na ito. Si Raymond Dominguez na matagal nang labas-masok sa kulungan, hindi ba’t sa loob lamang ng mahigit isang taon, nasentensyahan at naipakulong na? Ang dalawa pa niyang kapatid ay sinampahan na rin natin ng kaso at kasalukuyan na ring nakabilanggo. May dalawang suspect sa bus bombing sa Makati noong nakaraang taon, ang isa po’y pumanaw na; ‘yung isa, humihimas na ng rehas. Kakosa niya ang mahigit sampung libong sangkot sa ilegal na droga na inaresto ng PDEA nitong 2011. [Applause]

Alam po nating hindi araw-araw ang laban ni Pacman, at hindi puwedeng iasa dito ang pagbaba ng krimen. Kaya nga po pinalalakas natin ang puwersa ng kapulisan. ‘Di po ba, nang dumating tayo, apatnapu’t limang porsyento ng ating kapulisan ang walang baril at umaasa sa anting-anting habang tumutugis ng masasamang-loob? [Laughter] May nanalo na po sa bidding, tinitiyak na lamang nating dekalidad ang kanilang mga produkto. Pagkatapos ng proseso, at itong taon po nating inaasahan ito, maipagkakaloob na ang 74,600 na baril na magagamit nila upang ipagtanggol at alagaan ang bayan, lipunan, at sarili. [Applause]

Dumako naman po tayo sa usapin ng pambansang tanggulan. May mga nagsabi na po na ang ating Air Force, “all air, at no force.” [Laughter] Imbes na alagaan ng estado, para bang sinasadyang ilagay sa alanganin ang ating mga sundalo. Hindi po tayo makakapayag na manatiling ganito.

Makalipas nga lang po ang isang taon at pitong buwan, nakapaglaan na tayo ng mahigit dalawampu’t walong bilyong piso para sa AFP Modernization Program. Aabutan na nito ang tatlumpu’t tatlong bilyong pisong pondo na ipinagkaloob sa nasabing programa sa nakalipas na labinlimang taon. [Applause] Bumubuwelo pa lang po tayo sa lagay na ‘yan: kapag naipasa na ang panukala nating AFP modernization bill sa Kongreso, makakapaglaan tayo ng pitumpu’t limang bilyong piso para sa susunod na limang taon.

Kasado na rin po ang tatlumpung milyong dolyar na pondong kaloob ng Estados Unidos para sa Defense Capability Upgrade and Sustainment of Equipment Program ng AFP. Bukod pa po ito sa tulong nila upang pahusayin pa ang pagmanman sa ating mga baybayin sa ilalim ng itatayong Coast Watch Center ng Pilipinas.

Nagka-canvass na rin po ang Sandatahang Lakas ng mga kagamitan tulad ng mga kanyon, armored personnel carrier, at frigates. Hindi magtatagal, dadaong na ang karelyebo ng BRP Gregorio del Pilar sa ating pampang. Sa Enero, aangkla na po sa Pilipinas ang BRP Ramon Alcaraz, ang pangalawa nating Hamilton class cutter. ‘Di na po bangkang papel ang ating ipapalaot; [applause] ngayon po, mga hi-tech at dekalidad na barko na ang tatanod sa 36,000 kilometers nating coastline.

Mainam na rin po siguro kung maglilinis-linis na ng mga hangar ang ating Sandatahang Lakas, dahil darating na ang mga kagamitang lalong magpapatikas sa ating tanggulan. Sa wakas, may katuwang na po ang kaisa-isa nating C-130 na tatlumpu’t anim na taon nang rumoronda sa himpapawid: dalawa pang C-130 ang magiging operational ulit sa taong ito. Bago matapos ang taong ito, inaasahan nating mai-dedeliver na ang binili nating dalawampu’t isang refurbished UH-1H Helicopter, apat na combat utility helicopters, mga radyo’t iba pang communication equipment, rifles, mortars, mobile diagnostic laboratories, kasama na ang bullet station assembly. [Applause] Pagdating naman po ng 2013, lalapag na ang sampung attack helicopters, dalawang naval helicopters, dalawang light lift aircraft, isang frigate, at mga force protection equipment. [Applause]

At hindi lang po natin sa armas ipinaparamdam ang pagkalinga sa ating pulis at kasundaluhan. Nabawasan na rin po ang mga pasanin nila sa pamumuhay dahil sa mahigit dalawampu’t dalawang libong bahay ang naipatayo na sa ilalim ng AFP–PNP housing program. [Applause]

Hindi po ito tungkol sa pakikipaggirian o pakikipagmatigasan. Hindi ito tungkol sa pagsisiga-sigaan. Tungkol ito sa pagkamit ng kapayapaan. Tungkol ito sa kakayahan nating ipagtanggol ang ating sarili—isang bagay na kaytagal nating inisip na imposible. Tungkol po ito sa buhay ng isang sundalong araw-araw sumasabak sa peligro; tungkol ito sa pamilya niyang nag-aabang na makabalik siyang ligtas, ano man ang kanyang makaharap. Hayaan po nating ang ilang mga benipisyaryo ang magbigay ng kani-kanilang mga kuwento:

[Video]

At ngayon ngang inaaruga na sila ng taumbayan, lalo namang ginaganahan ang ating kasundaluhan na makamtan ang kapayapaan. Tagumpay pong maituturing ang dalawandaan at tatlong rebeldeng sumuko at nagbabalik-loob na sa lipunan, at ang 1,772 na bandidong nawakasan na ang karahasan. Halimbawa po ang kilabot na teroristang si Doctor Abu, na hindi na makakapaghasik ng kaniyang lagim. Nagpupugay rin po tayo sa panunumbalik ng katahimikan sa mga lugar na matagal nang biningi ng putukan. Ang resulta nga po ng bayanihan: 365 na barangay ang naagaw sa kamay ng kaaway, 270 na gusali’t paaralan ang naipaayos, at 74 health centers ang naipagawa. [Applause]

Kung kapayapaan na lang din po ang usapan, dumako naman tayo sa lugar na matagal naging mukha ng mga mithiing ‘di makamtan-kamtan. Bago po magsimula ang mga reporma natin sa ARMM, at alam naman po n’yo, may mga ghost students doon, na maglalakad sa isang ghost road, tungo sa isang ghost school, para magpaturo sa isang ghost teacher. Ang mga aparisyon pong gumulantang kay OIC Governor Mujiv Hataman: [applause] Apat na eskuwelahan na natagpuang may ghost students; iniimbestigahan na rin ang mga teacher na hindi lumilitaw ang pangalan sa talaan ng Professional Regulation Commission, gayundin ang mga tauhan ng gobyernong hindi nakalista sa plantilya. Limampu’t limang ghost entry ang tinanggal sa payroll. Ang dating paulit-ulit na pagsasaboy ng graba sa kalsada para lang pagkakitaan ng pera, bawal na. Wala nang cash advance sa mga ahensya, para maiwasan ang pagsasamantala. Ang mga multo sa voters list, mapapatahimik na ang kaluluwa. [Applause] Kaya nga po kay OIC Gov. Mujiv Hataman, ang masasabi natin: talaga namang isa ka nang certified ghost buster.

Ang pumalit po, at pinapalit na: pabahay, tulay, at learning center para sa mga Badjao sa Basilan. Mga community-based hatchery, lambat, materyales para maglinang ng seaweeds, at punlang napakinabangan ng 2,588 na mangingisda. Certified seeds, punla ng gabi, cassava, goma, at mga punong namumunga para sa 145,121 na magsasaka. Simula pa lang po iyan: nakalaan na ang 183 million pesos para sa mga municipal fishing port projects sa ARMM; 310.4 million pesos para sa mga istasyon ng bumbero; 515 million pesos para sa malinis na inuming tubig; 551.9 million pesos para sa mga kagamitang pangkalusugan; 691.9 million pesos para sa daycare centers; at 2.85 billion pesos para sa mga kalsada at tulay na babagtas sa rehiyon. Ilan lang po iyan sa patutunguhan ng kabuuang 8.59 billion pesos na ipinagkaloob ng pambansang gobyerno para isakatuparan ang mga reporma sa ARMM. [Applause] Lilinawin ko rin po: hindi pa kasama rito ang taunang suportang natatanggap nila, na ngayong 2012 ay umabot sa 11.7 billion pesos. [Applause]

Miski po ang mga dating gustong tumiwalag, nakikita na ang epekto ng reporma. Kinikilala natin bilang pahiwatig ng kanilang tiwala ang nakaraang pitong buwan, kung kailan walang nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at ng MILF. Sa peace process naman po: hayag at lantaran ang usapan; nagpapamalas ang magkabilang panig ng tiwala sa isa’t isa. Maaaring minsan, magiging masalimuot ang proseso; signos lang po ito na malapit na nating makamit ang nag-iisa nating mithiin: Kapayapaan.

Mapayapang pag-uusap rin po ang prinsipyong isinulong natin upang mabuo ang ating Executive Order ukol sa pagmimina. Ang kaisipan sa likod ng nabuong consensus: mapakinabangan ang ating likas na yaman upang iangat ang buhay ng Pilipino, hindi lamang ngayon kundi pati na rin sa susunod na salinlahi. Hindi natin pipitasin ang ginintuang bunga ng industriyang ito, kung ang magiging kabayaran ay ang pagkasira ng kalikasan. [Applause]

Ngunit unang hakbang lamang ito. Isipin po ninyo: Noong 2010, 145 billion pesos ang kabuuang halaga na nakuha mula sa pagmimina, subalit 13.4 billion pesos lamang o siyam na porsyento ang napunta sa kaban ng bayan. Ang likas na yaman, pag-aari ninyo; hindi tayo papayag na balato lang ang mapupunta sa Pilipino. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng Kongreso upang makapagpasa ng batas na sisigurong napapangalagaan ang kalikasan at matitiyak na makatarungan ang magiging pakinabang ng publiko at pribadong sektor sa mga biyayang makukuha natin mula sa industriyang ito. [Applause]

Pag-usapan po natin ang situwasyon sa Disaster Risk Reduction and Management. Dati, ang gobyernong dapat tumutulong, nanghihingi rin ng tulong. Ngayon, nasa Pasipiko pa lang ang bagyo, alam na kung saan idedestino ang ayuda, at may malinaw nang plano upang maiwasan ang peligro.

Tuwing pag-uusapan nga po ang sakuna, lagi kong naaalala ang nangyari po sa amin sa Tarlac noong minsang bumagyo. Sa lakas ng ulan, bumigay ang isang dike. Nang nagising ang isang barangay captain, tinangay na ng baha ang kanyang pamilya at mga kagamitang pangsaka. Buti nga po’t nakaligtas ang buong mag-anak. Malas lang po ng kalabaw nilang naiwang nakatali sa puno; nabigti ito sa lakas ng ragasa.

Walang kalaban-laban din po ang marami sa tinamaan ng bagyong Ondoy, Pepeng, at Sendong. Napakarami pong nasawi sa paghagupit ng mga delubyong ito. Sa ilalim ng bagong-lunsad na Project NOAH, isinakay natin sa iisang bangka ang mga inisyatiba kontra-sakuna, at hindi na rin po idinadaan sa tsamba ang paglilikas sa mga pamilya. Gamit ang teknolohiya, nabibigyan na ng wastong babala ang Pilipino upang makapaghanda at makaiwas sa disgrasya.

Real-time at direkta na ang pakinabang ng walumpu’t anim na automated rain gauges at dalawampu’t walong water level monitoring sensors natin sa iba’t ibang rehiyon. Bago matapos ang 2013, ang target natin: animnaraang automated rain gauges at apatnaraan at dalawampu’t dalawang water level sensors. Ipapakabit po natin ang mga ito sa labingwalong pangunahing river basins sa buong bansa. [Applause]

Isa pa pong pagbabago: Dati, ang mga ahensya’y kanya-kanyang habulan ng numero, kanya-kanyang agenda, kanya-kanyang pasikatan. Ngayon, ang kultura sa gobyerno: bayanihan para sa kapakanan ng taumbayan. Convergence po ang tawag natin dito.

Dati pa naman po naglipana ang mga programa sa tree planting. Pero matapos magtanim, pababayaan na lang ang mga ito. Kapag nakita ng mga komunidad na naghahanap din ng kabuhayan, puputulin ang mga ito para gawing uling.

May solusyon na po rito. Mayroon na pong 128,558 hectares ng kagubatang naitanim sa buong bansa; bahagi lang po iyan ng kabuuang 1.5 million na ektaryang matatamnan bago tayo bumaba sa puwesto. [Applause] Nakapaloob po rito ang mga komunidad na nasa ilalim ng National Convergence Initiative. Ang proseso: pagkatanim ng puno, makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga komunidad. Kapalit ng conditional cash transfer, aalagaan ang mga puno; mayroon ding mga magpapalago ng bagong punla sa nursery. 335,078 na po ang mga Pilipinong nakakakuha ng kabuhayan mula dito.

Sa isa nga pong programa, nakiambag din ang pribadong sektor, na nagbibigay ng espesyal na binhi ng kape at cacao sa komunidad, at tinuturuan silang alagaan at siguruhing mataas ang ani. Itinatanim ang kape sa lilim ng mga puno, na habang nakatayo ay masisigurong hihigop ng baha at tutulong makaiwas tayo sa pinsala. Ang kumpanyang nagbigay ng binhi, sure buyer na rin ng ani. Panalo po ang mga komunidad nay may dagdag kita, panalo ang pribadong sektor, panalo pa ang susunod na salinlahing makikinabang sa matatayog na puno. [Applause]

Matagal na pong problema ang illegal logging. Mula nga po nang lumapag ang EO 23, nakasabat na si Mayor Jun Amante ng mahigit anim na milyong pisong halaga ng troso. Nagpapasalamat tayo sa kanya. Sa Butuan pa lang ito; paano pa kung magpapakita ng ganitong political will ang lahat ng LGU?

Ang mga trosong nakukumpiska ng DENR, lalapag sa mga komunidad na naturuan na ng TESDA ng pagkakarpintero. Ang resulta: upuan para sa mga pampublikong paaralan na hawak naman ng DepEd. Isipin po ninyo: ang dating pinagmumulan ng pinsala, ngayon, tulay na para sa mas mabuting kinabukasan. Dati, imposible nga ito: Imposible kung nagbubulag-bulagan ang pamahalaan sa ilegal na gawain.

Kaya kayong mga walang konsensya; kayong mga paulit-ulit isinusugal ang buhay ng kapwa Pilipino: maghanda na kayo. Tapos na ang maliligayang araw po ninyo. [Applause] Sinampolan na natin ang tatlumpu’t apat na kawani ng DENR, isang PNP provincial director, at pitong chief of police. Pinagpapaliwanag na rin po natin ang isang Regional Director ng PNP na nagbingi-bingihan sa aking utos at nagbulag-bulagan sa mga dambuhalang trosong dumaan sa kanilang tanawin. Kung hindi kayo umayos, isusunod namin kayo. Magkubli man kayo sa ilalim ng inyong mga padrino, aabutan namin kayo. Isasama na rin namin ang mga padrino ninyo. [Applause] Kaya bago pa magkasalubong ang ating landas, ako po’y muling makikiusap, mas maganda sigurong tumino na kayo.

Mula sa sinapupunan, sa pag-aaral at pagtatrabaho, may pagbabago nang haharap sa Pilipino. At sakaling piliin niyang magserbisyo sa gobyerno, tuloy pa rin ang pag-aaruga ng estado hanggang sa kanyang pagreretiro. Tatanawin ng pamahalaan ang kanyang ambag bilang lingkod-bayan, at hindi ipagdadamot sa kanya ang pensiyong siya rin naman ang nagpuhunan.

Isipin po ninyo, at ako po’y nagulat dito: may mga pensyonado tayong tumatanggap ng 500 pesos lamang kada buwan. Paano kaya niya ito pagkakasiyahin sa tubig, kuryente, at pagkain araw-araw? Ang atin pong tugon: Pagsapit ng bagong taon, hindi na bababa sa limanlibong piso ang matatanggap na buwanang pensyon ng ating old-age and disability pensioners. [Applause] Masaya tayong matutugunan natin ang pangangailangan nila ngayon, nang hindi isinusugal ang kapakanan ng mga pensyonado bukas.

Iba na po talaga ang mukha ng gobyerno. Sumasabay na po sa pribadong sektor ang ating pasahod para sa entry level. Pero kapag sabay kayong na-promote ng kaklase mong piniling mag-pribado, nagkakaiwanan na.

Mahahabol din po natin iyan; pero sa ngayon, ang good news natin sa mga nagtatrabaho sa pamahalaan: Performance-Based Incentives. Dati, miski palpak ang palakad ng isang ahensya, very satisfactory pa rin ang pinakamababang rating ng empleyado. Dahil sa pakikisama, nahihirapan ang bisor na bigyan ng makatarungang rating ang mga tauhan niya. Nakakawawa tuloy ang mga mahusay magtrabaho; nawawalan sila ng dahilan para galingan dahil parehas lang naman ang insentibo ng mga tamad at pursigido.

Heto po ang isa lamang sa mga hakbang natin upang tugunan ito. Simula ngayong taon, magpapatupad tayo ng sistema kung saan ang bonus ay nakabase sa pagtupad ng mga ahensya sa kanilang mga target para sa taon. [Applause] Nasa kamay na ng empleyado ang susi sa kanyang pag-angat. Ang insentibo, maaaring umabot ng tatlumpu’t limang libong piso, depende sa pagpapakitang-gilas mo sa iyong trabaho. Dagdag pa ito sa across-the-board na Christmas bonus na matatanggap mo.

Ginagawa natin ito, hindi lamang para itaas ang kumpiyansa at ipakita ang pagtitiwala natin sa ating mga lingkod-bayan. Higit sa lahat, para ito sa Pilipinong umaasa sa tapat at mahusay na serbisyo mula sa lingkod-bayan, at umaasang sila at sila lamang ang itinuturing na boss ng kanilang pamahalaan.

Alam po niyo, sa simula pa lang mayroon nang mga kumuwestiyon sa sinasabi nating, “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hanggang ngayon mayroon pa rin pong mangilan-ngilang nagtatanong: nakakain ba ang mabuting pamamahala? Ang simpleng sagot, “Siyempre.”

Isipin po natin ang ating pinanggalingan: Dati, parang “Wild West” ang pamumuhunan sa Pilipinas. May peligro na nga ang negosyo, sinagad pa ang risko dahil sa di tiyak at nakalihim na patakaran. Kakamayan ka nga gamit ang kanan, kokotongan ka naman na gamit ang kaliwa.

Ngayon, dahil patas na ang laban, at may hayag at hindi pabagu-bagong mga patakaran, patuloy ang pagtaas ng kumpiyansa sa ating ekonomiya. Patuloy ang pagpasok ng puhunan; patuloy ang pagdami ng trabaho; patuloy ang positibong siklo ng pagkonsumo, paglago ng negosyo, at pagdami ng mamamayang naeempleyo. [Applause]

Dahil maayos ang paggugol ng gobyerno, walang tagas sa sistema. Dahil maayos ang pangkolekta ng buwis, lumalago ang kaban ng bayan. Bawat pisong nakokolekta, tiyak ang pupuntahan: Piso itong diretso sa kalsada, piso para sa bakuna, piso para sa classroom at upuan, piso para sa ating kinabukasan. [Applause]

Dahil maayos ang paggawa ng tulay, kalsada, at gusali, itinatayo ang mga ito kung saan kailangan. Maayos ang daanan, mas mabilis ang takbo ng produkto, serbisyo, at mamamayan.

Dahil maayos ang pamamahala sa agrikultura, tumataas ang produksyon ng pagkain, at hindi pumapalo ang presyo nito. Stable ang pasahod, at mas malakas ang pambansang ekonomiya.

Tunay nga po: Ang matatag at malakas na ekonomiyang pinanday ng mabuting pamamahala ang pinakamabisang kalasag laban sa mga hamon na kinakaharap ng daigdig. Dalawang taon po nating binaklas ang mga balakid sa pag-unlad, at ngayon, tayo na lang mismo ang makakapigil sa ating sariling pag-angat.

Ginawa po natin ang lahat ng ito habang binubuno rin ng bawat bansa sa iba’t ibang sulok ng daigdig ang kani-kanilang problema’t pagsubok.

Hindi po tayo nag-iisa sa mundo, kaya’t habang tinutugunan natin ang sarili nating mga suliranin, angkop lamang na bantayan din ang ilang pangyayaring maaaring makaapekto sa atin.

Naging maugong ang mga kaganapan sa Bajo de Masinloc. May mga mangingisdang Tsinong pumasok sa ating teritoryo. Nasabat ng barko natin at nasabad sa kanilang mga barko ang endangered species. Bilang pinuno, kailangan kong ipatupad ang batas na umiiral sa ating bansa. Sa pagsulong nito, nagbungguan ang Nine-Dash Line Theory ng mga Tsino, na umaangkin sa halos buong West Philippine Sea, at ang karapatan natin at ng marami pang ibang bansa, kasama na ang Tsina, na pinagtibay naman ng United Nations Convention on the Laws of the Sea.

Ibayong hinahon ang ipinamalas natin. Ang barko ng Hukbong Dagat, bilang tanda ng ating malinis na hangarin, ay agad nating pinalitan ng barkong sibilyan. Hindi tayo nakipagsagutan sa mga banat ng kanilang media sa atin. Hindi naman po siguro kalabisan na hilingin sa kabilang panig na galangin ang ating karapatan, gaya ng paggalang sa kanilang mga karapatan bilang kapwa bansang nasa iisang mundong kailangang pagsaluhan.

Mayroon po tayong mga miron na nagsasabing hayaan na lang ang Bajo de Masinloc; umiwas na lang tayo. Pero kung may pumasok sa inyong bakuran at sinabing sa kanya na ang kanyang kinatatayuan ay sa kanya na, papayag ba kayo? Hindi naman po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang sadyang atin talaga. [Applause]

Kaya nga po hinihiling ko sa sambayanan ang pakikiisa sa isyung ito. Iisa lang po dapat ang kumpas natin. Tulungan ninyo akong iparinig sa kabilang panig ang katuwiran ng ating mga paninindigan.

Hindi po simple ang sitwasyon, at hindi magiging simple ang solusyon. Magtiwala po kayo: kumokonsulta tayo sa mga eksperto, at sa lahat ng pinuno ng ating bansa, pati na sa kaalyado natin—gayundin sa mga nasa kabilang panig ng usaping ito—upang makahanap ng solusyon na katanggap-tanggap sa lahat. [Applause]

Sa bawat hakbang sa tuwid na daan, nagpunla tayo ng pagbabago. Ngunit may mangilan-ngilan pa ring pilit na bubunot nito. Habang nagtatalumpati ako ngayon, may mga nagbubulung-bulungan sa isang silid at hinihimay ang aking mga sinasabi; naghahanap ng butas na ipambabatikos bukas. Sasabihin nila, “Salita lang ito, at hindi totoo ang tuwid na landas.” Sila rin po ang magsasabing hayaan na, magkaisa na; forgive and forget na lang para makausad na tayo.

Hindi ko po matatanggap ito. Forgive and forget na lang ang sampung taon na nawala sa atin? Forgive and forget na lang para sa magsasakang nabaon sa utang dahil sa kakaangkat natin ng bigas, gayong puwede naman palang pagyamanin sa ating sariling lupa?

Forgive and forget na lang ba para sa pamilya ng isang pulis na namatay nang walang kalaban-laban, dahil batuta lang ang hawak niya habang hinahabol ang armadong masasamang-loob?

Forgive and forget na lang ba para sa mga naulila ng limampu’t pitong biktima ng masaker sa Maguindanao? Maibabalik ba sila ng “forgive and forget?” [Applause] Forgive and forget ang lahat ng atraso ng mga naglubog sa atin sa bulok na estado? Forgive and forget para maibalik ang lumang status quo? Ang tugon ko, “Ang magpatawad, maaari; ang makalimot, hindi.” [Applause] Kung ang nagkasala ay hindi mananagot, gagarantiyahan mo ang pagpapahirap muli sa sambayanan.

Ang tunay na pagkakaisa at pagkakasunduan ay magmumula lamang sa tunay at ganap na katarungan. Katarungan ang tawag sa plunder case na isinampa laban sa dating pangulo. [Applause] Katarungan na bigyan siya ng pagkakataong harapin ang mga akusasyon at ipagtanggol ang kanyang sarili. Katarungan ang nasaksihan natin noong ika-dalawampu’t siyam ng Mayo. Noong araw na iyon, pinatunayan natin: Posibleng mangibabaw ang katarungan kahit na ang kabangga mo ay may mataas na katungkulan. [Applause] Noong araw na iyon, may isang Delsa Flores sa Panabo, Davao del Norte, na nagsabing, “Posible palang iisang batas lang ang kailangang sundin ng court interpreter na tulad ko, at ng Punong Mahistrado.” [Applause]  Posible palang maging patas ang timbangan; maaaring isakdal at panagutin miski ang mayaman at makapangyarihan.

Kaya po sa susunod na magiging Punong Mahistrado, malaki ang inaasahan sa inyo ng sambayanan. Napatunayan na po nating posible ang imposible; ang trabaho natin ngayon, siguruhing magpapatuloy ang pagbabago tungo sa tunay na katarungan, matapos man ang ating termino. [Applause]  Marami pong sira sa sistemang kailangan ninyong kumpunihin, at alam kong hindi magiging madali ito. Alam ko po kung gaano kabigat ang pasanin ng isang malinaw na mandato; ngunit ito ang atas sa atin ng taumbayan; ito ang tungkuling ating sinumpaan; ito ang kailangan nating gampanan.

Simple lang ang hangad natin: kung inosente ka, buong-loob kang haharap sa korte, dahil kampante kang mapapawalang-sala ka. Kung ikaw ang salarin, anuman ang apelyido mo, o gaano man karami ang titulong nakakabit sa iyong pangalan, may katiyakan din na pananagutan mo ang ginawa mong kasalanan. [Applause]

Salamat din po kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, [applause] sa pagtanggap ng hamon na maging tunay na tanod-bayan. Kung tutuusin, pwede na niyang tanggihan ang responsibilidad at sabihing, “Retirado na ako, puwede bang ‘yung iba na lang?” Subalit nangibabaw ang kaniyang malasakit sa bayan. Sa kabila nito, may nagregalo pa rin sa kanya ng granada sa bahay. [Laughter] Ma’am, may mga darating pa pong pagsubok; baka po paglaon, magaya na kayo sa akin na tinatawag, sabay-sabay pang tinatawag, na ganid na kapitalista na komunista din patungong diktador dahil sa masigasig na mga repormang ipinapatupad natin.

Bilib po ako sa inyong pagpapakitang-gilas at maraming salamat sa pagiging instrumento ng katarungan, lalo na noong kasagsagan ng impeachment trial. Salamat din po sa dalawang institusyong bumubuo ng Kongreso: Sa Senado at Kamara de Representante, na tinimbang ng taumbayan at nakitang sapat na sapat.

Sa lahat po ng tumulong sa pagpapagana ng mga prosesong pangkatarungan: Dumaan kayo sa matinding pagsubok, batikos, at agam-agam; kasama pa ang kaba na kung natalo tayo, kayo ang unang pupuntiryahin ng kalaban. Pero ‘di kayo natinag. Umasa sa inyo ang Pilipino, at pinatunayan ninyong tama ang pag-asa sa inyo. Hindi ninyo binigo ang sambayanan; ipinaliwanag ninyo lalo ang ating kinabukasan. [Applause]

Paalala lang po: hindi natatapos ang laban sa isang tiwaling opisyal na natanggal sa puwesto, sa isang maanomalyang kontratang napigil ipatupad, o sa isang opisinang naituwid ang pamamalakad. Kaya naman nananawagan po tayo sa Kongreso na ipasa ang panukala nating sa pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act, upang mas mapaigting pa natin ang pagpapanagot sa mga tiwali.

Itong tinatamasa natin ngayon: ang bawat nailawan at iilawan pang sitio; ang bawat daan, tulay, paliparan, tren, at daungan; ang bawat kontratang walang bukol; ang kaligtasan at kapayapaan mula lungsod hanggang nayon; ang pagbalik ng piring sa sistemang pangkatarungan; ang bawat classroom, upuan, at aklat na napasakamay ng kabataan; ang bawat Pilipinong nahahandugan ng bagong kinabukasan—ang lahat ng ito, naabot natin sa loob lamang ng dalawang taon.

Pagtabihin po natin ang dalawang taon na ito, at ang nakaraang siyam at kalahating taon na ating pinagdusahan. ‘Di po ba’t sumusulong na ang agenda ng pagbabago? Ang kapareho namin ng adhikain, malamang, kasama namin sa agendang ito. At kung kontra ka sa amin, siguro kontra ka rin sa ginagawa namin. Kung kumukontra sila sa agenda ng pagbabago, masasabi ba niyang sila’y nasa panig ninyo?

Paparating na naman po ang halalan. Kayo po, ang aming mga boss, ang tangi naming susundan. Ang tanong ko sa inyo, “Boss, saan tayo tatahak? Tuloy ba ang biyahe natin sa tuwid na landas, o magmamane-obra ba tayo’t paatras, pabalik sa daan na baluktot at walang patutunguhan?”

Naalala ko pa po noong nagsimula tayo. Mulat na mulat ako sa bigat ng pasaning sasalubong sa atin. Kabilang ako sa mga nag-isip: Kaya pa bang ituwid ang ganito kabaluktot na sistema?

Heto po ang aking natutuhan sa dalawampu’t limang buwan ng pagkapinuno: Walang pong imposible. [Applause] Walang imposible dahil kung nakikita ng taumbayan na sila ang tanging boss ng kanilang pamahalaan, bubuhatin ka nila, gagabayan ka nila, sila mismo ang mamumuno tungo sa makabuluhang pagbabago. Hindi imposible na ang Pilipinas ang maging kauna-unahang bansa sa Timog-Silangang Asya na magbibigay at nagbibigay ng libreng bakuna laban sa rotavirus. Hindi imposible para sa Pilipinas na tumindig at sabihing: “Ang Pilipinas ay sa Pilipino—at handa kaming ipagtanggol ito.” Hindi imposible na ang Pilipinong kaytagal nang yumuyuko tuwing may nakakasalubong na dayuhan—ang Pilipino, ngayon, taas-noong tinitingala ng buong mundo. [Applause] Talaga namang ang sarap maging Pilipino sa mga panahong ito.

Noon pong nakaraang taon, hiniling ko sa taumbayan: Magpasalamat sa mga nakikiambag sa positibong pagbabago sa lipunan. Hindi po biro ang mga pagsubok na dinaanan natin, kaya angkop lamang na pasalamatan ang mga taong nakibalikat, sa pagkukumpuni sa mga maling idinulot ng masamang pamamahala.

Sa lahat ng miyembro ng aking Gabinete: Maraming, maraming salamat. [Applause] Mapalad po ang sambayanan at may mga tulad ninyong handang isuko ang pribado at mas tahimik na pamumuhay para maghatid serbisyo-publiko, kahit pa batid ninyong ang kapalit nito ay mas maliit na sweldo, panganib, at pambabatikos. Maraming salamat muli.

Huwag din po sana nilang masamain dahil personal ko silang papangalanan: Kina Father Catalino Arevalo, at Sister Agnes Guillen, na dumidilig at nagpapalago sa aking buhay spirituwal, lalo na sa mga panahong sukdulan ang pagsubok sa amin, maraming, maraming salamat din po. [Applause]

Ito po ang aking ikatlong SONA, tatlo na lamang din po ang natitira. Papasok na po tayo sa kalagitnaan ng ating liderato. Noong nakaraang taon, ang hamon ko sa inyo: iwaksi ang kultura ng negatibismo; sa bawat pagkakataon, iangat ang kapwa-Pilipino.

Batid po sa tinatamasa natin ngayon: hindi kayo nabigo. Sa inyo nagmula ang pagbabago. Ang sabi ninyo: posible.

Humaharap po ako sa inyo bilang mukha ng isang gobyernong kayo ang boss at kayo pa rin ang lakas. Inuulat ko lamang ang mga pagbabagong ginawa ninyong posible.

Kaya nga po sa lahat ng nurse, midwife, o doktor na piniling magsilbi sa mga baryo; sa bawat bagong graduate na piniling magtrabaho sa gobyerno; sa bawat atletang Pilipinong bitbit ang watawat saan mang panig ng mundo; sa bawat kawani ng pamahalaan na tapat na nagseserbisyo: Kayo po ang gumawa ng pagbabago. [Applause]

Sa tuwing haharap ako sa isang ina na nagsasabing, “Salamat at nabakunahan na ang aking sanggol,” ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.

Sa tuwing haharap ako sa isang bata na nagsasabing, “Salamat sa papel at lapis, sa pagkakataong makapag-aral,” ang tugon ko: Kasama ka sa gumawa nito.

Sa tuwing haharap ako sa isang OFW na nagsasabing, “Salamat at puwede ko na muling pangaraping tumanda sa Pilipinas,” ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.

Sa tuwing haharap ako sa isang Pilipinong nagsasabing, “Salamat, akala ko hindi na magkakakuryente sa aming sitio. Akala ko hindi ko na aabuting buhay ang liwanag na ganito,” ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.

Sa bawat pagkakataon na haharap ako sa isang magsasaka, guro, piloto, inhinyero, tsuper, ahente sa call center, karaniwang Pilipino; sa bawat Juan at Juana dela Cruz na nagsasabing “Salamat sa pagbabago,” ang tugon ko sa inyo: Kayo ang gumawa nito. [Applause]

Inuulit ko po: posible na ang dating imposible. Humaharap po ako sa inyo ngayon, at sinasabing: hindi ko SONA ito. Kayo ang gumawa nito. SONA ito ng sambayanang Pilipino. Maraming, maraming salamat po at magandang hapon po sa lahat. [Applause]

Source:

http://www.gov.ph/2012/07/23/benigno-s-aquino-iii-third-state-of-the-nation-address-july-23-2012/

Official English Translation:

Benigno S. Aquino III, Third State of the Nation Address, July 23, 2012

State of the Nation Address
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines

[English translation of the speech delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City, on July 23, 2012]

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Vice President Jejomar Binay; former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; eminent Justices of the Supreme Court; distinguished members of the diplomatic corps; honorable members of the House of Representatives and of the Senate; our leaders in local government; members of our Cabinet; uniformed officers of the military and of the police; my fellow public servants;

And to my Bosses, the Filipino people: a pleasant afternoon to all.

This is my third SONA. It wasn’t too long ago when we began to dream again; when, united, we chose the straight and righteous path; when we began to cast aside the culture of wang-wang, not only in our streets, but in every sector of society.

It has been two years since you said: We are tired of corruption and of poverty; it is time to restore a government that is truly on the side the people.

Like many of you, I have been a victim of the abuse of power. I was only 12 years old when Martial Law was declared. For seven years and seven months, my father was incarcerated; we lived in forced exile for three years. I saw for myself how many others also suffered.

These experiences forged the principles I now live by: Where a citizen is oppressed, he will find me as an ally; where there is an oppressor, I will be there to fight; where I find something wrong in the system, I will consider it my duty to right it.

Martial Law ended long ago and when it did, we were asked: “If not us, then who?” and “If not now, then when?” Our united response: let it be us, and let it be now. The democracy that was taken from us by force was reclaimed peacefully. And in so doing, we brought light to a dark chapter in our history.

Let it not be forgotten: Martial Law was borne because a dictator manipulated the Constitution to remain in power. And to this day, the battle rages: between those who seek a more equitable system, and those who seek to preserve their priveleges at the expense of others.

The specters of a lost decade haunted us from our first day in office.

There was the North Rail contract—an expensive project that became even more expensive after renegotiation. Ironically, the higher cost came with fewer public benefits; a fleet of 19 trainsets was reduced to three, and the number of stations, from five to two. To make matters worse, the debts incurred from the project are now being called in.

We had GOCCs handing out unwarranted bonuses, despite the losses already suffered by their agencies. We had the billions wasted by PAGCOR on—of all things—coffee. We had the suspect management practices of the PNP, which involved ignoring the need to arm the remaining 45 percent of our police force, just to collect kickbacks on rundown helicopters purchased at brand-new prices.

We were left with little fiscal space even as debts had bunched up and were maturing. We were also left a long list of obligations to fulfill: A backlog of 66,800 classrooms, which would cost us about 53.44 billion pesos; a backlog of 2,573,212 classroom chairs, amounting to 2.31 billion pesos. In 2010, an estimated 36 million Filipinos were still not members of PhilHealth. Forty-two billion pesos was needed to enroll them. Add to all this the 103 billion pesos needed for the modernization of our armed forces.

To fulfill all these obligations and address all our needs, we were bequeathed, at the start of our term, 6.5 percent of the entire budget for the remaining six months of 2010. We were like boxers, sent into the ring blindfolded, with our hands and feet bound, and the referee and the judges paid off.

In our first three months in office, I would look forward to Sundays when I could ask God for His help. We expected that it would take no less than two years before our reforms took hold. Would our countrymen be willing to wait that long?

But what we know about our people, and what we had proven time and again to the world was this: Nothing is impossible to a united Filipino nation. It was change we dreamed of, and change we achieved; the benefits of change are now par for the course.

Roads are straight and level, and properly paved; this is now par for the course.

Relief goods are ready even before a storm arrives. Rescue services are always on standby, and the people are no longer left to fend for themselves. This is now par for the course.

Sirens only blare from the police cars, from ambulances, and from fire trucks—not from government officials. This is now par for the course.  The government that once abused its power is finally using that power for their benefit.

Reforms were established as we cut wasteful spending, held offenders accountable for their actions, and showed the world that the Philippines is now open for business under new management.

What was once the sick man of Asia now brims with vitality. When we secured our first positive credit rating action, some said it was pure luck. Now that we have had eight, can it still just be luck? When the Philippine Stock Exchange Index first broke 4,000, many wondered if that was sustainable. But now, with so many record highs, we are having trouble keeping score: For the record, we have had 44, and the index hovers near or above 5,000. In the first quarter of 2012, our GDP grew by 6.4 percent, much higher than projected, the highest growth in the Southeast Asian region, and the second only to China in the whole of Asia. Once, we were the debtors; now, we are the creditors, clearly no laughing matter. Until recently, we had to beg for investments; now, investors flock to us. Some Japanese companies have said to us, “Maybe you’d like to take a look at us. We’re not the cheapest but we’re number one in technology.” A British banker recently came loooking for opportunities.

Commentators the world over voice their admiration. According to Bloomberg Business Week, “Keep an eye on the Philippines.” Foreign Policy magazine, and even one of the leaders of ASEAN 100, said that we may even become “Asia’s Next Tiger.” Ruchir Sharma, head of Morgan Stanley’s Emerging Market Equities said, “The Philippines is no longer a joke.” And it doesn’t look like he’s pulling our leg, because their company has invested approximately a billion dollars in our markets. I only wish that the optimism of foreign media would be shared by their local counterparts more often.

And we are building an environment where progress can be felt by the majority. When we began office, there were 760,357 household-beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Our target: 3.1 million within two years. By February of this year, the three millionth household-beneficiary of Pantawid Pamilya had been registered. Next year, we will enroll 3.8 million—five times what we had at the beginning of our term.

This is a long-term project, with far-reaching impact. The research is in its initial stages, but already the figures show promise. Based on data from the DSWD: 1,672,977 mothers now get regular checkups; 1,672,814 children have been vaccinated against diarrhea, polio, measles, and various other diseases; 4.57 million students no longer need to miss school because of poverty.

When we first took office, only 62 percent of Filipinos were enrolled in PhilHealth. Enrollment was not necessarily based on need but on being in the good graces of politicians. Now, 85 percent of our citizens are members. This means that since we received our mandate, 23.31 million more Filipinos have access to PhilHealth’s array of benefits and services.

And here’s even better news: the 5.2 million poorest households identified by our National Household Targeting System will now fully benefit from PhilHealth’s programs, free of charge. Because of the Department of Health’s No Balance Billing Policy, treatment for dengue, pneumonia, asthma, cataracts—as well as treatments for catastrophic diseases like breast cancer, prostate cancer, and acute leukemia—can be availed of for free by our poorest countrymen.

The process for our poorest PhilHealth members: Enter any government hospital. Show you PhilHealth card. Get treatment. And they return to their homes without having to shell out a single centavo.

One of the briefings I attended noted that four out of ten Filipinos have never seen a health professional in their entire lifetime. Other figures are more dire: Six out of ten Filipinos die without being attended to by health professionals.

But whatever the basis, the number of Filipinos with no access to government health services remains a concern. And we are acting on this: In 2010, ten thousand nurses and midwives were deployed under the RNHeals Program; to date, we have deployed 30,801. Add to this over 11,000 Community Health Teams tasked to strengthen the links between doctors and nurses, and the communities they serve.

And today, because of efficient targeting, they are deployed to where they are most needed: to areas that have been for so long left in the margins of society. We have sent our health professionals to 1,021 localities covered by the Pantawid Pamilya, and to the 609 poorest cities and municipalities, as identified by the National Anti-Poverty Commission.

This new system addresses two issues: thousands of nurses and midwives now have jobs and an opportunity to gain valuable work experience; at the same time, millions of our countrymen now have increased access to quality health care.

But we are not satisfied with this. What we want: True, universal, and holistic health care. This begins not in our hospitals, but within each and every household: Increased consciousness, routine inoculation, and regular checkups are necessary to keep sickness at bay. Add to this our efforts to ensure that we prevent the illnesses that are in our power to prevent.

For example: Last year, I told you about our anti-dengue mosquito traps. It is too early to claim total victory, but the initial results have been very encouraging.

We tested the efficacy of those mosquito traps in areas with the highest reported incidence of dengue. In 2011, traps were distributed in Bukidnon—which had recorded 1,216 cases of dengue in 2010. After distribution, the number of cases decreased to 37—that is a 97 percent reduction rate. In the towns of Ballesteros and Claveria in Cagayan, there were 228 cases of dengue in 2010; in 2011, a mere eight cases were recorded. In Catarman, Northern Samar: 434 cases of dengue were reported in 2010. There were a mere four cases in 2011.

This project is in its initial stages. But even this early on, we must thank Secretaries Ike Ona of DOH and Mario Montejo of DOST; may our gratitude spur them into even more intensive research and collaboration.

Challenges remain. The high maternal mortality ratio in our country continues to alarm us. Which is why we have undertaken measures to address the health-care needs of women. We, too, want Universal Health Care; we want our medical institutions to have enough equipment, facilities, and manpower.

We can easier fulfill all these goals, if the Sin Tax Bill—which rationalizes taxes on alcohol and tobacco products—can be passed. This bill makes vice more expensive while at the same time raising more money for health.

And what of our students—what welcomes them in the schools? Will they still first learn the alphabet beneath the shade of a tree? Will they still be squatting on the floor, tussling with classmates over a single textbook?

I have great faith in Secretary Luistro: Before the next year ends, we will have built the 66,800 classrooms needed to fill up the shortage we inherited. The 2,573,212 backlog in chairs that we were bequeathed will be addressed before 2012 ends. This year, too, will see the eradication of the backlog of 61.7 million textbooks—and we will finally achieve the one-to-one ratio of books to students.

We are ending the backlogs in the education sector, but the potential for shortages remains as our student population continues to increase. Perhaps Responsible Parenthood can help address this.

For our State Universities and Colleges: we have proposed a 43.61 percent increase in their budget next year. A reminder, though, that everything we do is in accordance to a plan: There are corresponding conditions to this budget increase. The SUC Reform Roadmap of CHED, which has been deliberated and agreed upon, must be enacted to ensure that the students sponsored by the state are of top caliber. Expect that if you work to get high marks in this assignment, we will be striving just as hard to address the rest of your needs.

Year after year, our budget for education has increased. The budget we inherited for DepEd last 2010 was 177 billion pesos. Our proposal for 2013: 292.7 billion pesos. In 2010, our SUCs were allocated a budget of 21.03 billion pesos. Since then, we have annually raised this allocation; for next year, we have proposed to set aside 37.13 billion pesos of our budget for SUCs. Despite this, some militant groups are still cutting classes to protest what they claim is a cut in SUC budgets. It’s this simple: 292.7 is higher than 177, and 34.99 is higher than 21.03. Should anyone again claim that we cut the education budget, we’ll urge your schools to hold remedial math classes. Please attend.

When we assumed office and began establishing much-needed reform, there were those who belittled our government’s performance. They claimed our achievements were mere luck, and what impact they may have as short-lived. There are still those who refuse to cease spreading negativity; they who keep their mouths pursed to good news, and have created an industry out of criticism.

If you have a problem with the fact that before the year ends every child will have their own chairs and own set of books, then look them straight in the eye and tell them, “I do not want you to go to school.”

If you take issue with the fact that 5.2 million of the country’s poorest households can now avail of quality health-care services without worrying about the cost, then look them straight in the eye and tell them, “I do not want you to get better.”

If it angers you that three million Filipino families have been empowered to fulfill their dreams because of Pantawid Pamilya, then look them straight in the eye and tell them, “I will take away the hope you now have for your future.”

The era where policy was based on the whims of the powerful has truly come to an end. For example, the previous leadership of TESDA generously distributed scholarship vouchers—but neglected to fund them. Naturally, the vouchers bounced. The result: over a thousand schools are charging the government 2.4 billion pesos for the vouchers. One person and one administration wanted to show off; the Filipino people are paying for that now.

When Secretary Joel Villanueva assumed the post, he was not daunted by the seemingly impossible reforms that his agency needed to enact. Despite the staggering debt inherited by TESDA, it still trained 434,676 individuals under the Training for Work Scholarship Program. The TESDA Specialists Technopreneurship Program likewise delivered concrete victories—imagine: each of the 5,240 certified Specialistas are earning 562 pesos a day, or 11,240 pesos a month. This is higher than the minimum wage.

From infancy, to adolescence, to adulthood, the system is working for our citizens. And we are ensuring that our economy’s newfound vitality generates jobs.

Let us keep in mind: there are about a million new entrants to the job market every year. The jobs we have produced within the past two years total almost 3.1 million.

As a result, our unemployment rate is declining steadily. In 2010, the unemployment rate was at 8 percent. In April 2011, it dropped to 7.2, and dropped further to 6.9 this year. Is it not an apt time for us to dream of a day where any Filipino who wishes to work can find a job?

Look at the BPO sector. Back in the year 2000, only five thousand people were employed in this industry. Fast forward to 2011: 638,000 people are employed by BPOs, and the industry has contributed 11 billion dollars to our economy. It has been projected that come 2016, it will be bringing in 25 billion dollars and will be employing 1.3 million Filipinos. And this does not include the estimated 3.2 million taxi drivers, baristas, corner stores, canteens, and many others that will benefit from the indirect jobs that the BPO industry will create.

A large portion of our job generation strategy is building sufficient infrastructure. For those who have gone to Boracay on vacation, you have probably seen our newly christened terminal in Caticlan. The plan to expand its runway has also been laid out.

And we will not stop there. Before the end of my term, the New Bohol Airport in Panglao, New Legaspi Airport in Daraga, and Laguindingan Airport in Misamis Oriental will have been built. We will also upgrade our international airports in Mactan, Cebu; Tacloban; and Puerto Princesa Airport, so they can receive more passengers; in addition to remodeling the airports in Butuan, Cotabato, Dipolog, Pagadian, Tawi-Tawi, Southern Leyte, and San Vicente in Palawan.

I am the fourth president to deal with the problems of NAIA Terminal 3. Airplanes are not all that take off and land here; so did problems and anomalies. Secretary Mar Roxas has already said: Before we convene at the next SONA, the structural defects we inherited in NAIA 3 will have been fully repaired.

This June, the LRT Line 1 Cavite Extension project began to move forward. When completed, it will alleviate traffic in Las Piñas, Parañaque, and Cavite. In addition to this, in order to further improve traffic in Metro Manila, there will be two elevated roads directly connecting the North Luzon and South Luzon Expressways. These will be completed in 2015 and will reduce travel time between Clark and Calamba to 1 hour and 40 minutes. Before I leave office, there will be high-quality terminals in Taguig, Quezon City, and Parañaque, so that provincial buses will no longer have to add to the traffic on EDSA.

Perceptions have also changed about a department formerly notorious for its inadequacies. I still remember the days when, during the rainy season, the Tarlac River would overflow and submerge the MacArthur Highway. The asphalt would melt away; the road would be riddled with potholes, until it ended up impassable.

As the representative of my district, I registered my complaints about this. The Department of Public Works and Highways’ reply: we know about the problem, we know how to solve it, but we have no money. I had to appeal to my barangays: “If we don’t prioritize and spend for this ourselves, no one will fix it, and we will be the ones who suffer.” Back in those days, everyone called upon the government to wake up and start working. The complaints today are different: traffic is terrible, but that’s because there’s so much roadwork being done. May I remind everyone: we have done all this without raising taxes.

We will not build our road network based on kickbacks or favoritism. We will build them according to a clear system. Now that resources for these projects are no longer allocated haphazardly, our plans will no longer end up unfulfilled—they will become tangible roads that benefit the Filipino people. When we assumed office, 7,239 kilometers of our national roads were not yet fixed. Right now, 1,569 kilometers of this has been fixed under the leadership of Secretary Babes Singson. In 2012, an additional 2,275 kilometers will be finished. We are even identifying and fixing dangerous roads with the use of modern technology. These are challenges we will continue to address every year, so that, before end of my term, every inch of our national road network will be fixed.

We have fixed more than roads; our DPWH has fixed its system. Just by following the right process of bidding and procurement, their agency saved a total of 10.6 billion pesos from 2011 to June of this year. Even our contractors are feeling the positive effects of our reforms in DPWH. According to the DPWH, “the top 40 contractors are now fully booked.” I am hopeful that the development of our infrastructure continues unimpeded to facilitate the growth of our other industries.

The improvement of our infrastructure is intertwined with the growth of our tourism industry. Consider this: In 2001, the Philippines recorded 1.8 million tourist arrivals. When we assumed office in 2010, this figure had grown to only around 3.1 million. Take note: despite the length of their time in office, the previous administration only managed to add a mere 1.3 million tourist arrivals—and we contributed half a year to that number. Under our administration, we welcomed 2.1 million tourist arrivals by June 2012.  More will arrive during peak season, before the end of the year, so I have no doubt that we will meet our quota of 4.6 million tourist arrivals for 2012. This means that we will have a year-on-year increase of 1.5 million tourists. The bottom line: In two years, we would have had a bigger growth in tourist arrivals, compared to the increase charted by the previous administration in their nine years. We are not singing our own praises; we are merely stating the truth.

But Secretary Mon Jimenez is still not satisfied. He says: if 24.7 million tourists came to Malaysia in 2011, and around 17 million visited Thailand, would it be too far-fetched to have ten million tourists visiting the Philippines annually by 2016? And if the Filipino people continue to embody the same solidarity that allowed the Puerto Princesa Underground River to become one of the New Seven Wonders of Nature, there is no doubt that we will be able to achieve this. As we have already announced to the entire world: “It’s more fun in the Philippines.” Secretary Mon Jimenez has been at his post for less than a year, but we are already reaping the fruits of the reforms we have laid down. So, when it comes to tourism, we are confident in saying, “It’s really more fun—to have Secretary Mon Jimenez with us.”

When it comes to growth and development, agriculture is at the top of our priorities. Secretary Alcala has been working nonstop to deliver us good news. Before, it seemed as though the officials of DA cultivated nothing but NFA’s debts. The NFA that our predecessors took over had a 12-billion peso debt; when they left office, they then bequeathed to us a debt of 177 billion pesos.

For so long in the past, we were led to believe that we were short 1.3 million metric tons of rice, and that we needed to import 2 million metric tons to address this shortage. They ordered rice as like it was unlimited—but because we had exceeded far more than what we needed, imported rice went to rot in the warehouses.

In just our first year, we redcued the annual shortage of 1.3 million metric tons to just 860,000 metric tons. This year, it is down to 500,000—including a buffer stock to dip into in times of calamity. And, if the weather cooperates, we’ll be able to export rice next year.

Secretary Alcala has said that key to our success is a feasible irrigation program and the assiduous implementation of the certified seeds program. What is galling is that this knowledge is not new—it simply wasn’t applied. If they had only done their jobs right, where could we have been by now?

Look at our coconut industry: Coconut water, once treated as a waste product, is now being utilized by our farmers. From 483,862 liters exported in 2009, to 1,807,583 liters in 2010, to a staggering 16,756,498 liters of cocowater exported in 2011. And where no one previously paid heed to coconut coir, we are now experiencing a shortage due to the high demand of exporters. We are not wasting this opportunity: we are buying the machines that will process the coco fibers. We have allocated 1.75 billion pesos to invest in, and develop, this sector.

My mother initiated the Comprehensive Agrarian Reform Program. It is only just that this program sees its conclusion during my term.

We are improving the system, so that we can more swiftly and more efficiently realize agrarian reform. The government is doing everything in its power to ensure that our farmers can claim as their own the land they have tilled and nurtured with their sweat.

There are those, however, who wish to obstruct us. I say to them: We will obey the law. The law says, the nation says, and I say: Before I step down, all the land covered by CARP will have been distributed.

Let me shed some light on our advances in the energy sector. In the past, an electrical wire needed only to reach the barangay hall for an entire barangay to be deemed energized. This was the pretext for the claim that 99.98 percent of the country’s barangays had electricity. Even the delivery of so basic a service was a deception?

We challenged DOE and NEA, allocating 1.3 billion pesos to light up an initial target of 1,300 sitios, at the cost of one million pesos per sitio. And the agencies met the challenge—they lit up 1,520 sitios, at a total cost of 814 million pesos. They accomplished this in three months, instead of the two years it took the people that preceded them. Secretary Rene Almendras, I give you credit; you never seem to run out of energy. With public service, you are not only ever-ready, but like an energizer bunny too—you keep on going, and going, and going.

We have suffused the nation with light—and it is this light, too, that has exposed the crimes that occur in the shadowed corners of society. What the Filipino works so hard for can no longer be pilfered. Crime volume continues to decline across the country. In 2009, over 500,000 crimes were recorded—this year, we have cut that number by more than half, to 246,958. Moreover, 2010’s recorded 2,200 cases of carnapping has likewise been reduced by half—to 966 cases this 2011.

It is these facts that, we hope, will be bannered in headlines. We do not claim that we have ended criminality, but I’m sure no one would complain that it has been reduced. In the span of just a little more than a year, haven’t we finally put Raymond Dominguez in jail, after years of  being in and out of prison? Charges have been filed against two of his brothers as well, and they are now serving time, too. Of the two suspects in the Makati bus bombing of the past year—one is dead, and the other is living in a jail cell. He shares the same fate as the more than ten thousand individuals arrested by PDEA in 2011 for charges relating to illegal drugs.

Pacquiao does not fight every day, and so we can’t rely on him to bring down the crime rate. Which is why we’re strengthening our police force. When this administration began, 45 percent of our police carried no guns and probably relied on magic charms as they chased criminals. But now we have completed the bidding—and we are now testing the quality—for an order of 74,600 guns, which we will provide our police, so that they may better serve and protect the nation, our communities, and themselves.

Let us now talk about national defense. Some have described our Air Force as all air and no force. Lacking the proper equipment, our troops remain vulnerable even as they are expected to be put in harm’s way. We cannot allow things to remain this way.

After only one year and seven months, we have been able to allocate over 28 billion pesos for the AFP Modernization Program. This will soon match the 33 billion pesos set aside for the program in the past 15 years. And we’re only getting started: if our proposed AFP modernization bill is passed in Congress, we will be able to allocate 75 billion pesos for defense within the next five years.

The 30-million dollar fund entrusted to us by the United States for the Defense Capability Upgrade and Sustainment of Equipment Program of the AFP is now ready as well. This is in addition to their assistance in improving the way we patrol our shores under the Coast Watch Center of the Philippines, which will soon be established.

At this moment, the Armed Forces is likewise canvassing equipment such as cannons, personnel carriers, and frigates. Before long, the BRP Ramon Alcaraz, our second Hamilton class cutter, will drop anchor, to partner with the BRP Gregorio del Pilar. We are not sending paper boats out to sea. Now, our 36,000 kilometers of coastline will be patrolled by more modern ships.

And perhaps it is an apt time for our Armed Forces to clean up their hangars, because we will be having equipment arriving soon to further fortify our defenses. Finally, our one and only C-130 that has been roaming our skies for the past 36 years will have partners: two more C-130s will once again be operational. Before this year ends, we are hopeful that the twenty-one refurbished UH-1H Helicopters, the four combat utility helicopters, the radios and other communication equipment, the rifles, the mortars, the mobile diagnostic laboratories, and even the station bullet assemblies we have purchased will be delivered. Come 2013, ten attack helicopters, two naval helicopters, two light aircraft, one frigate, and air force protection equipment will also be arriving.

And it is not only through better equipment that we demonstrate our commitment to help our police and our soldiers. We have eased their financial burdens through the 22,000 houses that have been built under the AFP–PNP housing program.

We are not doing this because we want to be an aggressor, we are not doing this because we want escalation. This is about keeping the peace. This is about protecting ourselves—something that we have long thought impossible. This is about the life of a soldier who risks his life every day; this is about his family, who awaits his safe return, despite the challenges that confront him.

Let’s listen to some of the beneficiaries of these programs tell us in their own words how their lives have been changed.

[VIDEO]

Now that the people care for them, the more impassioned our soldiers are in winning the peace. We consider the 1,772 outlaws whose violence has come to an end a great triumph. One example is the infamous terrorist, Doctor Abu, who will never again strike fear in the hearts of our countrymen. We also celebrate the peace and quiet that has returned to places where our countrymen were once deafened by gunfire. As a result of our solidarity: 365 barangays have been liberated from the enemy, 270 buildings and schools have been repaired, and 74 health centers have been built.

While we are on the subject of peace, let us talk about a place that has long stood as a symbol of frustrated hopes. Before our reforms in the ARMM began, what we had were ghost students walking to ghost schools on ghost roads, to learn from ghost teachers. Some of the apparitions that haunted OIC Governor Mujiv Hataman: Four schools found with ghost students; we are also investigating the teachers whose names do not appear in the list of the Professional Regulation Commission, as well as the government workers not listed in the plantilla. Fifty-five ghost entries have been taken off the payroll. The previous scheme of regraveling roads again and again just to earn money has been outlawed. To avoid abuse, we have ended cash advances for agencies. Now, the souls of the ghosts in voters lists can rest in peace. This is why, to OIC Governor Mujiv Hataman, we can say to you: you are indeed a certified ghost buster.

What we have replaced these phantoms with: real housing, bridges, and learning centers for Badjaos in Basilan. Community-based hatcheries, nets, materials to grow seaweeds, and seedlings that have benefited 2,588 fishermen. Certified seeds, gabi seedlings, cassava, rubber, and trees that are bearing fruit for 145,121 farmers. And this is only the beginning. 183 million pesos has been set aside for the fire stations; 515 million pesos for clean drinking water; 551.9 million pesos for health-care equipment; 691.9 million pesos for daycare centers; and 2.85 billion pesos for the roads and bridges across the region. These are just some of the things that will be afforded by the aggregate 8.59 billion pesos the national government has granted the ARMM. Also, allow me to clarify: this does not include the yearly support that they receive, which in 2012 reached 11.7 billion pesos.

Even those who previously wanted to break away are seeing the effects of reform. Over the past seven months, not even a single encounter has been recorded between the military and the MILF. We recognize this as a sign of their trust. With regard to the peace process: talks have been very open; both sides have shown trust and faith in one another. There may be times when the process can get a little complicated, but these are merely signs that we are steadily moving closer to our shared goal: Peace.

We likewise engaged stakeholders in a level-headed discussion in crafting our Executive Order on mining. The idea behind our consensus we reached: that we be able to utilize our natural resources to uplift the living conditions of the Filipinos not just of today, also of the following generations. We will not reap the rewards of this industry if the cost is the destruction of nature.

But this Executive Order is only the first step. Think about it: In 2010, 145 billion pesos was the total value derived from mining, but only 13.4 billion or 9 percent went to the national treasury. These natural resources are yours; it shouldn’t happen that all that’s left to you is a tip after they’re extracted. We are hoping that Congress will work with us and pass a law that will ensure that the environment is cared for, and that the public and private sectors will receive just benefits from this industry.

Let us talk about the situation in Disaster Risk Reduction and Management. Once, the government, which is supposed to give aid, was the one asking for aid. Today, even when the storm is still brewing, we already know how to craft clear plans to avoid catastrophe.

Talking about disasters reminds me of the time when a typhoon struck Tarlac. The dike collapsed due to the rains; when one of the barangay captains awoke, the floods had already taken his family, as well as his farming equipment. Fortunately, the entire family survived. But the carabao they had left tied to a tree wasn’t as lucky; it was strangled to death from the force of the flood.

Many of those affected by typhoons Ondoy, Pepeng, and Sendong were just as defenseless. We lost so many lives to these natural disasters. And now, through Project NOAH, all our anti-disaster initiatives have been brought inside one boat, and we no longer leave the evacuation of families up to mere luck. We now have the technology to give fair warning to Filipinos in order to prepare for and avoid the worst.

Our 86 automated rain gauges and 28 water level monitoring sensors in various regions now benefit us directly and in real time. Our target before the end of 2013: 600 automated rain gauges and 422 water level sensors. We will have them installed in 80 primary river basins around the country.

Yet another change: Before, agencies with shared responsibilities would work separately, with little coordination or cooperation. Now, the culture of government is bayanihan—a coming together for the sake of the people. This is what we call Convergence.

There have always been tree planting programs in government—but after the trees have been planted, they were left alone. Communities that needed livelihood would cut these down and turn them into charcoal.

We have the solution for this. 128,558 hectares of forest have been planted across the country; this is only a fraction of the 1.5 million-hectare farmlands to be laid out before we step down. This covers the communities under the National Convergence Initiative. The process: When a tree is planted, the DWSD will coordinate with communities. In exchange for a conditional cash transfer, communities would take care of the trees; some would help nurture seeds in a nursery. 335,078 individuals now earn their livelihood from these activities.

The private sector has likewise taken part in a program that hands out special coffee and cacao beans to communities, and trains the townsfolk, too, to nurture those seeds into a bountiful harvest. The coffee is planted in the shade of the trees that in turn help prevent flooding and protect the people. The company that hands out the seeds are sure buyers of the yield. It’s a win-win situation—for the private sector, the communities with their extra income, and the succeeding generations that will benefit from the trees.

Illegal logging has long been a problem. From the time we signed Executive Order No. 23, Mayor Jun Amante has confiscated lumber amounting to more than six million pesos. He has our gratitude. This is just in Butuan; what more if all our LGUs demonstrated the same kind of political will?

The timber confiscated by DENR are handed over to TESDA, which then gives the timber to communities they train in carpentry. From this, DepEd gets chairs for our public schools. Consider this: What was once the product of destruction has been crafted into an instrument for the realization of a better future. This was impossible then—impossible so long as the government turned a blind eye to illegal activities.

To those of you without a conscience; those of you who repeatedly gamble the lives of your fellow Filipinos—your days are numbered. We’ve already sanctioned thirty-four DENR officials, one PNP provincial director, and seven chiefs of police. We are asking a regional director of the PNP to explain why he seemed deaf to our directives and blind to the colossal logs that were being transported before his very eyes. If you do not shape up, you will be next. Even if you tremble beneath the skirts of your patrons, we will find you. I suggest that you start doing your jobs, before it’s too late.

From the womb, to school, to work, change has touched the Filipino. And should a life of government service be chosen, our people can expect the same level of care from the state, until retirement. Our administration will recognize their contributions to our society as public servants, and will not withhold from them the pensions they themselves contributed to.

Consider: some retirees receive less than 500 pesos a month. How does one pay for water, power, and food, daily? Our response: With the New Year comes our resolution that all old-age and disability pensioners will receive no less than five thousand pesos monthly. We are heartened that we can meet their needs now, without jeopardizing their future benefits.

The face of government has truly changed. Our compensation levels are at par with the private sector’s at the entry level. But as you rise through the ranks, private-sector pay overtakes the government.

We will close that gap in time; for now, we have good news for government employees: Performance-Based Incentives. In the past, even poorly performing agencies would not have any employees with ratings lower than “very satisfactory.” To maintain smooth interpersonal relations, supervisors would have a hard time giving appropriate ratings. Exceptional employees are not recognized: their excellence is de-incentivized, and receive the same rewards as laziness and indolence.

Here is one of our steps to respond to this. Starting this year, we will implement a system in which bonuses are based on their agency’s abilities to meet their annual targets. Employees now hold the keys to their own advancement. Incentives may reach up to 35,000 pesos, depending on how well you do your jobs. This is in addition to your across-the-board Christmas bonus.

We are doing this not only to boost morale and to show due appreciation of our public servants. This is, above all, for the Filipino people, who expect sincere and efficient service—who expect that they will continue to be the sole Bosses of our workers in government.

There have always been people who have questioned our guiding principle, “If there is no corruption, there is no poverty.” They ask if good governance can put food on the table. Quite simply: Yes.

Think about it: Doing business in the Philippines was once considered too risky—the rules were too opaque and they were constantly changing. A person shaking your hand one day may pick your pocket the next.

Now, with a level playing field, and clear and consistent rules, confidence in our economy is growing. Investments are pouring in, jobs are being created, and a virtuous cycle has begun—where empowered consumers buy more products, and businesses hire more people so they can expand to keep up with the growing demand.

Prudent spending has allowed us to plug the leaks in the system, and improved tax collection has increased revenues. Every peso collected is properly spent on roads, on vaccines, on classrooms and chairs—spent on our future.

We have fixed the system by which we build roads, bridges, and buildings—they now go where they are truly needed. Our roads are properly paved; products, services, and people reach their destination quickly and with greater ease.

Because of good governance in agriculture, food production has increased, prices don’t fluctuate, wages are stable, and our economy is stronger.

It is true: A resilient and dynamic economy resting on the foundations of good governance is the best defense against global uncertainty. We have been dismantling the obstacles to progress for two years, and now, our success can only be limited by how hard we are willing to work for it.

We achieved all these things even as countries around the world were surmounting their own challenges.

We exist in this world with others. And so it is only appropriate that even as we attend to our own problems, we remain vigilant about some events that affect us.

The situation in Bajo de Masinloc has been the source of much discussion. Chinese fishermen entered out territory. Our patrol boats intercepted some of their ships, which contain endangered species. As your leader, it is my duty to uphold the laws of our country. And as I did, tension ensued: on one hand, the Chinese had their Nine-Dash Line Theory laying claim to almost the entire West Philippine Sea; on the other, there was the United Nations Convention on the Laws of the Sea, which recognized the rights of many countries, including that of China itself.

We demonstrated utmost forbearance in dealing with this issue. As a sign of our goodwill, we replaced our navy cutter with a civilian boat as soon as we could. We chose not to respond to their media’s harangues. I do not think it excessive to ask that our rights be respected,  just as we respect their rights as a fellow nation in a world we need to share.

There are those who say that we should let Bajo de Masinloc go; we should avoid the trouble. But if someone entered your yard and told you he owned it, would you agree? Would it be right to give away that which is rightfully ours?

And so I ask for solidarity from our people regarding this issue. Let us speak with one voice. Help me relay to the other side the logic of our stand.

This is not a simple situation, and there can be no simple solutions. Rest assured: we are consulting experts, every leader of our nation, our allies—even those on the other side—to find a resolution that is acceptable to all.

With every step on the straight and righteous path, we plant the seeds of change. But there are still some who are commited to uprooting our work. Even as I speak, there are those who have gathered in a room, whispering to each other, dissecting each word I utter, looking for any pretext to attack me with tomorrow. These are also the ones who say, “Let go of the past. Unite. Forgive and forget so we can move forward as a people.”

I find this unacceptable. Shall we simply forgive and forget the ten years that were taken from us? Do we simply forgive and forget the farmers who piled up massive debts because of a government that insisted on importing rice, while we could have reinvested in them and their farmlands instead? Shall we forgive and forget the family of the police officer who died while trying to defend himself against guns with nothing but a nightstick?

Shall we forgive and forget the orphans of the 57 victims of the massacre in Maguindanao? Will their loved ones be brought back to life by forgiving and forgetting? Do we forgive and forget everything that was ever done to us, to sink us into a rotten state? Do we forgive and forget to return to the former status quo? My response: Forgiveness is possible; forgetting is not. If offenders go unpunished, society’s future suffering is guaranteed.

True unity and reconciliation can only emanate from genuine justice. Justice is the plunder case leveled against our former president; justice that she receives her day in court and can defend herself against the accusations leveled against her. Justice is what we witnessed on the 29th of May. On that day, we proved that justice can prevail, even when confronted with an opponent in a position of power. On that day, a woman named Delsa Flores, in Panabo, Davao del Norte, said “It is actually possible: a single law governing both a simple court reporter like me, and the Chief Justice.” It is possible for the scales to be set right, and for even the rich and powerful to be held accountable.

This is why, to the next Chief Justice, much will be demanded of you by our people. We have proven the impossible possible; now, our task is reform towards true justice that continues even after our administration. There are still many flaws in the system, and repairing these will not be easy. I am aware of the weight of your mandate. But this is what our people tasked us to do; this is the duty we have sworn to do; and this what we must do.

Our objectives are simple: If you are innocent, you will appear in court with confidence, because you will be found not guilty. But if you are guilty, you will be made to pay for your sins, no matter who you are.

I would also like to thank Ombudsman Conchita Carpio-Morales, for accepting the challenges that came with the position. She could have turned down the responsibility, citing her retirement and volunteering others for the job—but her desire to serve the nation won out. This generosity was met with a grenade in her home. Ma’am, more challenges will come; in time, perhaps, they’ll give you the same monikers they’ve given me—a greedy capitalist who is also a communist headed towards dictatorship because of the reforms we have been working so hard to achieve.

I thank you for your work, and I thank you for being an instrument of true justice—especially at the height of the impeachment trial. I thank, too, the two institutions that form our Congress—the Senate and the House of Representatives—which were weighed and measured by the Filipino people, and were not found wanting.

To everyone that ensured that our justice system worked well: You weathered many challenges and criticism, and even misgivings; couple that with the anxiety over possible failure, of having to face the ire of those you went up against, after a mission lost. But you did not falter. The Filipino people were relying on you, and you proved that their faith was rightly placed. You did not fail the nation; you further brightened our futures.

Let me remind you that our fight does not end with the ousting of one corrupt official, with the suspension of an anomalous contract, or the systemic overhauling of a government office. I call upon Congress to pass our amendments to the Anti-Money Laundering Act, that we may strengthen our measures to hold the corrupt accountable.

Every town that has and will be lighted; the highways, bridges, airports, trains, and ports we have built; fair contracts; the peace in our cities and our rural areas; every classroom, desk, and book assigned to a child; every Filipino granted a future—all of these, we have achieved in just two years. We have advanced an agenda of reform in these last two years, a marked contrast to our suffering in the decade that came before.

If we share the same ideals and work for the same goals, then we are bound by a shared agenda. But if you are against us, it only follows that you are against what we are doing. Whoever stands against the agenda for genuine change—can the people really count them as being on their side?

Elections are fast approaching. You, our Bosses, will be our compass. I ask you, “Boss, what direction will we take? Do we continue treading the straight and righteous path, or do we double-back—towards the crooked road that leads to a dead end?”

I remember well those early days when we first started working. I was keenly aware of the heavy burdens we would face. And I was among those who wondered: Is it possible to fix a system this broken?

This is what I have learned in the 25 months I have served as your president: nothing is impossible. Nothing is impossible because if the Filipino people see that they are the only Bosses of their government, they will carry you, they will guide you, they themselves will lead you towards meaningful change. It isn’t impossible for the Philippines to become the first country in Southeast Asia to provide free vaccines for the rotavirus. It isn’t impossible for the Philippines to stand strong and say, “The Philippines is for Filipinos—and we are ready to defend it.” It is not impossible for the Filipino who for so long had kept his head bowed upon meeting a foreigner—it is not impossible for the Filipino, today, to stand with his head held high and bask in the admiration of the world. In these times—is it not great to be a Filipino?

Last year, I asked the Filipino people: Thank those who have done their share in bringing about positive change in society. The obstacles we encountered were no laughing matter, and I believe it is only right that we thank those who shouldered the burdens with us, in righting the wrongs brought about by bad governance.

To all the members of my Cabinet: my sincerest thanks. The Filipino people are lucky that there are those of you ready to sacrifice your private and much quieter lives in order to serve the public, even if you know that you will receive smaller salaries, dangers, and constant criticism in return.

And I hope that they will not mind if I take this opportunity to thank them today: to Father Catalino Arevalo and Sister Agnes Guillen, who have nurtured and allowed my spiritual life to flourish, especially in times of greatest difficulty: my deepest gratitude.

This is my third SONA; only three remain. We are entering the midpoint of our administration. Last year, I challenged you to fully turn your back on the culture of negativism; to take every chance to uplift your fellow Filipinos.

From what we are experiencing today, it is clear: you succeeded. You are the wellspring of change. You said: it is possible.

I stand before you today as the face of a government that knows you as its Boss and draws its strength from you. I am only here to narrate the changes that you yourselves have made possible.

This is why, to all the nurses, midwives, or doctors who chose to serve in the barrios; to each new graduate who has chosen to work for the government; to each Filipino athlete who proudly carries the flag in any corner of the globe, to each government official who renders true and honest service: You made this change possible.

So whenever I come face to face with a mother who tells me, “Thank you, my child has been vaccinated,” I respond: You made this happen.

Whenever I come face to face with a child who tells me, “Thank you for the paper, for the pencils, for the chance to study,” I respond: You made this happen.

Whenever I come face to face with an OFW who tells me, “Thank you, because I can once again dream of growing old in the Philippines,” I respond: You made this happen.

Whenever I come face to face with a Filipino who says, “Thank you, I thought that we would never have electricity in our sitio. I never imagined living to see the light,” I respond: You made this happen.

Whenever I come face to face with any farmer, teacher, pilot, engineer, driver, call center agent, or any normal Filipino; to every Juan and Juana dela Cruz who says, ”Thank you for this change,” I respond: You made this happen.

I repeat: what was once impossible is now possible. I stand before you today and tell you: this is not my SONA. You made this happen. This is the SONA of the Filipino nation. Thank you.

Source: http://www.gov.ph/2012/07/23/english-translation-benigno-s-aquino-iii-third-state-of-the-nation-address-july-23-2012/

 

MGA TANONG AT SAGOT HINGGIL SA Kto12 PROGRAM NG GOBYERNO NG PILIPINAS

Standard

(DOWNLOADABLE FILE SA IBABA>>>)

(Paunawa: Simpleng lenggwahe ang ginamit sa artikulong ito upang madaling maintindihan ng mayorya.)

TANONG: ANO ANG KTO12 PROG­­­RAM?­­­­

SAGOT: Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa lumang sistema ay tinatawag naming junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng Kto12.

TANONG: AYON SA GOBYERNO, BAKIT DAW KAILANGANG MAGDAGDAG NG 2 TAON SA BASIC EDUCATION?

SAGOT: Mababa raw ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sa pamamagitan daw ng Kto12 ay mapatataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa buong Southeast Asia raw, ang Pilipinas na lang ang may 10-year Basic Education Cycle (ang ibang bansa ay may 11-12 taon sa Basic Education Cycle). Sa buong mundo, ang Pilipinas daw ang isa sa 3 bansa na may 10-year Basic Education Cycle. Sa lumang sistema raw, pagkagraduate ng hayskul ay di pa rin handa para magtrabaho ang mga estudyante (masyado pang bata para makapagnegosyo at iba pa). Hindi rin daw handang magkolehiyo ang maraming graduate ng hayskul sa lumang sistema.

Dahil daw sa lumang 10-year Basic Education Cycle ay hindi kinikilala o nirerecognize ng ibang bansa ang mga propesyunal na grumaduate sa Pilipinas. Sa Amerika, kailangan daw ang 12 taon ng Basic Education para sa mga engineer. Sa Europa naman, kailangan daw ng 12 taon ng Basic Education para sa mga gustong mag-aral sa mga unibersidad doon at para sa mga gustong magtrabaho bilang propesyunal doon.

TANONG: KAILAN MAGSISIMULA ANG KTO12 PROGRAM?

SAGOT: Nagsimula noong School Year 2011-2012 ang pagkakaroon ng kindergarten sa mga pampublikong paaralan. Ngayong School Year 2012-2013 ay sisimulan na ang implementasyon ng Kto12 curriculum sa Grade 1 (elementarya) at Grade 7 (unang taon sa junior high school). Unti-unting ipapatupad ang Kto12 curriculum hanggang sa makagraduate ang unang batch ng senior high school sa School Year 2017-2018.  Batay sa plano ng gobyerno, sa School Year 2018-2019 pa lang makapagsisimulang kumuha ng bachelor’s degree sa kolehiyo/unibersidad ang unang batch ng senior high school na dumaan sa Kto12.

TANONG: MAAYOS BA ANG PREPARASYON NG GOBYERNO BAGO IPATUPAD ANG KTO12?

SAGOT: Maraming naging problema nang agad na ipinatupad ang mandatory kindergarten: kulang ng silid-aralan, kulang ng guro at mababa lang din ang sweldo ng mga guro sa kindergarten. Ngayong School Year 2012-2013, ayon sa ACT Teachers Partylist,  kulang ng 132,483 guro, 97,685 silid-aralan at 153,709 pasilidad sa tubig at sanitasyon ang mga pampublikong paaralang elementarya at hayskul sa Pilipinas. Mismong ang Department of Education ay umaamin na may kulang pa ring guro at pasilidad ang mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng pondo.

Samantala, may problema rin ang Kto12 curriculum na ipapatupad ngayong School Year 2012-2013. Una, minadali ang paggawa sa curriculum na ito (ngayong summer lang ng 2012 ito ginawa). Mas malala ang problema sa hayskul dahil noong 2010 ay may inilabas nang curriculum ang DepEd. Kumbaga, mainit-init pa ang 2010 curriculum ay may bago na naman ngayon kaya laganap ang pagkalito ng mga guro at maging ng mga administrador. Sa katunayan, di pa tapos ang implementasyon ng 2010 curriculum sa hayskul (ang curriculum na ito’y tinatawag na 2010 Secondary Education Curriculum o 2010 SEC). Pinupuna rin ng ibang guro ang pag-adopt ng ilang bahagi ng Kto12 curriculum sa mga tema ng isang institusyong pang-edukasyon sa Amerika gaya ng nangyari sa draft ng curriculum para sa Araling Panlipunan gaya ng ipinapakita sa larawang ito na mula sa Facebook account ni Robert Medrano ng ACT Teachers Partylist:

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=3274614825265&set=a.1047405906434.2010410.1264282538&type=1&theater&notif_t=mentions_comment

Sa kasalukuyan (as of May 28, 2012), tumatanggap pa rin ng suhestyon atbp. ang Bureau of Secondary Education ng DepEd hinggil sa curriculum ng 3rd Year sa hayskul sa ilalim ng 2010 SEC na ayon sa website nila ay “DRAFT” pa lang. Tumatanggap pa rin sila ng suhestyon hinggil sa Kto12 curriculum para sa Grade 7-12 (samakatwid, “draft” lang din ang Kto12 curriculum). Sa kabuuan, ang prosesong sinunod sa pagbubuo ng Kto12 curriculum ay top-down: mga eksperto ang namamahala sa pagbuo ng curriculum at halos walang papel ang mga simpleng gurong aktwal na nasa field.

Problematiko rin ang kasabay na pagpapatupad ng Kto12 at ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) ng DepEd: hati ang oras at resources ng ahensya para sa training ng mga guro.

TANONG: MAGKANO ANG MAGAGASTOS SA IMPLEMENTASYON NG KTO12 AT SAAN KUKUHA NG PERA ANG GOBYERNO PARA RITO?

SAGOT: Tinatayang 150 bilyong piso ang magagastos para sa karagdagang guro, libro at klasrum pa lamang. Hanggang ngayon, di pa rin nililinaw ng gobyerno kung saan kukunin ang ganitong kalaking pera. Suportado (at talagang matagal nang itinutulak) ng World Bank ang Kto12 Program kaya may posibilidad na sa karagdagang utang manggaling ang pera para sa Kto12. Kamakailan, lumabas din ang balita na inirerekomenda ng World Bank sa gobyerno ng Pilipinas na magtaas at magdagdag ng bagong buwis. Kung hindi utang, karagdagang buwis ang pagmumulan ng pondo para sa Kto12 dahil wala namang ibang source ang Pilipinas.

TANONG: MAY PLANO NA BA ANG GOBYERNO PARA SA MGA KOLEHIYO/UNIBERSIDAD NA POSIBLENG MAWALAN NG ESTUDYANTE MULA SCHOOL YEAR 2016-2017 HANGGANG 2017-2018 DAHIL SA KTO12?

SAGOT: Wala pang malinaw na plano ang gobyerno hinggil dito. Gayunman, ayon sa mga forum/talakayan, gagamitin ang pasilidad ng mga kolehiyo/unibersidad na ito para sa implementasyon ng senior high school. Ang mga guro ng mga institusyong ito ay pwede ring pagturuin sa senior high school.

TANONG: MAAARI BANG MAGTURO SA JUNIOR AT/O SENIOR HIGH SCHOOL ANG MGA PROPESOR/INSTRUKTOR NA WALANG LET O HINDI KUMUHA/HINDI PASADO NG LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS?

SAGOT: Wala pang malinaw na sagot ang gobyerno hinggil dito. May mga nagsasabing papayagan silang magturo basta may sapat nang bilang ng taon ng pagtuturo noon sa kolehiyo/unibersidad.

 

TANONG: ANO ANG EPEKTO NG KTO12 SA KOLEHIYO/UNIBERSIDAD, PARTIKULAR SA MGA KURSO/COURSES?

SAGOT: Hanggang ngayon, wala pang malinaw na detalye hinggil dito. May nagsasabing iikli ang bilang ng taon ng kolehiyo/unibersidad dahil ang ibang General Education subjects (gaya ng Filipino, English at History) ay isasama/ililipat na sa senior high school. May nagsasabing ganoon pa rin ang bilang ng taon ng kolehiyo/unibersidad pero mababawasan ng ilang General Education subjects ang kukunin ng mga estudyante roon.

TANONG: DAPAT BANG IHINTO ANG IMPLEMENTASYON NG KTO12?

SAGOT: Batay sa mga nabanggit na problema at kawalan ng malinaw at komprehensibong plano ng gobyerno hinggil sa implementasyon ng Kto12, dapat pansamantala munang itigil ang implementasyon nito para hindi masayang ang pera at pagod ng DepEd at ng mga guro at iba pang mga mamamayang kasangkot sa implementasyon nito. Dapat unahin ng gobyerno ang mga kakulangan sa 10-year Basic Education Cycle bago magdagdag ng taon dahil kung basta na lamang magdaragdag ng taon nang hindi pa naaayos ang 10-year Basic Education Cycle, tiyak na lalo lamang gugulo ang sistema at baka nga lalo pang bumaba ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Kung tutuusin, wala ring sapat na pera ang gobyerno para sa Kto12 sa panahong ito. Ni hindi nga mailaan ng gobyerno sa edukasyon ang 6% man lamang ng Gross Domestic Product ng bansa para makasunod sa standard ng United Nations. Katunayan, mula noong administrasyong Macapagal-Arroyo hanggang sa panahon ng ikalawang administrasyong Aquino, pagbabayad ng utang at hindi edukasyon ang prayoridad ng gobyerno sa National Budget (kahit na nga labag ito sa Konstitusyon).

Gayundin, dapat bigyang-diin na ang ibang dahilan sa pagpapatupad ng Kto12 (halimbawa’y ang pagpapattern ng ating education system para sa pangangailangan ng Amerika at Europa) ay mali per se. Bakit dapat magproduce ng mga propesyunal ang Pilipinas para sa pangangailangan ng Amerika at Europa lamang? Hindi ba dapat na ang mga propesyunal na graduate sa Pilipinas ay suitable ang skills sa bansa nila mismo para makatulong sila sa pag-unlad nito? Para saan nga ba o para kanino ang edukasyon? Iyon ang unang dapat sagutin at mali ang sagot ng Kto12 sa tanong na iyon. Kaya, sabi nga ng sikat na Bible study guides, “TEKA MUNA!” Bago mag-Kto12 baka mas magandang mag-usap-usap muna tayo (gobyerno, mga guro, mga magulang, mga estudyante at mga mamamayan).

–          Institute of Nationalist Education and Republican Democracy (INERD)  Mayo 28, 2012

Mga Tanong at Sagot Tungkol sa Pananakop ng Tsina sa Bajo de Masinloc/Scarborough Shoal (2nd Edition)

Standard

(Simpleng lenggwahe ang ginamit sa artikulong ito para madaling maintindihan ng mayorya ng mga Pilipino.

(DOWNLOADABLE FILE SA ILALIM)


TANONG: KANINO BA ANG BAJO DE MASINLOC/SCARBOROUGH SHOAL?

SAGOT: Sa Pilipinas ang Bajo de Masinloc. Pilipinas ang may-ari ng Bajo de Masinloc.

TANONG: ANO ANG BATAYAN NG PAGMAMAY-ARI O OWNERSHIP NG PILIPINAS SA BAJO DE MASINLOC?

SAGOT: Panahon pa lamang ng mga Kastila, sakop na ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc. Noon pa man ay naaabot na ito ng mga mangingisdang Pilipino. Hanggang ngayon (bago magpadala ng malalaking barko ang Tsina) ay napupuntahan iyon ng mga mangingisdang Pilipino. Kapag tiningnan sa mapa, malinaw na mas malapit ang Bajo de Masinloc sa Pilipinas kaysa sa Tsina. Katunayan, sakop ng probinsya ng Zambales ang Bajo de Masinloc. Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), malinaw na ang Pilipinas ang nakakasakop sa Bajo de Masinloc.

TANONG: BAKIT INAANGKIN NG TSINA ANG BAJO DE MASINLOC NGAYON?

SAGOT: Dapat bigyang-diin na noong panahon ni Mao Tse Tung, mula noong itatag ang People’s Republic of China noong 1949, hindi naman inangkin ng Tsina ang Bajo de Masinloc. Hindi rin nila ito pinupuntahan noon. Inangkin lang at pinuntahan ng Tsina ang Bajo de Masinloc nang maging lantad na kapitalista na ang sistemang ekonomiko nila sa mga nakaraang taon. Dahil kapitalista na ang Tsina, kailangan nito ng mas maraming petrolyo na magagamit sa pagpapatakbo ng mga industriya. Sa ilalim ng kapitalismo, tubo o profit lang ang iniisip ng mga negosyante at mga nasa gobyerno. Dahil sa kagustuhang lalong magpayaman, sinisimulan na ng Tsina ang pag-angkin sa mga malalapit na pulo o teritoryo na posibleng may petrolyo. Bajo de Masinloc ang pangunahing target ng Tsina dahil alam ng gobyerno nila na mahina ang gobyerno ng Pilipinas at watak-watak din ang mga mamamayang Pilipino di gaya ng mga Vietnamese, Taiwanese at iba pang mga mamamayan sa paligid ng Tsina. Kumbaga, “easy target” ang teritoryo ng Pilipinas.

TANONG: MAY KARAPATAN BA ANG TSINA NA ANGKININ ANG BAJO DE MASINLOC?

SAGOT: Wala. Ngayon lang nila ito inangkin, at inaangkin nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng pwersa (nagpadala na sila ng mga malalaking barko para takutin ang mga Pilipinong mangingisda na dati ay laging nagpupunta roon). Hindi nila pwedeng gamitin ang mga lumang mapa para angkinin ang Bajo de Masinloc dahil mula noong mawasak ang Chinese Empire sa pagsilang ng People’s Republic of China, nagwakas na rin ang validity ng mga lumang mapa na ginawa sa ilalim ng Chinese Empire. Hindi naman inangkin ng mga naunang pinuno ng People’s Republic of China ang Bajo de Masinloc noon. Samantala, mula pa noong panahon ng Kastila hanggang ngayong taon na magpadala ng mga barko ang Tsina sa Bajo de Masinloc, malinaw na inaangkin at pinupuntahan ito ng mga Pilipino. Gayundin, sa ilalim ng UNCLOS, ang Pilipinas talaga ang nakasasakop sa Bajo de Masinloc.

TANONG: KUNG WALANG KARAPATAN ANG TSINA SA BAJO DE MASINLOC, BAKIT SILA NANDOON?

SAGOT: Nandoon ang mga barko ng Tsina dahil malakas na bansa sila. Sa mundong ito, sa mas maraming pagkakataon, nananaig ang malalakas lalo na kapag hindi nagsasama-sama ang mga mahihina laban sa malalakas.

TANONG: MAGKAKAROON BA NG AKTWAL NA GERA?

SAGOT: Malaki ang posibilidad na hindi magkaroon ng totoong gera. Una, alam ng Tsina na kapag nagdeklara ito ng gera, maaalarma ang mga malalapit na bansa at mas malaki ang posibilidad na kumampi ang ibang bansa sa Pilipinas para matapatan ang lakas ng Tsina (dahil alam ng ibang bansa na kapag lumalakas nang lumakas ang Tsina, baka sila naman ang “isunod” nito). Pangalawa, hindi magdedeklara ng gera ang gobyerno ng Pilipinas. Alam ng gobyerno ng Pilipinas na pagpapakamatay o suicide iyon. Ikatlo, walang sapat na lakas ang Estados Unidos upang mang-udyok ng gera sa Timog Silangang Asya/Southeast Asia dahil abalang-abala ito sa Afghanistan, Iran at Syria. Gayundin, abalang-abala ang gobyerno ng Estados Unidos sa pagsugpo sa palakas nang palakas na kilusang anti-kapitalistang tinatawag na Occupy Wallstreet Movement (na naging Occupy All Street Movement na ayon sa ibang aktibista). Bagsak na bagsak ang ekonomya ng Estados Unidos kaya wala ito sa posisyon na mang-udyok ng gera. Tiyak na susulsulan ng Estados Unidos ang Pilipinas na gumastos ng malaki para sa pagbili ng armas at mga segundamano o second-hand na kagamitang pandigma sa mga Amerikano pero hindi gugustuhin ng Estados Unidos na magkaroon ng gera sa kasalukuyan sa Timog-Silangang Asya dahil marami pa itong pinagkakaabalahan sa ibang lugar (lalo na nga sa mismong bansa nila).  Uudyukan ng Estados Unidos ang mga opisyal ng militar sa Pilipinas at sa Tsina na gumastos ng malaki para sa pagbili ng armas at mga kagamitang pandigma dahil ang Estados Unidos ang pinakamalaking eksporter ng armas sa buong mundo.

TANONG: TUTULONG BA ANG ESTADOS UNIDOS SA PILIPINAS SA ISYUNG ITO?

SAGOT: Magpapanggap lang ang Estados Unidos na tumutulong o tutulong pero hindi maasahan ang anumang totoong tulong sa Estados Unidos. Tandaan na ang mayorya ng mga utang ng Amerika ay inutang sa Tsina: kapag bumagsak ang Tsina, bagsak din ang USA at vice-versa. Magkakabit ang interes ng Tsina at Estados Unidos kahit na nga sa mata ng publiko ay nagpapanggap silang magkaaway.

TANONG: PAANO MAIIWASAN ANG GERA?

SAGOT: Kailangang resolbahin ang problema sa paraang diplomatiko. Samakatwid, kailangang ihinto ang anumang aksyong militar. Halimbawa, dapat itigil ang Balikatan exercises sa pagitan ng mga militar ng Pilipinas at Estados Unidos. Dapat ding itigil ng gobyerno ng Pilipinas ang paghingi ng tulong sa Estados Unidos.

TANONG: ANO ANG DAPAT GAWIN UPANG MAPATUNAYAN NA HINDI TAYO TUTULUNGAN NG ESTADOS UNIDOS?

SAGOT: Dapat hilingin ng gobyerno ng Pilipinas sa United Nations (UN) Security Council na ikondena o tuligsain ang pananakop ng Tsina sa Bajo de Masinloc. Siyempre, tatahimik lang ang Estados Unidos (na miyembro ng UN Security Council). Mabubulgar sa buong mundo na walang pakialam ang Estados Unidos sa kapakanan ng mga Pilipino.

TANONG: PWEDE BANG IBOYCOTT ANG MGA PRODUKTO NG TSINA PARA HINDI NA NILA TAYO APIHIN?

SAGOT: Hindi. Walang silbi ang boycott. Hindi pa natin kayang iboycott ang mga produkto ng Tsina ngayon dahil wala naman tayong mga sariling industriya.

TANONG: PAANO MARERESOLBA ANG PROBLEMA SA PARAANG DIPLOMATIKO?

SAGOT: Kailangang ihapag sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) ang pananakop ng Tsina sa Bajo de Masinloc. Kahit ayaw pumayag ng Tsina, dapat irehistro ng Pilipinas sa ITLOS ang reklamo tungkol sa pananakop ng Tsina sa Bajo de Masinloc. Kasabay nito, kailangang mag-ingay ang mga Pilipino sa international community. Kailangang “magmakaawa” ang Pilipinas sa iba pang bansa, lalo na sa mga kapwa bansang Third World na suportahan ang Pilipinas at hikayatin ang Tsina na pumayag sa paglutas ng problema sa harap ng ITLOS. Kailangang ulit-ulitin ng Pilipinas ang pagbanggit na ITLOS lang ang legal na forum na pwedeng magdesisyon tungkol sa Bajo de Masinloc. Sa pamamagitan nito, malalantad sa mundo ang kawalan ng paggalang ng Tsina sa UNCLOS at sa mismong United Nations (dahil ayaw nga ng Tsina na makarating sa ITLOS ang problema). Sa bandang huli, makikita ng buong mundo na Pilipinas ang nasa panig ng katwiran/tama.

TANONG: PAANO MAPAPATIBAY ANG POSISYON NG PILIPINAS SA DIPLOMASYA?

SAGOT: Dapat hilingin o “ligawan” ng Pilipinas ang suporta ng mga mauunlad na bansang gaya ng Norway at mga umuunlad na bansang gaya ng Brazil at India laban sa pananakop ng Tsina. Dapat ipaunawa sa mga bansang ito na ang pagsuporta nila sa Pilipinas ay makatutulong upang mapigilan ang sobrang paglakas ng Tsina na maaaring makaapekto sa seguridad ng iba pang bansa. Ang Norway ay madaling hingan ng tulong dahil marami itong pera at ipinapakete ang sarili bilang isang makapangyarihang bansa sa diplomasya. Maganda ang record ng Norway sa pagtulong sa Pilipinas (hanggang ngayon ay tinutulungan nito ang gobyerno ng Pilipinas at ang mga rebeldeng komunista sa pagsasagawa ng peace talks). Samantala, ang Brazil at India (at mga katulad na bansa) ay magiging interesado sa Pilipinas dahil kailangan din nila ng mga karagdagang trading partner para masustain ang paglago ng kanilang ekonomya. Ispesyal ang India dahil tradisyunal na karibal ito ng Tsina sa Asya. Sa “panliligaw” sa mga makapangyarihang bansa, dapat tiyakin ng Pilipinas na hindi malulugi ang mga mamamayan ng Pilipinas sa anumang kompromiso o kasunduang papasukan.

Upang lalong mapalakas ang posisyon ng Pilipinas sa international community, dapat pangunahan at/o buhayin ng Pilipinas ang panawagan ng pagrereporma sa UN Security Council. Dapat ulit-ulitin ng Pilipinas ang demand na gawing demokratiko ang UN Security Council sa pamamagitan ng pagpapalawak sa membership nito upang dumami ang mga Third World countries na nandoon. Sa United Nations General Assembly, dapat ulit-ulitin ng kinatawan ng Pilipinas ang kahalagahan ng pagpapalakas sa General Assembly bilang pinakamataas na policy-making at decision-making body ng United Nations habang nananawagan din ng demokratisasyon ng UN Security Council. Sa pamamagitan nito, ang mga bansang gaya ng Brazil at India na gustong magkaroon ng permanenteng pwesto sa Security Council ay tiyak na kakampi sa Pilipinas. Gayundin, tiyak na kakampi sa Pilipinas ang nakararaming bansang Third World na sawang-sawa na sa pangingibabaw ng mga mauunlad na bansa sa Europa at Amerika.

TANONG: ANO PA ANG PWEDENG GAWIN NG GOBYERNO NG PILIPINAS PARA MAKATULONG SA PAGRESOLBA NG PROBLEMA?

SAGOT: Kailangang pabilisin ang pakikipag-peace talks sa mga rebeldeng grupo para magkaroon ng totoong pagkakaisa ang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagtatagumpay ng peace talks, magkakaroon ng oportunidad ang Pilipinas na magpatupad na ng mga repormang sosyo-ekonomiko na makapagpapalakas sa bansa. Katunayan, gusto ng mga rebeldeng grupo na pag-usapan na ang mga repormang sosyo-ekonomiko. Ang ibang rebeldeng grupo ay nagpahayag na rin ng kahandaan na makipag-alyansa sa gobyerno ng Pilipinas para ipagtanggol ang kalayaan ng bansa.

Dapat tandaan na hangga’t mahirap ang Pilipinas, lagi itong aapi-apihin ng malalakas na bansa. Sa pamamagitan ng peace talks, magkakaroon ng oportunidad ang Pilipinas na makamit ang pagkakaisa tungo sa mga repormang makapagpapaunlad ng bayan.

TANONG: ANO ANG PWEDENG GAWIN NG MGA SIMPLENG PILIPINO PARA MAKATULONG SA PAGRESOLBA NG PROBLEMA?

SAGOT: Itigil ang propagandang kontra-Instik. Huwag murahin o kaya’y lalong pagalitin ang mga Instik. Ipakita sa buong mundo na ang mga Pilipino, kahit inaapi ay palakaibigan pa rin. Kunin ang simpatya ng mga ordinaryong Instik. Tumulong sa paglalantad sa pagiging ganid o greedy ng mga pekeng komunista sa pekeng “Communist Party” of China. Tumulong sa paglalantad sa tunay na kulay ng gobyerno ng Tsina na nang-aapi na nga ng ibang bansa ay inaapi at pinagsasamantalahan din ang sariling mga mamamayan. Tumulong sa pagpapakalat ng balita hinggil sa korapsyon sa loob ng pekeng “Communist Party” of China. Bigyang-diin sa propaganda ang malaking agwat o gap ng mayayaman at mahirap sa Tsina. Mahinahong ipaliwanag sa mga kaibigang Instik ang panig ng Pilipinas. Ipaalala rin sa lahat na noon ay magkakaibigan ang Pilipino at Instik (bago pa dumating ang mga Kastila, nagkakalakalan na ang Pilipinas at Tsina). Bigyang-diin din ang pagpapahalaga ng Pilipinas sa mga pamanang kultural ng Tsina gaya ng pagkain, mga salita atbp.

TANONG: ANO ANG DAPAT GAWIN HABANG HINIHINTAY ANG RESULTA NG REKLAMO NG PILIPINAS SA ITLOS?

SAGOT: Huwag magpadala ng tropa sa Bajo de Masinloc. Ipakita na ayaw ng mga Pilipino sa gera. Dapat umarteng “aping-api” at kaawa-awa ang Pilipinas. Kumbaga, manatiling mahinahon at “isumbong” sa international community ang anumang gawin ng Tsina na nagpapatibay sa pagsakop nito sa Bajo de Masinloc. Paulit-ulit din na ipahayag sa ibang bansa na kapag pinabayaan nilang lumakas nang lumakas ng Tsina at agawin ang Bajo de Masinloc, sa susunod ay mga teritoryo naman nila ang isusunod nito. Paunlarin ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa (distribusyon ng lupa sa mga magsasaka), modernisasyon ng agrikultura, makabansang industriyalisasyon (pagbubuo at pagpapatibay ng mga industriyang Pilipino), pagpapahusay ng sistemang pang-edukasyon, pagdaragdag ng badyet sa kalusugan, at iba pang mahahalagang reporma na makatitiyak sa pagkakaroon ng malulusog at matatalinong Pilipino. Kailangan ding palakasin ang tinig ng ordinaryong tao sa gobyerno sa pamamagitan ng pagpapahina at pagwasak sa kapangyarihan ng elite. Masisimulan ito sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Anti-Dynasty Bill. Kung walang Anti-Dynasty Bill, walang magbabago sa sitwasyon ng gobyerno, kaya wala ring maipatutupad na reporma at di rin uunlad ang Pilipinas gaya ng nangyari sa nakalipas na 100 taon.

Kapag napaunlad ng Pilipinas ang sarili, awtomatikong igagalang na ito ng buong mundo at matatakot na ang alinmang bansa na sakupin ang alinmang teritoryo nito. Higit sa lahat, pag-aralan ang sosyalismo at makipag-ugnayan sa mga lokal at internasyunal na samahang sosyalista. Alalahanin na ang sosyalismo ay kasalungat ng kapitalismo, at ang kaaway ng Pilipinas sa isyung ito ay isang kapitalistang bansa: ang Tsina. Karugtong ng kapitalismo ang pananakop ng mga teritoryo at/o imposisyon ng impluwensya sa ekonomya, pulitika atbp. dahil ang pagkakamal ng tubo o profit ay nagiging mas madali at epektibo sa pamamagitan ng mga gawaing iyon. Samakatwid, hangga’t may kapitalismo sa daigdig, hangga’t may bansang kapitalista, laging magkakaroon ng bansang nang-aapi at inaapi, bansang nanakop at sinasakop. Hangga’t may kapitalismo at kapitalista, laging may magsasamantala at pagsasamantalahan. Kung gayon, kailangang alisin ang kapitalismo at palitan ito ng sosyalismo upang ganap na malutas ang mga suliranin ng daigdig. Tumulong sa pagpapatibay ng sosyalismo sa buong daigdig sapagkat sa isang sosyalistang daigdig lamang magkakaroon ng tunay na kaunlaran at kapayapaan para sa lahat ng mga mamamayan.

~~~

“Pinagkakaitan ba nila kayo ng pag-asa? Mabuti! Huwag kayong umasa sa kanila, umasa kayo sa inyong sarili at kumilos!…pangalagaan ang sariling pag-iisip ng sambayanan…magsikhay kayo na maging isang bansa! Sa halip na maging utak-alipin, mag-isip kayo nang malaya…at malaon, kakamtin ninyo ang inyong kalayaan!”

– Simoun sa Kabanata 7 ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal

 

“Ang Mga Dakilang Lansanga’y Muling Mabubuksan”

Standard

Salin ko iyan ng pamagat ng huling talumpati ng sosyalistang presidente ng Chile na si Salvador Allende.
Sinuportahan ng mga manggagawa, magsasaka at mga propesyunal si Allende kaya siya’y nagwagi bilang kauna-unahang presidenteng Marxista/sosyalista na nahalal sa isang demokratikong eleksyon. Kinudeta ng CIA si Allende sa pamumuno ng berdugong heneral na si Augusto Pinochet. Binigkas ni Allende ang talumpating iyon sa Radio Magallanes habang binobomba ng mga nagkudeta ang Palasyo ng Pangulo. Iyon ang huling beses na narinig ng mga tao ang boses ni Allende.
Naalala kong bigla ang pamagat ng talumpati ni Allende kanina habang nasa gawing Mendiola ako (para mag-enrol, hindi para magrally, bagamat nililinaw kong may mga pagkakataong naroon din ako para magrally).
May rally ang Kilusang Mayo Uno, Anakpawis Partylist at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Isa sa pangunahing demand ng mga raliyista ang pagtataas sa sahod ng mga manggagawa. Narito ang sarili kong kuha ng eksena.

(Kung pelikula lang ito, bubuksan ko ang gate at papapasukin ang mga BOSS ni Noynoy. BTW, habang kinukuhanan ko ito ng larawan, may isang batalyon ng riot police sa likod ko.)

GNP, Tumataas!

Standard

Bad news ‘yan, actually.

Gutom na Pilipino (GNP) hindi Gross National Product.

Ayon sa Social Weather Station (SWS), halos 5 milyong pamilya ang nakaranas na magutom noong 2011. Narito ang ulat: http://newsinfo.inquirer.net/137039/4-5m-families-went-hungry-in-2011

Posibleng mas mataas pa sa bilang na ito ang bilang ng mga pamilyang nakararanas ng kagutuman.

Gusto mo ng ebidensya? Panoorin ang award-winning Pinoy short film na “Chicken A La Carte.”
Narito ang link: http://www.youtube.com/watch?v=o1bOteXhwrw

Ang short film na ito’y popular sa buong mundo. Katunayan, may subtitled edition na ito sa Espanyol at iba pang wikang di Filipino at di rin Ingles.

Wow! World-class na ang kagutuman ng mga Pinoy! Role model tayo ng Third World sa kagutuman!

Lagi na lang bang ganito?

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy.

Isang malakas na buntunghininga, isang munting panalangin, at isang pangako na lagi akong magsusumikap na mag-ambag sa pagbabago ng ating lipunang gutom, sawi at dukhang-dukha.

Ikaw, anong plano mo?