KABALINTUNAAN: Tulang tungkol sa demolisyon sa Lungsod ng San Juan (Enero 2012)

Standard

“KABALINTUNAAN”

Walang puso

ang pulis,

ang maton,

ang gobyerno,

sa Barangay Corazon de Jesus

at wala ring Kristong nagsanggalang

sa mga dukhang inagawan

ng espasyo.

Ganyan kami

sa Pilipinas,

sa bayan ng de-boteng happiness

at huwad na sayang pang-iilan lamang:

it’s more fun pa rin ba

ang bukambibig ng elitista’t petiburgesya?
Ah, lasing lang sila

sa sariling Kool-Aid;

patikimin din sana

sila ng langit

ng bitter pill

na Poverty

ang name na generic

para hindi na nila ipagsigawang

“It’s more fun in the Philippines.”

(Larawan mula sa Facebook user na si Kristian Jacob Abad Lora, 2012)

Para sa balita hinggil sa nasabing demolisyon, sipatin ang link na ito: http://pinoyweekly.org/new/2012/01/komunidad-ng-maralita-sa-san-juan-marahas-na-dinemolis/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s